Chapter 1

203 1 0
                                    

"Rach ang boring" sabi ko kay Rach habang nakaubob sa desk ng upuan namin.

"Palagi ka namang bored Lian." sabi niya naman habang nagpipipindot sa cellphone niya.

Hindi naman ako palaging bored ah. Sadyang wala lang talagang magawa kaya ang boring.

"Wala ka bang naiisip na trip ngayon Rach? ayoko na talaga ng ganito! hindi naman tayo sisiputin nung teacher nating kalbo sa Calculus eh!" pagrereklamo ko.

Tinignan naman ako ni Rach habang nag iisip.

Bigla siyang tumayo at hinila ako palabas ng room.

"Hala Rach! San tayo pupunta?" tanong ko. Cutting? First time to ah! Never pang nag cutting tong si Rach eh.

"Sa Basketball court! nandun kasi si Jay." Si Jay. Bf ni Rach. yun nanaman pala ang pupuntahan namin. Chaperone nanaman ako.tsk tsk.

Pagdating namin ng Basketball Court, sinalubong agad ni Jay si Rach ng yakap.

Yuck! So pawis kaya si Jay! kadiri!

"Ahahaha! mukha kang diring diri samin,Lian ah!" sabi sakin ni Jay pagkabitaw nila ni Rach.

"Buti napansin mo. Nakakadiri ka kasi."

"Lian!" saway sakin ni Rach. Eh sa kadiri naman kasi talaga si Jay eh! pawis na pawis tapos yayakapin si Rach! Eew.

"Ay Jay! baka naman daw may alam kang pwedeng itrip diyan ni Lian. pampalipas oras. Bored na masyado eh." sabi ni Rach habang naglalakad na kami papunta sa bleachers sa gilid.

Timingin tingin sa paligid si Jay bago sumagot..

"Ayun! yun oh! kita mo? Yun si Victor. MVP ng team. Alam mo bang nagpapa audition yan every month para sa bagong magiging gf niya? wala pang tumagal diyan ng 1 month. So ito, mag audition ka. Pag tumagal ka ng 1 month, I'll buy you anything you want." sabi ni Jay habang nakangiti.

"Talaga? anything?" tanong ko. aba! mabuti nang nakakasiguro!

"Yeah." sagot naman ni Jay.

"Jay,sigurado ka ba sa sinasabi mo? mahal humingi ng premyo si Lian!" singit ni Rach.

Totoo yun. I remember last year nung nagbigay ng trip si Rach at nanalo ako,humingi ako sa kanya ng Gucci bags. maraming marami. Halos mapuno na yung isang cabinet ko sa walk-in closet ko. Nanlumo nga masyado si Rach at hanggang ngayon eh hini nabili ng bagong bag. poor girl.hahaha.

"Ayos lang. I can afford anything anyway." sagot ni Jay.

"Well then,it's a deal." sagot ko.

Nagsimula na kong lumakad papalapit kay Victor na kasalukuyang,nakikipag usap sa isang babaeng mukhang model. Maganda,matangkad at Sexy. pero mas maganda,mas matangkad at mas sexy ako.

"Victor,Can I offer mine?" tanong ni Girl sabay hawak sa kanang kamay ni Victor.

Agad na tinabig ni Victor ang kamay ni Girl at tumakbong naiyak palayo si Girl.

It's my turn.

"Victor!"

Humarap siya sakin at infairness! ang gwapo nga talaga niya ha! lutang siya sa lahat ng players!

"What?" tanong niya nang makalapit na ko.

Huminga ako nang malalim at binigyan siya ng isang seducing smile.

"Can I offer mine?"

Can I offer mine?Where stories live. Discover now