SS 1: What a Coincidence

8 0 0
                                    


Stef's POV

Kon'nichiwa, I am Stephanie Mendez, 16 years old. A graduating student for the batch 2016-2017.

Half Japanese and Pilipino, ngunit dito ako lumaki sa Pinas kaya wala akong kaalam alam sa salita ng Japan.

Book Reader. Oo book reader ako, mahilig akong magbasa lalo na sa mga Love Story, ngunit di ito alam ng mga tao, pano di nila malalaman e panglabas na anyo lang tinitiningnan nila sa akin.

Na isa akong mean, selfish, and worst of all, an attention seeker. Oo totoo yan, ugali ko talaga yan lalong lalo na pag ang sama sama ng ugali mo.

Hindi ko naman pinapahalata sa lahat na book reader ako dahil para san pa, yayaman ba ako sa papuri ng marami, hindi ba hindi.

--

Nandito ako ngayon sa condo ko at nakaatupag sa laptop ko. Hindi na ako pumupunta sa bahay kahit sabado at linggo dahil sa salitang "walang time". Mag uupdate lang ako sa ginagawa kong article sa website ko. Oo tama ang pagbasa niyo, may website ako.

Gumagawa ako dun ng mga articles tungkol sa mga bagay bagay. Di rin nila alam na ako ang may ari ng website na yun dahil iba ang pangalang ginamit ko.

*tok tok*

Napahinto na lang ako sa pag ta type kasi may kumatok.

*tok tok*

Pag uulit nito.

"Sino yan?" Cold kong sabi at bumalik sa ginagawa. Hindi kasi ako bigla bigla nagpapasok ng tao dito kahit kaklase ko pa, yung mga close ko lang pinapapasok ko.

"Ako ni besh. Si Jane." Best Friend ko po yan si Jane since fetus. Kasing edad lang po kami. Best friend kasi ang mom ko at mommy niya at kapit bahay lang namin sila. At alam niya lahat lahat tungkol sakin.

"Pasok." Ikli kong sabi. Hindi ko rin maintindihan niyan ngayon, kasi kapag pupunta yan dito, bubuksan niya lang nang walang pahintulot sa akin ang pinto at kahit tulog ako. May susi kasi yan sa condo ko.

"Besh, panu ako makakapasok e serado. Wala na akong susi diba kasi inagaw mo sa kin last week." Haha. Oo nga pala. Buwisit kasi yan e, natutulog ako tapos yan siya kinakantahan ako para magising. Kasi kung pangit ang sa inyo (peace), mas pangit ang boses niyan. Pumunta na akong pinto para pagbuksan siya.

"Hi besh!!, kumusta na? Bukas na pala ang pasukan, excited na talaga ako beshhhh!!(while paluksong lukso niyang sabi) makikita ko na si James..(crush niya)"

"Tsk."irap ko tapos umupo na sa harap ng laptop para ipagpatuloy ang nasimulan.

"Alam mo besh, pwede bang itigil mo muna yan! Hindi ka na nagpapaganda kahit foundation man lang. Kaya maraming natatakot sayo kasi sabi nila "STAY AWAY FROM STRANGERS" kasi stranger na yang mukha mo, parang patay na buhay." Jane. With pa OA voice.

"Eh di go, sabihin nila sakin stranger ako, I don't mind them at least yumayaman ako dito sa website ko dahil ang raming nagpapagawa ng articles. " Sabay role eyes. Para na kayang Zombie ang face ko? Hindi ko na kasi tinitingnan ang mukha ko sa salamin kong ayos lang ako dahil kailangang magmadali.

Late na kasi akong gumigising dahil narin sa overnight pag ta type ng mga articles.

"Alam mo besh, ang aga aga pa, yan na naman inaatupag mo, tignan mo nga ako, ang aga aga ko dito para kamustahin ka tapos yan ka na naman sa laptop mo, tsk. Besh,, i'll ask you. Choose!! Ako o yang laptop mo!? Dali!! mabuti pang mag jogging tayo para ma exercise naman pangangatawan natin lalong lalo ka na."Jane. Siguro tama naman siya, para narin ma exercise ang pangangatawan ko hindi lang utak ko. He he. Abno na talaga si Jane.

SUPER STARWhere stories live. Discover now