5PM na ng hapon nang makauwi ako sa bahay. Nakakapagod grabe, sobra. Ang daming pinagawa ng teachers namin ngayon dahil malapit na ang semestral break, tas may insidente pa kanina na lalong nagpainis saakin.
Pagpasok ko ng kwarto, bumungad saakin ang poster ng EXO! Wah grabe. Ampogi talaga ni Baekhyun. ❤️
Agad ko namang binagsak yung bag ko sa kama ko at nagpalit sa pambahay ko, matapos nun ay agad ko nang kinuha ang cellphone ko at binuksan ang instagram.
Instagram lang naman kasi talaga yung social media na ginagamit ko, ito lang kasi yung walang masyadong madaming post at isang tao lang naman ang fina-follow ko at hindi hassle gamitin. Nagsilbi ko na din kasi itong diary.
Yun lang din kasi yung ginagamit na social media ng EXO kaya yun na yung ginagamit ko ngayon.
Dahil isa akong magandang fan (lol whut) ay nag-dm ako agad kay Baekhyun tungkol sa nangyari sa araw ko.
Hoy grabe talaga yung nangyari ngayong araw! Nag-away kasi kami ng kaibigan ko tapos basta, ang sensitive ko daw na tao at mataas ang pride! Totoo ba? 💔 Hindi naman diba?
Ay bakit nga ba kita tinatanong eh hindi mo naman ako kilala? Wahahaha.
Huy grabe. Magpost ka naman, amboring ng feed ko you know? Kaso ayokong magfollow ng iba eh. Haha
Ay sige mamaya nalang ulit. Tinatawag na ako ng nanay ko para kumain. Kain ka na din ha? ❤️❤️
YOU ARE READING
direct message || b.bh
Teen Fictiontanging direct message nalang sa instagram ang ginagamit niya para mailabas ang lahat ng kanyang nararamdaman.
