Chapter 1 -- The Curse

Start from the beginning
                                    

I am finding out that may be I was wrong
That I've fallen down and I can't do this alone
Stay with me this is what I need please?

Sing us a song and we'll sing it back to you
We could sing our own but what would it be without you

I am nothing now and it's been so long
Since I've heard the sound, the sound of my only hope

This time I will be listening...

Pagkarinig ni Gk ng kantang 'yon, biglang bumalik sa kanya ang nakaraan. Biglang nag flash back sa kanya ang mga memories nila ng kanyang ex-boyfriend. Hindi niya namalayan tumutulo na pala ang mga luha niya.

“GK, are you okay?” Alalang tanong ng kaibigan niya. “GK?” Waring walang ibang naririnig si GK maliban sa kanta. Umiiyak lang siya, Nagtataka tuloy ang mga tao sa paligid niya.

“No, no, no!” Sigaw niya at nagtatakbo na siya palabas ng bar. Napaupo siya sa may stairs at do'n nag iiiyak na parang bata.

Three years ago galing si GK sa Prom Night nila sa School kasama ang kanyang boyfriend na si Santi. Habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay ng mga Diorama bigla na lang binangga ng isang Truck ang sinasakyan nilang kotse. Naging dahilan 'yon ng pagkamatay ng boyfriend ni Gk at ma swerte siyang nakaligtas sa aksidente. Hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan ni Gk ang mga pangyayaring 'yon, dahil nakita niya mismo kung pa'no mamatay si Santi, nakita niya kung pa'no maubusan ng dugo ang noo'y naghihingalong si Santi. Wala siyang magawa kung hindi umiyak.

Just months later ang Dad naman niya ang namatay because of a heart attack. Lahat ng 'yon hindi makayanan ni GK. Hindi niya makayanan ang sunod-sunod na dagok na dumating sa kanyang buhay. Na trauma siya. Kaya pina councel siya sa isang espesyalista. Nung una nag aattend pa si GK pero kalaunan ay nagsawa na siya kaya hindi na siya nag aattend ng councelling. Wala din naman daw kasing nangyayari sa kanya. Na de-depress parin siya.

Bigla nalang binasag ni Gk yung boteng nakita niya at kumuha siya ng basag na parte ng bote. She’s ready to cut her wrist, again.

“Die, GK. Die!” She’s about to cut her wrist nang may humawak sa kamay niya para pigilan siya sa balak niyang gawin.

“Huwag! Huwag mong gagawin kung ano man ang binabalak mo.”

“Let me go.” Inis na tumayo si GK at pilit niyang inaalis ang kamay nung lalake sa braso niya. Pero sadyang malakas talaga ang lalake.

“Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo binibitawan yang hawak mong basag na bote.”

“I don’t know who the hell are you, so don’t tell me what to do. Gagawin ko lahat ng gusto ko. Kaya pwede ba? Bitawan mo’ko.”

“Ano'ng gusto mo? Hayaan kita sa gusto mong gawin? Panooring maubusan ng dugo hanggang mamatay?”

“Pakialam mo ba kung mamatay ako? Sino kaba, huh?”

“Utang na loob, takot ako sa dugo eh, baka mauna pakong mahimatay sayo pag nakita ko yang dugo mo.” Nakuha pa niyang magpatawa.

“Eh sira pala ang ulo mo. Edi umalis ka dito nang hindi mo makita. Tanga kaba?”

“Konsensya ko pa pag may nangyaring masama sa'yo. Alam mo, hindi solusyon sa problema ang pagpapakamatay. Dadagdagan mo pa nun ang problema." Nababaliw naba ang babaeng ‘to? Ang sayang mabuhay tapos siya gustong mamatay? Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa utak ng mga Suicidal na tao.

Biglang natahimik si Gk kaya unti unit na siyang binatawan ng lalake.

“Miss?” Bigla nalang tumakbo si Gk papunta sa kanyang kotse. Gusto man siyang habulin ng lalake pero hindi na niya ito makita.

Suicide LoveWhere stories live. Discover now