(37) Regrets and Forgiveness

1.6K 42 0
                                    

Happy 4K reads!

Den's POV

"Aly kapit ka lang, wag kang bibitaw please." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay niya. Sinugod na siya sa ospital ngayon at nasa door na kami ng emergency room pero di nila ako pinapasok.

"Shhh Den everything will be find. Malakas si Ly alam mo yan." Sabi ni ate Cha.

"Capt si Jov?" Tanong ni Rad karating niya dito.

"Here babe." Sabi ni Jov galing sa isang room saka ko lang napansin na may sugat siya sa kanang braso niya kanina.

"Ok ka lang babe?" Tanong sa kanya ni Rad.

"Ok lang babe. Kamusta si Aly?" Tanong niya sa akin.

"She's still in the emergency room. I'm sorry Jov this is all my fault...." Mahinang sabi ko. Kung sanang nakinig lang ako kay Aly ay hindi ito mangyayari ngayon.

"Shh don't blame yourself Den. Mas lalong magtatampo si Aly sa iyo niyan." Sabi ni Jov kaya napasimangot nalang ako. Walang nagsalita ni isa sa amin hanggang sa lumabas ang doctor.

"Doc kamusta po sila?" Tanong ni ate Cha sa doktor.

"Well I must say mahirap tanggalin ang bala sa katawan ni Ms Valdez dahil malapit ito sa heart niya. Mahina na rin ang tibok ng puso niya. Pag pinakialaman natin ang bala ay worst pwede niya itong ikamatay. Si Ms Pablo naman ay safe na ngayon at nalipat na siya sa private room pero di pa siya nagigising." Sabi ng doctor and there I broke down.

"Thank you doc." Sabi ni ate Cha habang ako patuloy pa rin ang pag iyak.

"Sorry mga ate *sniff* it's *sniff* all my *sniff* fault." Sabi ko habang umiiyak. Niyakap lang ako ni Rachel at nagsalita si ate Cha.

"Shhh Den don't blame yourself. Walang may gusto sa nangyari. Kailangan lang natin ay magdasal para sa ikagagaling ni Alyssa." Sabi ni ate Cha. Natahimik nalang kami nang magsalita ang mga rookies.

"Ate Cha natawagan na namin ang papa ni Aly. Ung mama niya daw kasi ay nasa US." Sabi ni Marge.

"Nakita na rin namin sila LA. Nasa private room na sila at may mga nakabantay na pulis." Sabi naman ni Jirah.

"Ang mabuti pa Den sumama ka muna kila Jov sa clinic at pagamot mo iyang mga pasa mo." Sabi ni ate Dzi. Sumunod naman ako kila Jov sa clinic para ipagamot ang sugat ko. Nasasaktan na ako ngayon. Physically and emotionally.

Pagkatapos ko ipagamot ang sugat ko, naglakad lakad muna kami ni Jov at tsaka nagkwentuhan saglit.

"Oo nga pala Jov, paano mo kami nahanap?" Tanong ko kay Jov kasi nakapagtataka na basta basta nalang nila ako mahahanap.

"Simple, dahil dyan sa kwintas na yan." Sabi ni Jov at napatingin naman ako sa kwintas ko ngayon na Den ang nakalagay saka ko lang napansin na may maliit na A sa likod ng D.

"Nilagyan ko yan ng locator at voice search. Dun ko mismo sa A nilagay." Sabi niya.

"Jov salamat ah. Kasi nandyan ka para kay Aly." Sabi ko.

"Wala un. Malaki ang utang na loob ko kay Aly at sa pamilya niya. Para ko na ngang kapatid ung ugok na un eh." Sabi ni Jov. Si Rachel naman ay palingon sa paligid hanggang sa nakarating kami sa isang room kung nasaan sila Kevin at LA.

"Kuya pwedeng makausap ung mga taong nasa loob?" Tanong ni Jov dun sa pulis na nagbabantay.
"Mam bawal daw po pumasok." Sabi ni Kuya Pulis.

"Kuya sandali lang kami at pwede bang iwanan mo muna kami?" Sabi ko naman. Tumango lang ang guard at pinapasok na kami sa loob. Naabutan namin sila LA at Kevin na nakatingin lang sa kisame pero nakaposas sila.

Things That Remind Me Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon