"Musical kasi ang concept ng movie kaya kayo yung naisip na maging lead star" paliwanag ni direct, umupo na ako sa tabi niya.

"Buti pumayag ka?" tanung ko

"Nung una ayaw ko, pero nung nalaman ko na ikaw yung makakasama ko, kaya ok na ako agad agad hahah..." natatawang sabi niya.

"Weetie..." natawa nanaman siya.. hindi pa rin siya nagbabago. gwapo parin kainis...

Nakinig na kami sa mga sinabi ni direct, maganda naman siya, exciting toooo... excited na kooo..

Palabas na sana ako ng office ng may makita akong reporter sa labas kaya napaatras nalang ako, hindi pa ako handa humarap ngayon sa kanila, kasi bagong issue nanaman ito e.

Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko, pagtingin ko si erik pala.

Tumango siya at hinila niya ako, dumaan kami sa likod, buti wala naman nakakita saamin.

"Hayy... buti nakatakas tayo" sabi ko.

"Hindi naman kita papabayaan no, kahit na..."

"Ano?" hamon ko.

"Ano al---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya ng may sumingit.

"Hi erik, hi angge" bati niya at nakipagbeso pa, nginitian ko lang siya, pero yung fake lang, ewan ko ba dito, yan pa pinagpalit sakin.

Nag usap sila, hindi ako interesado sa pinag uusapan nila, ano chismosa lang...

"Sige sunduin nalang kita kung nasaan ka" sabi ng lalaki na ito, sino ba ito? biro lang..

"May date kayo?" tanung ko ng makaalis na yung girl w/ the long hair and kulot...

"Yes, mamaya daw" sagot niya at umupo siya sa tabi ko, hinihintay kasi namin yung mga kasama namin kasi nga diba tumakas lang kami doon.

"Alam mo nabasa ko yung unang article na lumabas tungkol saatin" kwento ko.

"Ahh yung nagkita kami ni kuya reggie?" tanung niya, tumango naman ako.

"Dahilan ng mga basher ko" sabi ko napatingin naman siya sakin.

"Ui ako rin kaya, mas marami pa nga e" sabi naman niya. natawa naman kami,

Kasi naman,kung ano ano sinasabi nila saamin noon, e kami lang naman nakakaalam ng totoo, minsan nga bellow the belt na yung iba, kaya pag ganun dedma nalang...

"Pero sabi mo doon nagpapahanap ka ng mapapangasawa?, nasaan na?" tanung ko sa kanya.

"Nakita ko na siya" sabi niya napatingin ako sa kanya.

"So ano pa hinihintay mo, go ka na" nakangiting sabi ko.

"But she not ready" sabi niya napatingin ako sakanya, nakatingin din pala siya saakin.

Pagtingin ko sa mga mata niya, parang may meaning, ewan ko ba dati naman magkatinginan lang kami alam ko na ibig sabihin pero ngayon hindi e... hindi talaga..

Umiwas narin naman siya ng tingin, kaya binalik ko narin yung tingin ko.

"Ganun ba, bata pa kasi e" sabi ko nalang.

"Huh?" tanung niya.

"Si e___ diba?" tanung ko, tumawa naman siya.

"Hindi no" tumatawang sagot niya.

"Pero diba dating kayo?" tanung ko ulet.

"Oo nga, pero hindi siya, she's like my little sister, at wala sa kanya yung hinahanap ko" sabi niya, natawa din ako sa sarili ko.

"Hahah... parang ako lang, pero ako ginerlfriend mo" sabi ko.

"Because i love you" pagkasabi niya nun napatingin ako sa kanya, yun nanaman yung tingin niya na hindi ko maintindihan, kaya umiwas narin ako.

"Ikaw kasi minahal ko, siya wala akong nararamdaman sakanya, basta masaya lang ako pagkasama siya yun lang" paliwanag niya.

"Alam mo, ang seryoso mo na, nasaan na ba sila, ang tagal naman nila" natatawang sabi ko, maiba lang.. tumayo na ako para makita ko sila, finally nakita ko rin.

"Ano natraffic lang, ang tagal niyo hah" sabi ko, sakanila ng makalapit na sila.

"Una na kami hah, gudluck sa date" sabi ko at nakipagbeso na ako sa kanya.

"Bye" tas tumalikod na kami at umalis.

********************************

Simula nung araw na yun lagi na kami magkasama kaylangan daw yun para sa movie, at ang sabi nila para mawala yung ilangan namin.

Pero kung sa trabaho naman, matatanggal naman siguro yun, pero habang tumatagal na nagkakasama kami e, lalo naman ako naiilang, ano ba ito...

"Guiz tomorrow ang start ng shooting day natin at sana walang malalate" sabi ni direct, tumango lang ako.

"Sunduin nalang kita bukas pwede ba?" tanung niya.

"Ah..eh.. wag... wag na baka mapalayo ka pa" palusot ko, ewan ko ba after ng pag uusap namin na yun, naging ganito na ako.

"Hatid na lang kita" alok niya.

"Hindi... hindi na may pupuntahan pa kasi kami" palusot ko ulet at nginitian ko siya.

"Ok ingat ka nalang" malungkot na sabi niya, parang naguilt naman ako, wala naman kasi talaga ako pupuntahan ngayon.

Pero bago ako lumabas ng pinto, lumingon ulet ako sa kanya, napabuntong hininga nalang ako.

"Sige next time" sabi ko, napalingon naman siya at nakita kong napangiti siya, kaya nginitian ko na lang siya at umalis na ko.

Alam ko na tumigil na siya na makipagdate kay girl w/ the long hair at kulot, kaya hindi naman siguro maganda na pumayag ako agad diba, lalo na't alam ng lahat na dating siya w/ her diba.

Ayaw ko naman na alam kong kakatapos lang ng dating status niya tas papasok agad ako, ayaw ko talaga..

Respeto nalang kay girl diba...

++++++++++++++++++++++++++++

Autors note:

Si girl w/ the long hair at kulot, at si e___ ay iisa lang po bahala na kayo mag isip kung sino siya..

Thank you :)

Angerik: Love StoryWhere stories live. Discover now