Kabanata 4

15K 362 11
                                    

"Kaya n'yo 'yan pre. Babawi ako sa next game.." Rinig kong saad ni Marco mula sa labas ng sasakyan na sinasakyan ko ngayon.

Kita ko ang pagtapik sa balikat ni Marco ang isang kateammate niya. "Sige tol. Balitaan ka nalang namin kung mananalo kami.." Halkhal ng isang kateammate niya.

Matapos magpaalam ni Marco sa kagrupo ay pumasok na rin siya sa sasakyan. "Ituloy mo na ang laro mo, kasama ko na naman si Mang Robert oh.." Turo ko sa nakaupong si Mang Robert sa may driver seat.

Mariing umiling si Marco sa harapan ko at tuluyan nang umupo sa tabi ko. "Ano masakit pa ba?" tanong niya. "Sige na Mang Robert. Uwi na tayo." Sabi ni Marco kay Mang Robert at nag-umpisa na ring magmaneho pauwi.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Kanina pa ba masakit 'yan nung naglalakad tayo?" tanong pa niya.

"Hindi naman, kanina medyo kaya-kaya ko pa. Tumindi lang ang sakit ngayon." Sagot ko. Hindi ko naman kasi aakalaing aabot sa puntong mapapauwi kaagad kami ng ganitong umaga. Sanay naman ako sa pagsakit ng puson ko pero maslumala nga attumindi itong buwan ng pagdalaw ko ngayon.

Seryoso si Marco na nakatingin sa bintana. Badtrip siguro dahil hindi niya natuloy ang game niya. "Galit ka?" tanong ko rito.

Mabilis niya akong hinarap at umiling. "Why would i?"

"Akala ko lang.." Sagot ko. "Ikaw pa naman ang Captain.." Sabi ko pa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Okay lang. Eh kung maglalaro ako tapos nandon ka at hirap na hirap sa sakit niyang puson ko, kokonsensyahin mo pa ako.." Sabi niya. Natawa naman ako at mahinang hinampas siya sa braso.

"Grabe siya!"

Tumawa na Rin siya at umakbay sa balikat ko. Ganito naman kami kapag magkasama. Ang sweet-sweet niya sa akin kaya nga may feelings na rin talaga ako para sa kanya eh. Pa-fall yata itong isang ito.

"Mamita!" Tawag ni Marco kay Mamita nang makarating kami sa mansion.

"Marco. Uuwi muna ako para makapagpahinga.." Pagpapaalam ko sa kanya pero tumutol agad siya.

"Nope. Dito ka nalang magpahinga." Sabi niya "Ako nang bahala kilaTito at Tita.." Sabi pa niya. Wala na akong magawa kung hindi ang maki-ayon nalang sa sinabi niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at nakahiga ako sa kama niya. Kasalukuyan niyang tinatawag si Mamita para makakuha ng gamot. "Mamita! Si Andrea po kasi dinudugo!" Mabilis na sabi ni Marco nang makalapit si Mamita. Nanlaki ang mata ni Mamita at kahit na ako. "Ano kamo? Dinidugo? Bakit? Nakunan?" Nag-aalala at sunod-sunod na tanong ni Mamita kay Marco. Tumayo na ako at lumapit sa kanila para makisali na sa usapan nila.

"Mamita. May dalaw lang po ako ngayon.." Sabi ko. Nakuha naman agad ni Mamita ang sinabi ko, samantalang etong si Marco na nasa gilid ko ay nakatingin na ng seryoso sa akin.

"Humiga ka muna doon, akong bahala sa'yo.." Kalmadong sabi niya.

Bumalik ako sa pagkakahiga at muling Nanood sa t.v.

Hindi nagtagal ay muli kong narinig ang mga yabag ng paa ni Marco na papalapit sa akin kaya ibinaling ko ang paningin ko sa kanya. "Bakit ka natatawa?" nagtatakang tanong ko kay Marco nang makita ko siyang natatawa.

Tuluyan na siyang lumapit at umupo na sa kama niyang hinihigaan ko. "Kaya naman pala sumasakit eh.." Natatawa pa rin na sabi niya. Kunot-noo ko siyang tinignan.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Sabi ni Mamita. Mawawala lang daw ang sakit na 'yan kapag pala nabuntis ka.." Saad niya mas lalo kong nasilayan ang ngisi niyang nakakaloko.

"Hoy 'yang bibig mo!" Pagtutol ko sa sinabi ni Marco.

Alam ko naman 'yon eh. Mawawala lang ang sakit na ito kung mabubuntis ako ng nine months. Ang bata-bata ko pa para 'don at hindi pa ako ready sa ganon. "Joke lang! Eto hindi mabiro.." Sabi niya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at naalimpungatan na lamang ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Tinignan ko muna ang orasan na nasa dingding at nalaman kong mag aalas-otso nap ala ng gabi! Naku! Tiyak hinahanap na ako ni Mama at Papa!

Inalis ko ang pagkakayakap sa akin ni Marco dahilan para maalimpungatan rin siya. Kinusot-susot niya pa ang kanyang kama bago magsalita. "Ano ginagawa mo?" Tanong niya sa akin.

Tumayo na ako. "Uuwi na ako, anong oras na oh!" turo ko sa dingding. "Hindi mo ako ginising, lagot ako neto!" nag-aalalang sabi ko.

Sumunod naman si Marco sa akin. "Nagpaalam na ako kila Tita diba? Gusto mo basahin mo pa yung text ko sa kanya at pagreply niya sa akin?" Tanong nito.

"Eh di, dito mo ako patutulugin?" tanong ko.

Hindi naman sa first time na natulog ako rito. Maraming beses na rin kasi akong nakatulog dito sa kwarto niya at maraming beses na rin kaming nagkatbi. Makulit nga matulog si Marco kaya kung minsan, bigla akong magigising dahil nahulog nap ala ako mula sa malaki niyang kama.

"Yup, pero kakain muna tayo.." Sabi niya.

Tumungo siiya palabas. "Tara na, kumain na tayo!" paanyaya niya. Sumunod na lamang ako.

Sigurado naman ako na totoong nagpaalam itong si Marco kila Mama at Papa. Alam kasi niyang kapag siya ang nagpaalam para sa akin ay tiyak na apayagan ako. Malakas kasi si Marco kila Mama. "Manang Thelma, Ano pong ulam?" Tanong Marco kay Manang Thelma.

"Menudo po senyor.." Sagot ni Manang Thelma sa kanya. Tumango naman si Marco at saka hinila ang isang upuan upang magkatabi kami. "Dito ka, Andrea."

"Andrea ikaw pala 'yan!" bati sa akin ni Manang Thelma. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Natatawa ako sa isip ko kapag naaalala ko yung pangyayaring tumalsik ang pustiso niya. Hindi kaya mangyari ulit 'yon ngayon?"

"Andrea. H'wag mong kakalimutan 'yung usapan natin ah?" Nagtataka akong tumingin kay Marco.

"Tungkol saan?"

Kunot ang noo niya nang sumagot. "Nakalimutan mo na agad? Yung kay Faith.." Pagpapaalala niya. Tumango-tango ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Ewan ko ba kung bakit parang nawalan ako ng gana. Siguro masakit lang talaga na. Hanggang kaibigan lang talaga siguro ang tingin niya sa akin. Masakit na nga ang puson ko, pati ba naman puso ko?

FALL IN LOVE {Completed}Where stories live. Discover now