Chapter 1 : My First Kiss

46 8 5
                                    


I'm Hanna Taylor and starting today isa na akong fourth year HS student..

First day of school kasi ngayon at panigurado pagkakaguluhan na naman ako sa school. MWAHAHA!

“Yey! Finish! Ang sexy ko!”

Above the knee yung skirt ko at nakalugay pa yung mahabang buhok ko.

“Waah! Hindi talaga bagay!” ginulo ko yung buhok ko. Hindi ako cute!

Binalik ko sa dati yung buhok ko na palaging naka-braid sa dalawa. Mas bagay ko talaga ang ganito -_- At ginawa kong below the knee yung skirt ko.

Actually, isa akong well-known na nerd sa dating school ko. Pero hindi ako nagsusuot ng salamin nor braces. Let's just say mahilig lang talaga akong magbasa.

*SLAM*

“Hanna! Sorry kung hindi kita masasamahan!!” niyakap agad ako ni Snow na umiiyak pa. Ang aking one and only bestfriend slash roommate.

Sa dorm kasi kami nakatira para malapit sa schools namin. Yep, schools kasi magkaiba kami ng papasukang high school.. Huhu!

“Wait.. don't tell me pupunta ka sa school niyo na ganyan?” sabay turo sa akin.

“Huh? Bakit weird ba?” Ano namang problema sa ayos ko? Okay lang kaya..

“Duh.. Sa tingin mo makakakuha ka ng boyfriend ng ganyan?”

Feeling ko sinaksak ako ng kutsilyo >.< Oo na! Ako na walang boyfriend!

“Ayoko sa mga lalaking tumitingin lang sa appearance noh!” palusot ko pero tama naman ako diba?

“Yan ang sinasabi ng mga babaeng hindi sikat”

“Sige, ikaw na pinagkakaguluhan ng mga lalaki!”

Kumpara kasi sa'kin.. Maganda si Snow at mahilig mag-ayos. Hindi tulad ko na mukhang manang! >.<

Sinubukan ko naman.. kaso hindi talaga bagay sa'kin eh!

“Sige Hanna mauna na 'ko!”

Umalis na siya kasama ng boyfriend niya samantalang ako 16 years nang NBSB! Pero hindi naman ako naiinggit kasi bestfriend ko siya!

Hayss bahala na! Kailangan ko ng magmadali baka malate pa ko sa first day of school ko..

---

[Angel Delight Academy]

Ba-dump.. Ba-dump..

Kyaah, pinagtitinginan nila kong lahat pagpasok ko. Bakit naka-improper uniform ba ko? O baka dahil may dumi ako sa mukha?

Grabe! Ang iiksi ng mga skirt ng babae dito! At ako lang ata ang mahaba yung palda -_-

“Taylor!” sigaw ng isang gwapong lalaki at papalapit siya sa'kin.

Kyaa~ Lord, nadinig na ba yung panalangin ko na magkaroon ng boyfriend?

“Bakit ganyan yang mukha mo? Hindi ka pa rin nagbago!”

Oh my gosh! Papalapit talaga siya sa'kin! ^O^

Huhu.. Nilagpasan niya 'ko at sa likod ko dumiretso.

Kyaah nakakahiya! Hindi pala ako yung kausap niya! Assuming ka kasi Taylor eh! Pero wait.. may kapangalan ako?

Pagtalikod ko..

Kung yung lalaki kanina gwapo, ibang level naman yung kagwapuhan nitong isa kaso mukha siyang masungit! >.< Sayang!

“Diba siya yung naging first sa entrance exam?” -girl 1

“Ang cool niya nga eh!” -girl 2

Anooo?! Siya yung nakatalo sa'kin? Halos magsunog na nga ako ng kilay sa kaka-review ko pero second lang ako?

I HATE HIM! I HATE HIM!

Hmpf! Sa susunod hindi na ako magpapatalo sa kanya..

---

Hindi ko alam kung tadhana ba 'to o sadyang minamalas lang ako ngayon! >.< Kaklase ko kasi yung masungit na lalaki na tumalo sa akin. Kaupo ko pa siya at ang mas worst..

Kanina pa niya ako tinitingnan!

“Hoy Miss!”

Gyaa~ Kinakausap niya ako! At ano daw hoy? FYI may pangalan ako! Grr..

“Bakit?” tanong ko pero hindi ako nakaharap sa kanya. Hindi kami close noh!

“Bakit ang panget mo?”

Sinong panget?! Grr.. Pasalamat siya may teacher sa harap! Sa pinakalikod kasi kami nakaupo.

“Taylor din pala apelyido mo? Hindi mo bagay”

Hayss, nakakainis na siya ah! Sino ba siya sa akala niya?!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsulat na lang ako.

“Kinakausap kita nerdy..” hinila niya yung buhok ko kaya napaharap ako sa kanya at ang lapit ng mukha niya! Hayss, ang gwapo niyaa~ I mean sobrang yabang niya!

“Aray!” sigaw niya pero mahina lang.

Kinagat ko kasi ng buong pwersa yung kamay niya. MWAHAHA!

“Ang sakit nun.. nerdy!” ang sama ng tingin niya sa'kin na parang gusto niya akong ipakain sa sandaang piranha.

*gulp*

“Sumunod ka sa'kin” kalmado niyang sabi pero halatang galit pa rin.

“Huh?” May teacher kaya kami!

“Sasamahan mo ko sa clinic” tumayo na siya at diretsong lumabas.

“Mr.Taylor!”

“Excuse me Sir masama po yung pakiramdam ni Kendall kaya pupunta po kami ng clinic” palusot ko. Great! Nagsisinungaling ako sa isang teacher.. pero kasalanan ko naman kasi >.<

Pumayag naman si Sir kaya sinundan ko na siya.

“Ang tagal mo!” bungad niya sa akin pagpasok ko. Grr.. Sungit!

Nakahiga pa siya sa higaan na akala mo kung may sakit -_- Sarap niya tuloy ihulog sa kama!

Hinanap ko na yung first aid kit para magamot yung kamay niya. Pinaupo ko siya at buti sumunod naman agad. Nilagyan ko ng betadine yung kamay niya at isang band aid.

“Tapos na.. aalis na 'ko!”

Tatayo na sana ako ng hilain niya yung kamay ko kaya napahiga ako sa kama.

Ba-dump.. Ba-dump..

Nakapatong siya sa ibabaw ko at kung kanina two inch yung layo ng mukha namin, ngayon one inch na lang.. *gulp*

“Did you honestly think na pinapunta kita rito para lang diyan?” poker face niyang sabi.

“Lumayo ka nga sa'kin!”

Naramdaman ko na lang na dumampi yung labi niya sa labi ko.

“First time kong kagatin ng isang babae kaya magbabayad ka.. I've decided you're going to be next” saka siya umalis.

Wait, did he just.. Napatakip agad ako sa labi ko.

Wasn't that.. my first kiss?

***

Nerdy Meets PlayboyWhere stories live. Discover now