Only Part

9.4K 475 115
                                    

"Micka, may tubig ka?"

Tanong sa akin ni Niel. Nagsmile lang ako sa kanya saka iniabot ang isang bote ng mineral water.

"Thanks Micka." saka siya bumalik sa court.

Nathaniel Lee. He's my crush and the MVP of our basketball team. Ako nga pala ang water station niya.

"Twin, di kaba nagsasawa?" siko sa akin ng bestfriend ko habang nakangising tinatanaw ang dark prince niya, The Dragons' Captain na si Michael Alejandro.

"Okay lang." saka ko siya binigyan ng curious look at binalikan niya naman ito ng serious niyang look.

"Anong okay lang? Three years mo na kaya 'yang ginagawa simula highschool ka pa ha! Maganda ka naman eh, maybe you should move on and find some other guy 'yung nakaka-appreciate sa'yo."

Sana kaya ko.

"Ewan ko. Siya talaga 'yung gusto ko eh. Kahit anong gawin kong paglayo,sa kanya pa rin ako bumabalik."

"Hay nako,Twin.Walang true love na one-sided ha."

"Hanep mo ding bestfriend ka! Sama nito!" Saka ko siya iniwan sa gym habang siya naman ay humalakhak ng bongga.

Nasanay na ako sa kanya. Masyado talaga siyang prangka at 'yung iba nga ay namamalditahan sa kanya pero para sa akin 'yun yung asset niya. Ang mamukaw ng natutulog na common sense.

Nasa Grade 12 na ako at sa 'di ko malamang dahilan gusto ko pa din si Niel.
Alam ko namang nagmumukha na akong tanga at nagbibingi-bingihan pa. Pero ganyan talaga siguro kapag mahal mo 'yung tao kahit kaibigan lang ang tingin niya sa iyo makukuntento ka na, makausap at malapitan mo lang siya.
Pero dadating ka talaga sa punto kung kailan ayaw mo na, pagod ka ng umasa, pagod ka ng magpakatanga.

THE     NEXT      DAY

"Meet me in the gym. :)"

Paulit-ulit kong binasa ang text sa'kin ni Niel. "Ano kayang kailangan nito?"
Saka ko naalala na last practice nila ngayon since Intramural Meet na next week. Ganyan naman talaga siya, nagte text lang pag may kailangan. May smiley ka pang manhid ka!
Hindi ako nagreply at pinili ko ring maunang umuwi kay Valena. Gagawa pa kasi ako ng design sa stage at names ng participants sa gagawing singing contest ng department namin.

Palusot. Ayaw mo lang makita si Niel. Yung perfect example sa katangahan mo.

Hay nako! Nakakatakot pa man ding maglakad kapag hapon kadalasan nakikisakay lang ako sa sasakyan nila Valena.

"Drama mo kasi Micka!Magdusa ka!" singhal ko sa sarili ko.

Madilim na ng mapansin kong may lalaking sumusunod sa akin. Help me, anyone!
Mas binilisan ko ang paglalakad. Para akong nasa action movies ang kaibahan nga lang sa takbuhan lang ako magaling wala akong action skills.
Pag nagsalita 'to, tatakbo na ako! Tatakbo talaga a--

"Let's talk."

Hindi ako makagalaw ng marinig ko ang boses ni Niel. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sabi ko ako ang tatakbo hindi ikaw puso!

Hinarap ko siya at nakita kong nakauniporme pa siya at hindi naka jersey.

"Please,Micka.
"Mahaba ba 'yan? Kailagan kong umuwi ng maaga,Niel."

Pinilit huwag ngumiti kahit ang hirap magpigil ng kilig.

"Bakit wala ka sa gym?"

"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?"

"Bakit nga di ka dumirtso?"

"I'm not a basketball player."

"Kanina ka lang naman nawala sa gym, e nandun naman si Valena."

"We have our own bodies."

Napapikit nalang siya at ginulo ang kanyang buhok.

"Stop being sarcastic."

"Stop asking."

"Are you mad at me?"

"Kung hindi ka busy pwes ako,oo."

"Nakakapanibago lang.Araw-araw mo kayang tinatanaw 'yung crush mo dun." Sabi niya sabay tingin sa'kin ng diritso. Nanginig ang buong katawan ko. Alam na niya? Kailan pa? Hindi ko alam kung galit ba siya,nalulungkot o ano. Basta hindi siya masaya.

"Sinong c-crush? Wala akong crush!"

Ang defensive mo,Micka!

"Si Ashton. Diba gusto mo siya? Dinadalhan mo pa siya ng tubig araw-araw.."

"Ha? Si Ashton?!"

"Butinalangnauunahanko"

"H-ha?! Ano?!"

"W-wala. Diba gusto mo 'yun? Yung gumanap na Romeo mo sa play nung Grade 8 tayo?"

Hindi ko mapigilan ang sarili na matawa. Saan niya kaya nakalap 'yan?!

"Bakit hindi ba?"

"Hindi."

"E bakit sinabi mo nung Grade 9 tayo na gusto mo si Romeo?"

"Si Romeo kasi 'yun sa Warm Bodies!"

"Ahh..ha ha ha"

Kitang-kita ko sa kanya na nahihiya siya pero nawala ang lungkot sa mga mata niya.

"All this time akala ko siya 'yung inaabangan mo sa gym araw-araw. Akala ko gusto mo siya. "

"Iba 'yung gusto ko."

"Sino? Siya na ba 'yung dinadalhan mo ng tubig? Habang ginagawa ko ang lahat maunahan lang siya? Habang panay ako sa kakaagaw ng atensyon mo?"

"H-ha? Sinong maunahan mo?"

"Araw-araw naghihintay ako sa'yo sa gym mahingi lang 'yung tubig na dala mo bago mo pa mabigay sa taong dinadalhan mo na akala ko si Ashton. Ni pagtext sa'yo ng 'Hi', nagbibigay ng kakaibang kaba sa dibdib ko at kailangan pang may palusot palagi. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko kayang maagaw ka ng iba, Micka."

Maagaw ako ng iba?! Gusto niya ako?! Gaaaash!

"Tanga ka!"

"Torpe pa." dagdag niya sa sinabi ko

"Manhid pa!"

"Manhid ka din kaya!"

"3 taon akong naghintay!"

"3 taon akong nabuhay sa maling akala"

Matapos niyang sabihin iyon,nagkatinginan kami habang sabay na humalakhak.

DEAR KIM CHIU, BAKIT CRUSH AKO NG CRUSH KO!? ANG SAYANG MABUHAY!

"Micka, tatlong taon talaga akong naghihintay ng pagkakataon. Akala ko kasi talaga na si Ashton ang gusto mo and it turns out na ako pala."

"Akala ko din na nagiging suki mo na ako sa tubig mo."

"Nauuhaw naman talaga ako araw-araw"

"Malamang,tao ka."

"Hindi sa tubig kundi nauuhaw ako sa pagmamahal at atensyon mo. Pwede ka bang ligawan?"

NAKS NAMAN. MAKA-HAIR CUT NGA BUKAS 💓 HAHAHAHA

"Magpaalam ka kay papa." Pabirong tugon ko sa kanya. Hindi naman strict ang parents ko pero sana magdusa pa din siyang manhid siya! Joke lang. Ahihihi.

Bigla niyang kinuha ang cellphone niya at nag dial ng number.

"Hello?Opo, tito. Ihahatid ko na po si Micka nagdala po ako ng sasakyan. Sige, salamat tito."

Inangat niya ang tingin niya sa'kin at sinabing...

"Approved. So, ihahatid na kita future girlfriend."

"Planado 'to no?!"

"Ang paghatid? Oo. Ang aminan? Hindi."

The next stage of my lovelife...begins!

-fin-

NRParker | General Fiction 2015

Nauuhaw Ka? [A Gangster's One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon