Meet Ayah

12 2 0
                                    

Author's note ♡♡

Hi :-) pagpasensyahan nyo na Lang po kung sakaling hindi maganda at hindi nyo magustuhan.. NagsisimuLa pa Lang po kasi akong magsulat. Pero I try my best para kahit papaano hindi masayang oras nyo sa pagbasa. And pLease comment para mapaganda po ang kwento. Suggestion is aLLowed. Thank you ♡♥

_______________======_______________

AYAH PoV

"magkano po isang kiLo ng mangga?" Tanong sakin nung isang aLe na bumibiLi.

"45 ho. Bagong deLiver po iyan. Matamis po yan. :-)" ganyan ako sa Lahat ng costumer. Magiliw dapat! Yan kasi ang turo ni nanay sakin.

Ito lang kasi ang pinagkakakitaan namin ni nanay. Dalawa na lang kasi kami. Namatay daw si tatay bago pa man ako ipanganak kaya hindi ko sya nakita. Ako lang din nag iisang anak. Syempre patay na nga si tatay diba bago ako ipanganak. Paano pa magkaka anak uLit si nanay diba?
MaLiban na lang kung mag-asawa uLit si nanay. Pero sa edad na 47 wala na syang baLak mag-asawa. Sapat na daw ako sa buhay nya. Oohhh diba ang bait ni nanay. Napaka swerte ko sa kanya.

hindi pa nga pala ako nakapagpapakiLala. Ako paLa si Ayah-lyne Mendoza. Hindi ko din aLam kung saan nanggaLing ang pangaLan ko. Pero ayos naman diba? Maganda naman diba? Diba? ^_^
16 years old pa Lang ako. Mag p-first year college ngayong pasukan at tourism ang balak kung kunin. Matangkad kasi ako at maganda sabi niLa. Pero sakin waLa naman yun sa ganda. Pangarap ko kasi taLagang maLibot ang buong mundo.
Maraming costumer ang hindi naniniwaLa na nagtitinda lang ako ng prutas, guLay, karne at isda. Akala nga niLa anak ako ng isang mayaman. Pero hindi! Kahit pinapangarap ko yun pero ang totoo hindi! Simple lang ang buhay ko kasama si nanay at nakatira lang din sa simpleng bahay. Yung sapat lang. Kahit papaano naman kasi may napundar din si nanay.. At kung nagtataka kayo kung bakit tourism ang course na gusto ko at sa pribadong school papasok gayong mahirap kami.... yun ay dahiL may utak ako. Iba daw kasi ang may aLAm. MataLino kasi ako kahit papaano kaya fuLL scholar ako sa university na papasukan ko. Astig diba? Tuwang tuwa nga si nanay.

_______fastforward_________

"Ang galing naman ng anak ko. Alas tres pa lang anak pero ubos na paninda natin." Sabi ni nanay.

"Syempre nay, mana kaya ako sayo tsaka para naman makapagpahinga tayo ng maaga lalo ka na 'nay. Maaga pa uLit tayo bukas eh."

"Anak, salamat ha. Ang swerte ko sayo." Maluha luhang sabi ni nanay.

Lagi kaming ganito ni nanay..

Haayyy . Makakauwe na din kami. Makapagpahinga na at makakatuLog kahit papano. Sa panaginip ko lang nakakaLimutan ang hirap ng buhay.

Kung mayaman lang sana tayo nay.
Sana.....

" Her Life; fulL of Lie "Where stories live. Discover now