Malakas ang tambol ng dibdib ni Carol habang nakatingin sa entrada ng Korean Restaurant na iyon sa Quezon City. May kinse minutos na rin siyang nakaupo sa pandalawahang upuan, naghihintay sa pagdating ng lalaking matagal niyang kinapanabikang makita ulit.
Halos dalawang taon ang lumipas pero pakiramdam niya kasing tagal na ng habang buhay ang nagdaan. Halos makalimutan niya man ang mahinahon at masuyong boses nito at iyong pakiramdam habang yakap siya nito sa mga bisig nito.. hindi nakakalimot ang nagmamahal niyang puso madinig niya pa lang ang pangalan nito.
Her heart would suddenly race every time she hears his name. It would skip a beat at the sight of him. Kagaya na lang ngayon. Pakiramdam niya huminto sa pag inog ang mundo nang makita niya ang pagpasok ng matangkad na lalakeng may hawak na bouquet ng bulaklak sa isang kamay habang cellphone naman ang sa kabila.
Leandro De Marco. He looked gorgeous in his rayban sunglasses na lalong nagpalitaw sa matangos nitong ilong. She's certain that behind that dark glasses were a pair of deep set dark eyes.. the same eyes that used to gaze and stare at her unflinchingly with love.
Hindi niya hiniwalayan ng tingin kahit nang iginagala na nito ang mga mata sa loob ng kainan. Carol was closed to being teary eyed. Parang hinahaplos ng malamig na kamay ang puso niya.
Two long years that seemed forever. Inakala niyang hindi niya na uli ito makakaharap pa. She wanted to run towards him, hug him tight and kiss him deep and hard and tell him how much she missed him pero alam niyang hindi puwede.. Hindi pa puwede.
A muscle in Leandro's jaw flexed nang sa wakas ay matuon ang atensyon nito sa kaniya. Walang ingat ang pagkakahawak nito sa bouquet ng bulaklak. Duda si Carol kung may matitira pang petals oras na makarating sa kinauupuan niya ang binata.
Her heart pounded against her chest as if it was hammering its way out when Leandro stopped few meters away from her.
"You're early." matabang na anito.
Inalis nito ang suot na salamin sa mata at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa. Bitbit pa rin sa isang kamay ang bouquet. Her eyes roam over his handsome face. She wasn't surprise to see him staring at her too.
Naiilang siya sa titig nito noon but for the past two years she longed to see him gazing at her again. He was thirty two now but he was as magnetic and as dangerously attractive as the last time she saw him. Parang hindi lumipas sa buhay nito ang dalawang taong hindi sila magkasama.
Carol held herself. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay sa harap nito. Pero ni hindi iyon sinulyapan man lang ni Leandro. Sinundan niya ng tingin ang pag itsa nito sa hawak na bulaklak sa ibabaw ng lamesa kasabay ng pagbawi niya sa kamay niyang nakalahad.
"That's for you." anito sa bored na tono. "Galing kay Mama."
Hindi siya sumagot. Pinilit niya rin na hindi masaktan kahit impossible na hindi niya iyon maramdaman. Kahit ang blangkong ekspresyon sa mukha ng binata ay sapat na para makaramdam siya ng kurot sa puso niya.
Naupo ito sa silyang katapat ng kinauupuan niya kanina. Carol cleared her throat for the 'nth time at pasimpleng bumalik sa pagkakaupo.
Patlang.
"Ipapa DNA test ko si Gian.." basag nito sa katahimikan. Tumitig ito sa mga mata niya. "Siguro naman karapatan kong siguruhin na akin nga ang batang ipinapaako mo sa akin lalo at wala akong maalala, hindi ba?"
Nanatili siyang walang kibo. A hint of anger crossed Leandro's eyes as he gaze at her.
"Hindi lang ikaw ang unang babaeng nagclaim na naka relasyon ko simula nang mawala ang memorya ko, Miss. Staring at you right now, wala akong makapa kahit kaunting damdamin na magpapaalala sa akin na naging parte ka ng buhay ko noon. Ayokong gamitin ng kung sino sino ang pagkakaroon ko ng amnesia para makakuha ng pera mula sa pamilya ko."
This time, umabot sa mga mata niya ang sakit. Naramdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mga mata niya. She blinked her tears away and managed to give the intimidating man in front of her a smile. Dapat niyang alalahanin na walang maalala ang binata. Hindi sya dapat masaktan dahil sigurado siyang hindi siya sasaktan ni Leandro kung naaalala siya nito.
"S-sabihin mo lang kung kailan ang schedule ng DNA.. pupunta kami."
A sarcastic smile formed Leandro's lips. "That confident, huh?"
Yumuko siya dito. Dinampot niya ang handbag niya sa ibabaw ng lamesa at tumayo. As much as she wanted to stay and give herself a little more time to stare at Lian's handsome face.. duda siya kung hindi bibigay ang mga luha niya sa harap nito. Kahit kasi sabihin niyang hindi siya dapat paapekto, nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. Isa pa, seeing him and having him this near makes her emotional. Baka din hindi niya mapigilan ang sarili at yakapin nya na lang ito bigla.
"P-pakisabi kay Tita Abegail salamat sa bulaklak. Mauuna na 'ko." Wika niya.
Akmang tatalima siya paalis pero maagap na nahuli ni Leandro ang braso niya. Lumipad ang mga mata niya sa malaking kamay nito na nakahawak sa palapulsuhan niya. Pagkatapos ay nagawa niyang ilipat ang tingin sa itim na itim nitong mga mata. Nakakaramdam siya ng panlulumo. Anger was written in his eyes. Paano ba sila mag uumpisa uli kung ganito agad ang resulta ng una nilang pagkikita?
"Lilinawin ko lang, wala akong balak pakasalan ka kahit mapatunayan ko na anak ko nga ang bata. So stop dreaming, at itigil mo ang pag a announce na magpapakasal tayong dalawa."
Napakurap siya nang padarag na bitawan ni Leandro ang braso niya. Padarag din itong umahon sa kinauupuan at iniwan siya. Napapikit siya ng mariin, pagkatapos ay maluha luhang sinundan ng tingin ang papaalis na lalaki.
Mapait siyang napangiti. Sana ay naaalala ni Leandro ang lahat ng tungkol sa kanila.. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Fortunately, mapapatunayan ng DNA Test ang tungkol sa totoong relasyon ni Lian sa anak niya. Ang nakakalungkot lang, walang test na maaaring magpatunay na minsan siyang minahal ng husto ng binata.
Sa totoo lang hindi niya na gustong balikan sa isip kung ano ano ang mga hirap na pinagdaanan niya simula nang mawala si Leandro pero habang nakatitig siya sa nilabasan nitong pinto, the pain and loneliness she didn't know how she manage to endure for the last two years came rushing.
And now he's back.. abot kamay niya nga ito pero hindi n'ya naman ito mahahawakan.. hindi niya mayayakap. Nagbalik ito, oo. Pero hindi ang alaala nito at pagmamahal sa kanya. Ngayon, ang dapat n'yang gawin ay ang ipaalala dito kung sino siya.. at kung ano siya sa buhay nito. Kung nagawa niyang mapaibig ang lalaki noon, maaari niya naman sigurong subukan ulit ngayon.
❤️
Hi guys,
Welcome to Leandro De Marco's story. Sana magustuhan n'yo ang kuwento. Next year, mapa publish na ang story under Precious Hearts Romances. Sana makabili kayo ng copy.
Please follow LaTigresaPHR para sa updates sa susunod pang kuwento ng mga De Marcos📖
Thank you,
La Tigresa
YOU ARE READING
Men In Tux 2 : Fall For Me Again
RomanceBroken-hearted si Carol nang unang magkrus ang mga landas nila ni Leandro 'Lian' De Marco. Gwapo ito, matangkad at simpatiko. Kung hindi lang siya nito inuutusang lumayas agad sa tinitirhan niyang apartment na pag aari pala nito, marami pa sana siy...
