Chapter 27

291 22 0
                                    

a/n: NO TO SILENT READERS PLEASEEEE HUHU.

Btw, dedicated kay ate akosilenpot kasi yung story niya (which is 'Loving You For No Reason' ang title) ang kauna-unahang binasa ko dito sa watty world na KathNiel Fanfic pa. ♡

-----------------------------------------------



Chapter 27




September na ngayon. Ang bilis ng panahon. Akalain niyo na naka-survive kami ng 2nd grading at ang hindi kapani-paniwala ay medyo tumaas ang grade ko sa Math kahit hindi ako nagpaturo kay Ethan. Sana lang tuloy-tuloy na 'yon.




It's almost 7pm at nandito kami ngayon sa school kasi hinihintay namin yung bus na sasakyan namin papunta sa Ilocos. Fieldtrip kasi namin ngayon at sa pagkakaalam ko ay 2 or 3 days ata kami mag-iistay sa Ilocos. Exciting, hehe!




Kaya daw gabi ang alis namin kasi para umaga ang dating namin sa Ilocos at syempre para makapamasyal na agad kami.




"Baby, ako na." Sabi ni Ethan at kinuha yung dala ko na mga gamit. Hindi naman masyadong madami yung dala ko na gamit, medyo lang. Kasi pahirapan magbitbit kapag pauwi na at syempre may mga dalang pasalubong.




Sumakay na kami sa bus. Syempre tabi kami ni Ethan, ano pa ba? Alangan naman si Liam katabi ko eh diba?




"Ilang oras ba byahe?" Tanong ko kay Ethan.




"Hmm, 12 hours siguro." Sagot naman niya.




Actually, kaming barkada lang ang nasa bus na 'to. Well, ang mga parents namin ang may pakana neto. Kasi itong bus ay yung parang normal na bus pero may CR at yung upuan ay pwedeng gawin na kama. Wala rin kaming kasama na kahit isang teacher pero may kasama kami na tourist guide.




Napahikab naman ako. Inaantok na siguro ako. "Baby, I'm sleepy."




Inayos ko naman yung upuan ko at ginawang kama para komportable akong makatulog. Ganon rin si Ethan, inayos na rin niya yung sakanya.




"Okay, goodnight baby." Sabi niya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay humiga na rin siya at pumikit. Ganon rin ang iba namin barkada mga nagaayos na para matulog kasi paniguradong nagsasave ang mga yan ng energy para mamayang umaga.





Nagising ako bigla. Tinignan ko naman ang barkada na mga tulog na tulog kaya pinicturan ko sila, hehe.





Maudelfonso: Mga borlogs, hahahahaha! #squad





Mamaya ay dadagsain na naman ng mga comments at likes yan. At hihintayin ko ang reaction ni Liam at Zachary sa picture nila.





Humiga na ulit ako. Pero bago ako pumikit ay sumulyap muna ako kay Ethan na ang sarap ng tulog. Napangiti naman ako.





*dub* *dub* *dub* * dub* Ehhhhhh?! Napailing na lang ako at pumikit na ulit.





Napamulat ako ng biglang may malakas na sigaw ang bumungad sakin. "LIEEEEEEEEEZL!"





"Wag mo nga gisingin baby ko!" Narinig ko na sabi ni Ethan.






Napabangon naman ako bigla at tinignan si Liam. "Ano ba yon?!" Inis na sabi ko.





Unexpectedly Fall Inlove [KathNiel] [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon