26: Ughh

28 1 0
                                        

Kyle's POV

"Sometimes, bad becomes good and good becomes bad. But The bad are always bad and good is always good." Ughh. Ayan na lang ba lagi kong mababasa sa Twitter. Tsk scroll pa nga.

Napatigil ako sa pagscroll ng makita ko ang post ni Ayen.

@ayen26

Move on na ako. Kaya ikaw tumigil ka na kasi wala nang tayo.

<//3 Ouch!!

Ouch.. ang sakit ng puso ko. Grabe, feeling ko mamamatay na ako bukas. Shit! Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit masakit? Bakit. ANG daming bakit ang tumatakbo sa isip ko.

Tsk itulog ko na nga lang ito.

ZzzzzzZzzzz

---

New day, new life. Hay..

Naalala ko yung time na kami pa ni Ayen.

Tuwing gigising ako sa umaga nakikita ko na ang sikat ng araw sa ganda ng taong nasa harapan ko.  Magandang maganda.

Pinagluluto niya ako ng pagkain.
Pinaglalaba..
Pinagpaplantsa.
Pero ngayon lahat nawala dahil sa isang iglap.
Lahat ng magandang alaala napalitan ng bad memories.

Tsk Miss na kita Ayen.

Ayen's POV

Gosh! Ano ba yang bulaklak na yan? Ang baho..

Binuksan ko ang pintuan at nay nakita akong box at may bulaklak sa tabi. Pagtingin ko sa bulaklak, hindi naman lanta. Pero ano yung mabaho.

Tsk binuksan ko ang box. May tumambad na letter sa akin na nakasulat...

I hope you' ll enjoy it. Open it.

Tsk edi wow!!

Binuksan ko pa yung nasa loob ng box at....

"Waaaaaaahh." Tili ko. Hinagis ko ang box dahilan ng pagtapon ng laman nito.

"Ano ba yan Aye-- Ano yan?" Sabi ni Carl ng makalapit siya sa akin.

"Dagang patay." Kadiri talaga yung laman ng Box. Card siya na may nakadikit na picture namin ni Kyle tapos may nakasiksik na picture ni Carl. Tapos may patay na daga na puno ng dugo.

"Yaya pawalis nga tong labas." Sigaw ni kuya.

"Ayen, pumasok ka muna." Sabi ni kuya na sinunod ko naman.

Pagpasok ko sa bahay dumeretso ako sa kwarto ko. At nagmukmok..

Huhu. Nakakadiri yun. Naalala ko tuloy yung ginawa sa akin Ni Kyle. Naawa ako sakanya. Pati siya nadamay sa walang kwentang patayan na toh. Tsk!

Masakit man yung mga ginawa niya sa akin, hindi ko parin siya makalimutan. Iniisip ko nga kung mahal ko pa ba siya o talagang nakadestiny kami sa isa't isa. Pls Lord help me po!

But I really miss Kyle. I miss him and I love him so much..

Third's person POV

Mahal pa nga ni Ayen si Kyle at mahal pa ni Kyle si Ayen. May chance bang makabalikan sila.

*toot toot*

Tunog ng Phone ni Ayen na ikinagulat nito.

May nagtext. Sino kaya toh?

From: 0995*******

Be aware. Im watching you..

"Threats. Kapal ng mukha nito." Sa sobrang inis niya lumabas siya ng kwarto niya. Bumaba siya sa hagdanan pero pagbaba noya ang dilim ng paligid.

"Someone's watching me. Totoo ba yung threats" bulong niya sa sarili niya.

Tumingim siya sa paligid at may nakita siyang paa. Sinundan niya yung paa at tumubad sakanya si Carl na bugbog sarado.

"Caafghnsnxkks" hindi niya na nasabi ang sasabihin niya kasi may nagtakip sa bibig niya. Sinaksak nito si Ayen sa may bandang bewang at ..

Everthing went black.

Ayen's POV

Ouch! Ang sakit ng katawan ko. Ano bang nangyari?

Pinilit kong igalaw ang katawan pero..
"OUCH.." ang sakit ng bandang beywang ko. Nakatakip ang bibig ko kaya walang nakarinig sa sigaw ko. Pati yung kamay ko atska yung paa. Kidnap..

Kinapa ko kung sino yung katabi ko at..

"Kuya.." I said then look to my right.

"Hmm." Sabi ni kuya na parang bagong gising pero siya walang takip sa bibig.

"Dhskakjxnsjwj" sabi ko.

"Ano? Hindi kita maintindihan" ay oo nga pala.

Tinuro ko ang bibig ko gamit ang mata ko. At mukhang nagets niya naman.

Natanggal ni kuya ang panyo sa bibig ko gamit ang bibih niya. Shocks! Muntikan na kaming maghalikan. Iw..

"Kuya. Anong ginagawa natin rito?" Sabi ko kay kuya.

"Ewan pero hindi lang tayong dalawa ang nandito." Sabi ni kuya na nakanguso pa sa katabi ko. Nakakamisteryo. Dahan dahan kong tinignan ang katabi ko na halos matagal ang mata sa gulat. Nadamay siya.

"Hmm." Sabi niya. Kagigising lang niya.
"Ayen.. * sabay tingin sa paligid* asan ako" sabi niya.

"I dont know Kyle." Nakaramdam ako ng sakit ng makita ko si Kyle na nakatali. Parang feeling ko kasalanan ko.

"Gising na pala kayo." Sabi nung isa na nakamaskara na feeling ko lalaki sa boses niya. Siya ba ang killer.

"Hindi tulog pa kami. Kakakita mo palang diba." Hindi ko tuloy napigilang mamilosopo.

"Ay sumasagot. Tsk okay!" Sabi niya sabay lapit sa akin na may hawak na gunting.

"Pilosopo ka diba." Sabi niya na akamang itutusok na sa akin ang gunting. Nang may nagsalita.

"Pls wag mo siyang saktan." Sabi ni Carl. "Ako na lang." Nagulat ako sa sinabi niya.

"No. Ako na lang" napatingin naman ako kay Kyle. Seryoso ba sila.

"Tutal wala naman akong kwenta. Sige ako na lang patayin niyo. Kakatransfer ko lang naman eh. Wala namang iiyak pag namatay ako sige ako na lang. Ako na lang" paiyak niyang sabi. Naawa ako kay Kyle ngayon.

"Ok. " sabi nung killer at lumapit kay Kyle. Sinimulan niyang bigyan ito ng isang suntok. Hanggat sa sunod sunod na. May sipa pang kasama.

Nagsusuka na ng dugo si Kyle.

"Tama na." Pagmamakaawa ko.
Pero wala, sige lang siya sa pagsuntok sa kanya. May pasa na siya sa mukha.

"Pls tama na. pls.." napatigil yung killer sa akin.

" may awa ka pa pala." Sabi niya sabay sabunot sa akin na dahilan ng pagiyak ko. Ouch!

"Eh paano yan. Isusunod ko na kayong tatlo." Sabi nito.

"Ouch.." Sigaw ko. Sinipa ko siya sa may tyan. Sakto ng ikatalsik niya.

"Hayop ka. "
Sabay lapit sa akin. Ako ba punterya nito.

Sinuntok niya ako isa lang at lumapit na sa malaking screen sa harap namin.

Pagbukas nun nakita namin ang buong Einstein Section.

"Ayen, Carl At Kyle. Anong ginagawa niyo dyan?" Rinig kong sabi ni Jennifer.

"Hi." Sabi nung killer pagkalabas sa screen.

"Hayop ka anong ginawa mo sakanila." Sigaw ni Louissa.

"Simple lang. Isusuond ko na sila."

"And all, were have a game."
Laro na naman. Tsk nakakatakot.

"Hanapin niyo kung nasaan ang kwartong ito at pakawalan sila. A player have an 5 minutes to do this. Dahil etong mga gagamba, ipis, uod, at daga ang papatay sa kanila." Sabi niya. "So who is the player."

"Ako.."

"Jade..."

THE TWINDonde viven las historias. Descúbrelo ahora