Kabanata 1

41.1K 555 36
                                    

"Tabi, hinaharang mo kaya yung daan ko!" Inis na sabi ko nanaman kay Marco. Pauwi na kasi ako galing sa klase ko pero ayaw nanaman akong tantanan nitong lokong ito.

"Sige na kasi, ayaw mo bang escort nalang ako? gwapo naman ako ah?" Aniya habang nagpapapogi-sign pa sa harap ko. Nahampas ko tuloy sa braso ang lokong ito.

"Hindi nga ako aattend sa prom Marco. paulit-ulit 'to. Kaloka!" Sabi ko. Naglakad na ako at pinabayaan siya sa likod ko pero naramdaman ko nanaman ang presensya niyang ayaw naman akong lubayan kaya nang inis na humarap ako sa kanya ay mabilis na itinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Oh, teka-teka! Chill lang Andrea..." Natatawang sabi nito. Sa inis ko ay mabilis ko siyang tinalikuran at muling naglakad.

"Teka lang Andrea!" Habol na sabi ni Marco sa likod ko.

Inis ko siyang binalingan. "Ano nanaman?!"

"May tagos ka kasi.." sabi niya habang ang nguso ay nakaturo sa may pwetan ko. Nanlaki naman ang mata ko at agad siyang tinanong. "Ano? Teka sigurado ka?!" Malakas na bulong ko sa kanya at pasimpleng lumapit pa sa kanya.

Tumango ito at ngumiti ng nakakaloko. "Yup. Kaya siguro badtrip ka sa akin dahil may mens ka ano?" natatawang tanong nito. Hinampas ko naman siya sa braso niya at saka ako nagsalita.

"Pahiram ng jacket mo.." Sabi ko rito habang siya ay nasa likod ko lamang at natatawa.

"Aattend ka nang prom?" tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ano ba, pahiram na kasi!"

Tinanggal niya ang jacket niya at binigay sa akin ito. Mabilis na inilagay ko ito sa baywang ko para matakpan ang bandang likod ko. "Nakakahiya, bakit ngayon mo lang sinabi?" Asar na tanong ko rito. Tumabi naman siya sa akin habang hindi matigil sa pagtawa ang loko.

"Ang init ng ulo mo, hindi ko tuloy maisingit sa sasabihin ko.." Halakhak niya

Fourth year high school na kaming dalawa ni Marco at magkaklase rin kami. May prom rin kami next week at sabi sa akin ni Marco, gusto niya raw na ako ang partner niya dahil ayaw niyang umattend kapag wala raw siyang partner. Ako naman, ayokong pumunta dahil hindi ko trip. Hindi naman kasi ako mahilig diyan at hindi ko feel ang pa-prom prom na 'yan.

Mayaman ang pamilya ni Marco, katunayan nga ay Mayor ang Daddy niya dito sa San Carlos. Gwapo siya at may maipagmamalaki talaga. Hindi katulad ko na mahirap lamang. Si Mama kasi ay katulong lamang sa bahay nila Marco at si Papa naman ay security guard sa 7/11 sa may bayan bagamat mahirap ang buhay namin ay maganda naman ako, katunayan nga ay marami akong kaklase na nagkaka-crush sa akin 'yun nga lang walang nagtatangkang nanliligaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit at paano. Wala pa naman kasing nanliligaw sa akin na kahit sino. Seventeen years old na ako pero no boyfriend since birth ang lola niyo samantalang etong si Marco na nasa tabi ko na kahit ka edad ko ay hindi na mabilang ang mga naging babae sa buhay nito.

Ako ang lagi-laging kasama ni Marco sa kahit saan. Ang alam kasi ng Daddy niyang si Mayor Ignacio ay mapagkakatiwalaan naman ako which is totoo naman talaga. "Andrea, may game ako mamaya sa bayan, manuod ka ah?" Aniya. Tumango naman ako bilang pagtugon.

Narinig ko pa ang pabulong niyang 'yes' at saka tumabi na nang tuluyan sa akin habang naglalakad pauwi sa kanila. Pupunta rin kasi ako sa mansion nila dahil 'doon kami nakatira nila papa. 'Yun nga lang, hindi sa mansion kung hindi sa gilid ng mansion kami nakatira. Kaloka.

"Oo nga pala Marco.." Mabilis na sabi ko nang may maalala ako nang makadaan kami sa tindahan. Kinuha ko ang maliit na wallet ko na naglalaman ng kwatro pesos. Saan makakarating ito? Tumingin ako kay Marco.. "Pwede bang pautang muna ng seven? Wala na pala akong napkin sa bahay.." Sabi ko pa rito. Ibinalik ko sa bulsa ang wallet na hawak ko at muling pinasadahan ng tingin si Marco na ngayon ay nasa harap na ng tindahan.

FALL IN LOVE {Completed}Where stories live. Discover now