Chapter 3: where and chaos

10K 349 16
                                    

Nagmadali akong pumunta sa sinasabi ni sir Ian na train station para makasakay na. pagdating ko nagtaka ako kasi ang aga aga ang haba na ng pila, pero ang pinagtataka ko bakit sila nakapila dun eh di naman dun yung pasukan papunta sa sakayan ng train?

nakita ko yung iba na pumapasok na sa loob para maghintay sa darating na train kaya naman sinundan ko sila pero laking gulat ko ng hindi ako makapasok.

pinilit kong pumasok sa entrance baka sira lang hanggang lapitan ako ng isang guard.

"kuya guard! sira po ata tong harang nyo, ayaw akong papasukin" hinain ko habang patuloy na tinutulak yung bakal na nakaharang sa entrance.

"ay sir, meron na po ba kayong ticket?" tanong sakin ng gwardya.

"anong ticket?!" tanong ko.

"sir bili po muna kayo ng magnetic card nyo duon sa gilid tapos ipasok nyo po dito (tinuro nya yung card slot sa entrance)"

napatango nalang ako at pumunta sa bilihan ng ticket, grabe muka akong ignorante! sabagay okay lang yun its my first time after all. Hayaan na nga lang di naman nila ako kilala eh hehe.

ito palang mahabang pilang to, ito yung bilihan ng ticket! kaya pala.

sigh. salamat andito nako sa loob naghihintay nalang ako ng train na pwedeng sakyan, sumisilip narin ang araw at nagsisimula nang mag buga ng init sa paligid.

ayan na excited nako! may parating ng train! makakasakay narin ako sa wakas! itetext ko agad si nanay, sasabihin ko agad kung anong pakiramdam pag nakasakay ka sa train. :)

pero pambihira pag dating ng tren, jusko! punong puno yung loob! pano ako makakasakay dun? maghihintay nalang siguro ako sa susunod na tren baka dun makasakay nako.

ilang minuto rin ang lumipas ng dumating yung next na tren, kala ko makakasakay nako pero nabigo ako... puno parin yung tren! nako naman!

sige na nga! sa susunod na tren promise sasakay nako! kahit pa na puno na yun o hindi pa tutal parang wala rin namang choice.

pag dating ng train nagulat ako kasi ang konti ng tao as in halos walang laman yung ibang part ng train narinig ko yung isang babaeng kasabay kong naghihintay, sabi nya buti nalang daw skip train yung dumating, so siguro pag skip train maluwag talaga. pumasok agad ako at pumwesto sa dulo ng pintuan ng train para pag kailangan ko ng bumaba, mabilis lang.

buti nalang! pero napansin ko na medyo mainit yung train na nasakyan ko ha, i wonder kung lahat ng train ganito?

medyo mabigat yung dala kong bag kaya naman nilapag ko muna yung bag ko sa pagitan ng dalawa kong hita para makapagpahinga pa yung balikat ko at makapag review sa isasagot ko during the interview.

ayan na huminto na yung tren sa isa pang station, medyo marami rin yung pumasok pero swerte maluwag panaman dito sa pwesto namin.

nkapwesto pala ako sa kabilang side ng pintuan kung saan hindi bumubukas yung pinto.

nakatingin ako sa pintuan ng train para pagmasdan yung madadaanan namin lugar habang bumabyahe pero bigla akong nakaramdam ng konting hilo kaya naman tumalikod ako sa pinto.

nakaharap nako ngayon sa isa pang pinto sa pinto na bumubukas pag humihinto ang tren sa mga station.

nakatingin lang ako sa pintong yun ng biglang bumukas ito, nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang isang napakagwapong lalaki na papasok sa pintuan, ang kinis kinis nya lalo na yung muka nya, naka longsleeve sya na kulay light blue.

ang mundo ko parang bumagal nakatingin lang ako sa kanya habang papasok sya ng train.

nagulat ba kayo? oo mas attracted ako sa mga lalaki kesa sa babae alam nyo naman na siguro yun no?

My Crabby Boss! (BL Romance)Where stories live. Discover now