Chapter 18: unexpected

7.4K 295 8
                                    

ilang araw nakong nandito sa probinsya namin at ilang araw naring may sakit yung kapatid ko kaya naman di nako nagdalawang isip pa at agad na dinala yung kapatid ko sa hospital.

kailangan ko pa ng 8,000 pesos para sa pagpapagamot ng kapatid ko kulang pa yung dala-dala kong pera ngayon na nakuha ko pa nuon sa pinahiram sakin ni Ian.

kailangan ko ng gumawa ng paraan para makahanap ng pera. di ko na alam kung pano ko mababayaran tong bill namin sa ospital hanggang sa makita ko tong hawak kong cellphone na binigay ni Ian, alam ko bago pato kaya mas mataas pa yung mabebenta ko dito, makakatulong to sa pambayad ng bill namin at mabibilihan ko pa ng prutas yung kapatid ko.

ang laki talagang pasasalamat ko kay Ian kahit wala sya rito parang tinutulungan nya parin ako.

nang mabenta ko yung cellphone na binigay sakin ni Ian nagpunta agad ako sa hospital para magbayad at para narin masuri na at mabigay yung mga kailangan na gamot ng kapatid ko.

"san ka nakakuha ng pera anak?" tanong ni Nanay na ngayo'y nagbabantay sa kapatid ko.

"wag mo nang problemahin yun Nay ang mahalaga magagamot na si Alfred." sabi ko sakanya.

"salamat anak." sabi ni Nanay na nangingiyak ngiyak pa at niyakap ako ng mahigpit.

"kukuha muna ako ng gamit ng kapatid mo anak at ilang gamit ko." sabi ni Nanay.

"Nay, wag na ako na po yung kukuha sa bahay." sabi ko kay nanay para naman hindi na sya mapagod at makapagpahinga na sya kasi alam ko hindi masyadong nakakatulog si Nanay dahil sa pag-aalala nya sa kapatid ko.

kaya naman nagmadali akong umuwi ng bahay para kumuha ng konting damit ni Alfred at ni Nanay pero nagulat ako ng papalapit palang ako sa bahay namin nakita ko na si Aling Layla kasama yung mga lalaking tauhan nya na tinatapon yung mga gamit namin sa labas ng bahay namin.

"aling Layla! aling Layla! ano pong ginagawa nyo!" sigaw ko sabay tumakbo ako papalapit sa kanila.

"aling Layla bakit nyo po tinatapon yung mga gamit namin!"

"ay nako Paco! pasalamat ka nga at tinatapon ko pa tong mga gamit nyo! kung tutuusin pag-aari ko narin to eh!" pagmamasungit ni aling Layla.

"ano pong ibig nyong sabihin!?"

"aba Paco baka nakakalimutan mong nakasanla sakin tong lupa nyo at sobrang dami nyo pang utang sakin, kinukuha ko lang kung ano yung sakin!"

"pakiusap po, bigyan nyo pa po kami ng konti pang panahon para makapagbayad sainyo. please po."

"hay nako! nandito kana diba? ibig sabihin wala kanang trabaho diba? papatagalin mo pa eh kung lumayas na kayo dito mapapakinabangan ko pa tong lupa ko!" sigaw ni aling Layla.

"maawa naman kayo samin nasa hospital pa po yung kapatid ko bigyan nyo pa po kami ng konti pang panahon." pakiusap ko.

"hay nako Paco, ako tao akong kausap ha! kayo tong hindi tumutupad sa usapan hala sige paalisin nyo nga to!" sigaw parin ni Aling Layla at inutusan nya yung mga tao nya na paalisin ako.

"teka lang! teka lang!" pagpupumilit ko sa mga lalaking tauhan ni aling Layla pero pilit nila akong pinipigilan at hinaharangang makalapit kay Aling Layla.

dahil sa pagpupumilit kong kausapin si aling Layla tinulak ako ng mga tauhan nya na naging dahilan para madapa ako sa lupa.

di ko na napigilan pa yung sarili ko at napaiyak nako habang hinahagis hagis nila yung mga gamit na pinaghirapan naming mabili at makuha.

"please po, maawa na kayo samin aling Layla. magbabayad naman po kami please po." pagmamakaawa ko, patuloy parin nilang itinatapon sa labas yung mga gamit namin at ang iba sinisira na yung kubo-kubo naming bahay.

kaya naman agad akong napatayo para pigilan sila pero agad din akong tinulak ng malakas ng tauhan ni Aling Layla, kung bakit kasi ang hina hina ko.

umiiyak parin ako habang tinitignan ko silang sinisira at tinatapon yung mga gamit namin.

"please naman po, maawa na kayo! aling Layla parang awa nyo na po, bigyan nyo pa po kami ng panahon! maawa na kayo!" pagmamakaawa ko parin habang umiiyak. di ko na alam yung gagawin ko, pano ko sasabihin to kay Nanay..

nakaluhod ako ngayon ng lapitan ako ni aling Layla.

"sa susunod kung uutang kayo! magbayad kayo!" sabi nya sabay tapon ng mga damit namin sa mukha ko.

"parang awa mo na aling Layla, magbabayad naman kami ng utang namin. bigyan mo lang kami ng sapat na panahon parang awa mo na." pagmamakaawa ko sabay hawak sa mga paa nya.

wala nakong pakilam kahit ano pa yung isipin ng mga kapitbahay namin basta ang alam ko lang ay mapigilan ko si Aling Layla sa ginagawa nya.

"bitawan mo ko!" sigaw nya sabay sipa sakin kaya naman napadausdos pako sa lupa.

nanlaki nalang yung mga mata ko ng bigla kong makita si sir Daniel na nakatayo ngayon sa di kalayuan, nagtama yung mga mata namin nakita ko rin yung mukha nya na parang gulat na gulat na parang naaawa na hindi mo mapaliwanag.

anong ginagawa nya dito? pano nya ko nahanap? pano nya nalaman kung saan ako nakatira? pero hindi ko muna sya iisipin may mas malaki pakong problema ngayon.

umiiyak parin ako habang nagmamakaawa kay aling Layla na bigyan pa kami ng sapat na panahon.

ng biglang...

"magkano ba yung utang nila?" si sir Daniel. ano bang ginagawa nya?.

tumigil sa pagtatapon ng mga gamit namin si aling Layla at tumingin kay DD.

"bakit sino kaba?!"

"tinatanong ko kung magkano ba yung utang nila!" sumigaw narin si DD.

"16 kyaw lahat! bakit may pambayad kaba!"

di ko alam kung ano ng nangyayari, hindi ko magalaw yung katawan ko pero nakita  ko si DD na kinuha yung wallet nya sa bulsa nya sa likod at dumukot ng pera, ang kapal ng kinuha nyang pera sa tingin ko tig wa-one thousand pa ata.

"okay naba yan!" mayabang na sabi ni DD.

tinignan lang sya ni Aling Layla at kinuha yung perang inaabot ni DD, hindi na binilang ni aling Layla yung inabot na pera ni DD marahil sobra sobra na yung binigay ni sir Daniel sakanya.

"simula ngayon ayoko ng makita pang guguluhin mo ang buhay nila Paco." sabi ni DD pero hindi sya sinagot ni aling Layla bagkus tumingin lang ito sa kanya.

"boys! tara na! itigil nyo nayan!" pag papatigil ni aling Layla sa mga tauhan nya at agad naman silang huminto lahat.

"kung ganito naman lagi madali akong kausap eh" sabi ni Aling Layla kay DD sabay tingin sakin at umalis.

pagkaalis nila agad akong tumayo at dinampot ko yung mga nagkalat naming mga damit sa lupa pati narin yung mga gamit namin.

"okay kalang ba?" sabi ni DD. malambing yung boses nya, mukang hindi na sya galit sakin.

"Paco..." sabi nya pa pero hindi ko sya pinapansin patuloy parin ang pagdampot ko sa mga gamit namin na nakakalat habang umiiyak.

napatigil nalang ako ng biglang hawakan ni sir Daniel yung mga kamay ko at nabitawan ko yung mga hawak kong damit.

"may mga sugat ka." sabi nya pa habang hawak hawak at tinitignan yung mga kamay ko.

"bitawan mo ko." sabi ko sabay binawi ko yung mga kamay ko at pinulot ulit yung mga damit namin sa lupa.

"ano ba Paco!" sigaw ni DD sabay hawak sa braso ko para tumigil ako sa pagpupulot ko ng gamit.

"bakit kaba nandito?!" sigaw ko, sa totoo lang di ko alam kung pano ko haharapin si sir Daniel dahil sa kabila ng puro sakit nalang ng ulo yung dinadala ko sakanya narito't tinulungan nya pa ako. nahihiya rin ako na makita nyang ganito yung nangyayari sakin na nakita nya pa lahat ng ginagawa ko.

tumitig sya sakin at nanlaki nalang ang mga mata ko ng bigla nya kong yakapin ng mahigpit. gulat na gulat talaga ako sa ginawa nya hindi ko alam kung totoo bato o nananaginip lang ako. totoo ba to? tong boss ko na laging galit sakin heto't yakap yakap ako ngayon.

My Crabby Boss! (BL Romance)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα