CHAPTER XIX - Holy Ground

2.3K 32 0
                                    

-------------------------------------------------------

Few months later

Gray POV

Ilang buwan na din pala ang nakakalipas simula nung mangyari ang insidenteng yun.

Siguro hanggang sa pagtanda hindi ko yun makakalimutan. Nang dahil dun muntik ng mawala ang pinakamamahal ko. Medyo natagalan pa kasing dumating ang mga ambulansya ng mga panahong yun.

Akala ko talaga mawawala na sya sakin pero salamat sa Diyos hindi nya kami pinabayaan.

At tungkol naman kina Khaki at Violet sa kasamaang palad hindi na sila nakaabot sa hospital at tuluyan na silang namatay.

Si Cyan naman ay nasa mabuting kalagayan na din hindi naman sya nabaril napukpok lang sya ng baril kaya sya nawalan ng malay.

At si Blue ay nailigtas ng iba pang pulis na nagback-up sa amin. Maraming sa mga kasamahan ni Khaki ang nahuli at nakulong. Di ko nga ma-isip kung bakit hindi man lang nila tinulungan si Khaki pero ganun ang nangyari.

Maging si chief ay natanggal sa pwesto at nakulong dahil nalaman ng lahat na kasabwat sya mga illegal na transaksyon nina Khaki tungkol sa drugs. At sa tingin ko maayos na ang lahat. Maayos na nga ba?

"Ahhhhhhhh" hikab ko sabay taas ng kamay na parang nag-iistretching. Andito ako ngayon sa headquarters kasama ang ibang mga kapulisan.

"Ayos pre, Ang lakas ng hikab mo nakakahawa" sagot ni Cyan tapos sya naman ang humikab

"Walang pakialaman pre" bara' ko sa kanya

"Sus! gabi na pala! Makakauwi na tayo. May date pa kami ng pinsan mo. Hahaha" pag-iiba nya ng topic. Matapos kasi ng mga nangyari ay nagkakamabutihan na sina Indigo at Cyan. Wala na akong magagawa bahala na sila matatanda na sila.

"Basta wag mo lang pababayaan si Indigo kundi lagot ka sa akin" pananakot ko.

"Takot ko lang sayo bayaw sa pinsan. Hahaha" pang-aasar nya.

"Gago!"

"Tara na nga. Pwede na tayong umuwi" saka sya tumayo at nagligpit ng kanyang gamit

"Tara" bago umalis ay nagpaalam na muna kami sa bagong Chief at sa mga kasamahan naming pulis tsaka kami pumunta sa carpark.

"Mabuti at natapos na lahat ng kalbayong nangyari sa inyo" biglang sabi ni Cyan

"Oo nga pre, kala ko di ko na ulit mararamdaman ang ganito" sagot ko

"Ang ano pre?" tanong nya

"Yung ganito walang gaanong inaalala, masaya lang sa piling nya" sabi ko tsaka tumingala. Ang dami palang stars ngayon.

"Alam mo pre?" sabat nya

"Ano?" curious kung tanong habang nakakunot ang noo.

"Para kang bakla. Hahaha" parang sira sya dun na tawang-tawa.

"Bakla pala ha" lumapit ako ng mabilis sa kanya at sinuntok sya sa tyan.

"Ano? Bakla ba?" mapang-asar kung sabi.

"A-Ang s-sakit k-kaya nun" hirap nyang sabi habang hawak ang tyan nya.

"Hahaha Magbiro ka na sa lasing wag lang sa taong umiibig" banat ko

"C-Corny.." rinig kung bulong nya

"Aba't ta--" lalapitan ko pa sana sya

"Biro lang tara na nga" at sumakay na sya sa kotse nya at sumakay na rin ako sa akin.

Loving Him Was Red. (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon