So, isa pala siya sa mga scholars ni daddy. Ganun kasi ang parents ko, they offer scholarships. They go to different parts of the country to find out-of-school youth whose desire to study is fire burning.

Lucky you, Cedric.

I smiled. "Good for you."

"Eh ikaw?" sabi niya.

"What about me?"

"Anong pangalan mo?" tanong niya which made me laugh a little. Hindi ko pa pala nasasabi.

"Pff, I'm Cyrus," pagpapakilala ko. Ayokong sabihin sa kanya ang last name ko. Baka bigla niya akong tawagin ng "Sir". I'm tired of hearing that word.

Magsasalita pa sana siya pero dumating na ang food namin.

"Let's eat," I offered at nauna na akong kumutsara sa pagkain ko.

"Thank you nga pala sa pagbawi sa phone ko," sabi ko.

"Wala yun. Thank you din sa mga damit na 'to," sabi din niya at itinaas pa ang mga paper bags.

Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita.

Binilisan ko ang pagkain para makaalis na ako. I'm still not comfortable with this boy. Hindi ko pa siya lubosang kilala, baka mamaya isa pala siyang masamang tao.

When I finished my meal, I called for a crew and I handed him my credit card. Hindi naman nagtagal bago binalik ito sa'kin.

"Mauna na ako," paalam ko kay Cedric and without letting him say a single word, I went out the restaurant at diretso sa labas ng mall kung saan naghihintay na si kuya Rhanie.

Sinabihan ko siyang dumiretso na kami sa bahay.

Pagkarating namin dun, dumiretso ako sa dining room dahil alam kong naghahapunan na ang mga magulang ko with my blood brothers.

"Good evening!" masayang bati ko sa kanila when I saw them. Lumingon naman silang lahat sa'kin.

Lumapit muna ako kina mom and dad and kissed their cheecks saka ako umupo sa pagitan nina kuya Hunio at kuya Lemuel.

Si kuya Hunio ang panganay and he's 23. Sumunod si kuya Lemuel, who is 21. Then ako. I am 19.

Humalik din ako sa mga pisngi ng dalawang brothers ko. Si kuya Hunio, agad niyang pinunasan ang pisngi niya with his shoulder. Buti nalang, hindi ganun kaarte si kuya Lemuel.

"Ba't ngayon ka lang?" tanong ni kuya Lemuel.

I smiled and said, "Secret!"

"Boyfriend?" sabat ni Daddy.

"Dad, for the nth time, I don't have a boyfriend," sabi ko and he looked disappointed. Ganyan yan, gusto niyang magka-boyfriend na daw ako. Unlike any other dads, my dad is a cool dad. He's our buddy, our bestfriend. But sometimes, annoying siya. Gaya ngayon, boyfriend na naman ang sinasabi niya.

"Eh saan ka galing?" tanong ulit ni kuya Lemuel.

"I went to the mall, kuya. Then, an incident happened. Someone snatched my phone--"

"What?" bulalas ni mommy.

"Mom, let me finish first," sabi ko at tumahimik naman si mommy. "But a boy had the guts to run after the snatcher and managed to get my phone back," dugtong ko.

"Whoah, did you get to know who the boy is?" tanong ni Daddy.

"Yes, dad."

"And..?"

"His name is Cedric Esguerra and according to him, he's one of your scholars. Taga-probinsya daw siya," kwento ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni daddy.

STRANGEWhere stories live. Discover now