Chapter 2 : Go Out With Me

21 5 4
                                    


AHHH! Ayoko talagang pumasok! >.< Kasalanan 'to lahat ng Kendall Taylor na yun eh! Bakit niya ba kasi ako hinalikan? Baka..

Panaginip ko lang yun! Tama! Ay mali.. Isa palang bangungot yun na dapat ko ng kalimutan! Kaso ninakaw niya yung I.D ko.. Huhu!

Ibig sabihin hindi talaga yun panaginip at kailangan ko pa siyang lapitan para makuha yun! >.< WAAH!

At saka, what did he mean when he said ako yung next?!

---

In the end pumasok rin pala ako! At halos thirty minutes din akong nakatayo sa tapat ng gate. Mygosh! Ang tagal dumating ng sungit na yun!

Akala ko talaga makukuha ko yung ID ko bago dumami yung tao. Pinagtitinginan na tuloy ako! Grr..

Mukha akong ewan >.<

Nakita kong paparating siya at may kasama siya.. Yung lalaki kahapon na akala ko ako yung tinatawag, hindi pala -_- I think Nash ata yung pangalan niya?

Here I go!

"Ah.. Excuse me! Yung ID ko please!" pero nilagpasan lang niya ako.

The nerve of this jerk! Hindi naman siguro siya bingi para hindi ako marinig >.<

May nilabas akong papel sa bag ko at tumakbo ako sa harapan niya saka ko pinakita yung sulat..

[Ibalik mo I.D ko.. magnanakaw!]

"Haha! Galing ka bang mental?" natatawang sabi niya na kulang na lang humiga siya sa sahig dahil sa kakatawa.

Grr.. How dare him para pagtawanan ako!

Halata namang nagpipigil din ng tawa yung kaibigan niya sa likod -_-

"Ito ba?"

Pinakita niya yung ID ko at kukunin ko na sana kaso tinaas niya.

"Akin na!" tumalon ako para makuha kaso hindi ko abot. May lahi ata 'tong kapre -_- Hanggang balikat lang ako!

"Woo, abutin mo" pang-aasar niya habang nilalapit yung ID sa mukha ko.

Hayss, how childish..

"Akin na sabi yan!"

Napalapit yung mukha ko sa kanya at parang nag-flashback yung nangyari kahapon kaya namula ako.

Ba-dump.. Ba-dump..

Naitulak ko siya palayo pero mahina lang. Hala, bakit ko ginawa yun?

"Inisip mo bang hahalikan kita?" nakangisi siya habang nakatingin sa'kin.

So mean! He's the worst! >.< Sinabi niya yun sa harap ng maraming tao!

"Ang kapal naman ng mukha mo para isipin yun!" may babaeng biglang humila ng buhok ko na tinalo pa ang clown dahil sa rami ng make-up sa mukha niya.

"As if naman may hahalik sa'yong lalaki!" -alipores 1

"Ang feeling mo namang nerd ka!" -alipores 2

Matagal ko ng alam yan kahit hindi nila sabihin. Pero kahit na biro lang yung kahapon.. hinalikan talaga niya ako!

"Tumigil na kayo.." hinila niya ako at biglang inakbayan, "Because I have already decided to make her my girl" at binalik niya yung ID ko.

Yey! Yung ID ko.. HAH? His girl!? What does he think he's saying? Over my dead not so sexy body na mangyayari yun!

Pagtingin ko sa kanila, parang mapapatay na nila ako dahil sa mga tingin nila. Mas lalo na si Ms.Clown na halatang head over heels para sa demonyong 'to!

"Wala naman akong balak na maging girlfriend niya eh.." tanggi ko.

"Ano?! Ang kapal naman ng mukha mo para tanggihan si Kendall!" sigaw niya.

Ano ba talagang gusto niya? Nung sinabing magiging girlfriend ako ng demonyong 'to, nagalit siya.. Ngayon na ayoko, mas nagalit pa siya -_- Ano ba talaga?!

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" medyo inis kong tanong. Is he planning to make my life miserable?

"Ipapakita ko sa'yo.. kung bakit maraming babae ang gustong maging girlfriend ko" at mas nilapit pa niya ako sa kanya.

I felt a slight chill run through my whole body.

For sure, nagbibiro lang siya! Yung paghalik niya sa'kin at pagiging girlfriend niya.. Lahat yun trip niya lang! Kung sa tingin niya masasali niya ko sa mga collection niya pwes nagkakamali siya! >.<

---

Dapat talaga sa aso ko na lang siya pinakagat kahapon para nagka-rabis siya at hindi na nakapasok. Bakit kasi sa dinami-dami ng babae diyan ako pa ang napili niya.. -_-

"Let's now start our discussion sa Student Handbook" saka nilabas ni Sir yung makapal na libro na aakalin mong dictionary.

One more thing that I love other than reading, ay ang makinig sa teacher. Halatang nawalan na ng gana yung iba at naghahanda ng matulog.

"Sir sinabi po ni Hanna na hinalikan siya ni Kendall!"

ANO?! Wala akong sinabing ganun!

"Hi-Hindi po yun.."

"Ms.Taylor is that true? Tell me!" sigaw ng Sir namin na halatang may crush sa masungit na demonyong yun! -_- Gosh!

Sino ba kasing nagsabi nun? Malayo palang rinig ko na yung demonyong tawa ni.. Ms.Clown! >.< Grr.. I should have known!

Wait.. Classmate ko pala siya?

"Hindi ba siya yung babaeng sumama kay Kendall sa clinic?" -girl 1

"Yeah right! If I know sumunod lang yan!" -girl 2

"What a nerd!" - girl 3

Nagsimula na yung mga bulungan nilang walang kwenta -_-

"Ms.Taylor umamin ka sa'kin!" Kasama pa 'tong malandi naming teacher na akala mo kung girlfriend niya.

Napayuko na lang ako dahil sa sama ng mga tingin nila sa akin.

"Its true.. We just kissed yesterday" napatingin ako sa kanya.

Ba-dump.. Ba-dump..

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil inamin niya o mahihiya dahil sa sinabi niya.

"Of all people, bakit siya pa?!" hysterical na sabi ni Ms.Clown.

"Ahem.. okay class dismissed!" Haha! Nakakatawa yung itsura ng teacher namin na parang natataeng ewan..

Lalabas na sana ako ng iharang niya yung kamay niya kaya hindi ako makaalis. Grr..

"Nagkakagusto ka na ba sa'kin?" nakangisi niyang tanong. Humangin bigla -_-

"Gusto mong mag-date tayo?" Okay, its confirmed! Hindi lang pala siya masungit at mayabang.. mahangin pa.

"Asa ka!" umupo ako at sa baba ako dumaan kaya nakatakas ako sa kanya.

"If you're playing hard to get, suit yourself. I'm sure simula ngayon, hindi ka na titigilan ng fans ko"

Nakakaasar talaga siya! >.< I will never go out with him!

***

Nerdy Meets PlayboyWhere stories live. Discover now