8 Steps to Move on (One Shot)

Start from the beginning
                                    

THIRD STEP: UMIYAK KA HANGGA'T GUSTO MO.

Umiyak ako ng umiyak. Ibinuhos ko sa iyak ko lahat ng hinanakit sa'yo. Sabi nga nila, huwag ko daw pigilan ang mga luha ko. Umiyak lang daw ako ng umiyak hangga't gusto ko hanggang makaramdam ako ng ginhawa. Huwag ko daw kimkimin lahat ng sama ng loob ko. Dapat daw ilabas ko lahat. Kaya ayun nga ang ginawa ko. Iniyak ko lahat ng naririto sa puso ko. Iniyak ko lahat ng galit, inis at panghihinayang na nararamdaman ko. Iniyak ko lahat...kasabay nang pagsusumamong bumalik ka na sana sa akin.

FOURTH STEP: PAKAWALAN ANG MGA BAGAY NA MAKAPAGPAPAALALA SA'YO.

Itinapon ko lahat. Itinapon ko lahat ng mga bagay na magpapaalala sa'yo sa akin. Mula sa kauna-unahang love letter na isinulat mo pa sa ¼ intermediate paper nung high school tayo hanggang sa natuyong petal ng rose na ibinigay mo sa akin nung anniversary natin. Itinapon ko lahat. Nakakatawa. Inabot pala ng tatlong malalaking box ang lahat ng mga bagay na tinreasure ko na galing sa'yo na ngayon ay basura na lang. Sa bawat pagtapon ko sa basurahan ng mga iyon, bumabalik sa alaala ko kung kailan at paano mo ibinigay sa akin yun. Kung paanong inasar asar mo pa ako nun para hindi kita mabuking na sa'yo yung sulat. Kung paano mo ko binigyan ng malaking bear nung unang buwan natin bilang magkasintahan. Kung paanong inaway mo pa ako para lang hindi ko malaman yung surprise date na pinaghandaan mong mabuti nung anniversary natin. Pero sabi nga nila, kailangan ko nang pakawalan ang mga bagay magpapaalala sa'yo kahit gaano kasakit. Kailangan, pakawalan na kita.

 FIFTH STEP: ALIWIN ANG SARILI SA IBANG BAGAY.

Nagpakabusy ako. Sumali ako sa iba't ibang activities inside and outside the school para makalimutan ko ang pag-iisip sa'yo. Mas nagkaroon na rin ako ng oras sa mga kaibigan ko hindi tulad na noon halos tayong dalawa ang magkasama palagi. Kung saan saan din ako nakarating dahil palaging may outing ang barkada. Sumali din ako sa mga outreach program na hinost ng mga magulang ko. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong sa iba. Nag-enjoy ako sobra. Kaso… kaso sa tuwing uuwi ako ng bahay at sasapit ang gabi, bigla na naman kitang maaalala. 

SIXTH STEP: AYUSIN ANG SARILI.

Sabi nila sa akin, hindi porque broken hearted ako ay magpapakalosyang na daw ako. Kailangan daw magpaganda ako para sa sarili ko... at hindi para sa'yo. Kailangan daw ipakita ko sa iba na walang nagbago at mas lalo akong gumanda ng nawala ka. Kailangan daw itaas kong muli ang self esteem ko sa sarili ko na halos mawala nung iniwan mo ko. Kailangan din daw paulit ulit kong sabihin sa sarili ko ang mantrang "Hindi ka malaking kawalan sa akin." kahit ang totoo ay kabaligtaran noon ang nararamdaman ko.

SEVENTH STEP: MAKISALAMUHA.

Huwag ko daw ikulong ang sarili ko sa apat na sulok ng kwarto ko at magmukmok dahil sa pang-iiwan mo sa akin. Umattend daw ako ng mga parties, gatherings at kung anu-ano pang okasyon para daw mawala ang pag-iisip ko tungkol sa'yo. Makisalamuha daw ako sa iba para naman manumbalik ang social life ko na nawala nung maghiwalay tayo. Ginawa ko iyon. Halos naging laman na ako ng mga bar, parties at kung anu-ano pa. Basta may kasayahan, paniguradong andun ako. Nakakatuwa kasi madami akong naging bagong kaibigan ng dahil doon. Isa ka lang na nawala sa akin pero marami ang pumalit. Pero bakit ganun? Bakit hindi pa rin nila kayang punan ang iniwan mong malaking espasyo dito sa puso ko?

At ang pinakahuling step para makamove on:

EIGHTH STEP: BUKSAN ANG PUSO SA IBA.

Sa lahat ng step ng pagmumove on, dito ako pinakahirap. Sana ganun nga lang kadali iyon para sa akin. Kaso hindi eh. Hinding hindi lalo na't sa tuwing mapag-iisa ako ay hinahanap hanap kita. Pero sabi ko nga, kahit gaano kahirap pipilitin ko. Ayoko ng patuloy pang masaktan at umasang babalik ka rin sa akin. Unti-unting kong binuksan ang puso ko sa iba. Tumanggap ako ng manliligaw. Ang dami nga nila eh. Totoo iyon. Hindi ako nagbibiro. Inentertain ko sila. In fairness, ang sarap ng feeling na malaman na maraming nagmamahal sa akin. Maraming handang gawin ang lahat hanggang sa abot ng makakaya nila para lang maging masaya ako kahit alam nilang hindi pa kita tuluyang nabubura sa isip ko. Meron akong isang manliligaw na nagustuhan ko. Mabait siya, gwapo, magalang at maaalahanin. Kung baga, siya yung pasok na pasok sa ideal man ko. Palagi niya akong pinapatawa sa tuwing magkasama kami. Walang oras na hindi ako masaya kapag kasama ko siya...parang tayo noon. Kaso bigla akong natakot sa nararamdaman ko. Hindi kaya naghahanap lang ako ng panakip butas para makalimutan kita? Tinimbang ko ang nararamdaman ko. Pinag-isipan kong mabuti kung ano ang sinasabi ng puso ko. At ng malaman ko ang sagot sa tanong ko, napangiti ako. Finally, nakamove on na ako!

Sinagot ko ang manliligaw kong iyon. Halos nakalimutan na nga kita eh dahil sobrang saya niya kasama at walang oras na hindi niya pinaparamdam sa akin na mahal niya ako. Ang sarap lang ng feeling. Kaso isang araw, nagulat ako ng bigla mo akong lapitan at kausapin. Parang bumalik yung pamilyar na kabog ng puso ko pero isinantabi ko yung nararamdaman ko. Imposible naman tong iniisip ko diba? Nakamove on na ako sa’yo…

Inaya mo akong magkape. Pumayag ako. Sabi ko kasi for old time’s sake. Nung pareho na tayong umiinom ng paborito nating kape, bigla kang nagsalita. Sabi mo sa akin masaya ka na makitang masaya na ako sa piling ng iba at mapapanatag ka na kahit mawala ka na sa mundong ibabaw. Parang biglang kinurot yung puso ko sa sinabi mo. Hindi ko inaasahan ang mga salitang iyon na manggagaling sa’yo. Tsaka anong sinasabi mong ‘mapapanatag’ ka na? Bakit hindi ako mapakali sa mga sinabi mo. Hindi ka agad nagsalita at gayun din ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pareho lang tayong nanahimik. Pero nagulat na naman ako ng bigla ka na namang nagsalita. Kung nagulat ako sa sinabi mo nung una, mas lalong hindi ko inaasahan ang mga sumunod mong sinabi.

"Sorry Yna kung nasaktan man kita nung maghiwalay tayo at nakapagbitiw ako ng masasakit na salita sa'yo noon. Wala na kasi akong maisip na paraan para hiwalayan mo ako. Ayokong makitang masaktan ka at mahirapan kung mananatili ka sa piling ko. May sakit ako, Yna. Cancer of the brain. At meron na lang akong dalawang buwan para mabuhay. Hindi ko sinabi sa'yo kasi gusto kong mabuhay ka ng normal. Na hindi mo iniisip ang kalagayan ko. Na hindi ako mag-aalala na nagdurusa ka kung saka-sakaling mawala ako sa’yo ng biglaan. Ayokong makita kang umiyak ng dahil sa akin. Ayokong makita kang nasasaktan ng dahil sa akin. Gusto kong maging masaya ka. At natutuwa akong makita kang masaya ngayon. Mapapanatag na ang loob ko at pwede na akong pumunta sa Kanya ano mang oras. Hindi ako nagsisisi na pinalaya kita. Pero…pero bago ko lisanin ang mundong ito, meron sana akong gustong sabihin. Alam kong wala na akong karapatan pa na sabihin pa ito sa'yo pero gusto ko lang malaman mo na minahal kita...at patuloy na mamahalin hanggang sa mawalan na ako ng hininga…"

Mas lalo akong hindi nakapagsalita sa sinabi mo. Nagpaalam ka sa akin at sinabi mo pang mag-ingat ako. Sinabi mo pa ikaw ang magiging guardian angel ko kapag nawala ka na at sisiguraduhin mong palagi akong ligtas. Ngumiti ka sa akin bago tuluyang naglakad papalayo sa akin. Tumayo ako para habulin ka pero nanghina yung tuhod ko. Hindi ko kinaya ang mga nalaman ko. Napasalampak ako sa sahig at nag-unahang tumulo ang mga luha ko. Akala ko...akala ko wala na akong paki kung makita man kita at sa kung ano man ang sasabihin mo kapag nagkausap tayo. Akala ko...akala ko wala ka ng magiging epekto sa akin. Akala ko...akala ko nalimutan na kita...Pero maling mali pala ako. Lalo na ngayon at alam ko na ang dahilan kung bakit mo ko iniwan. Parang sasabog ang puso ko.

Siguro hindi lang naging epektib ang steps na tinuro ng kaibigan ko sa akin. Siguro kasi hindi ko isinapuso kaya nagkaganun.Siguro kasi hindi naman talaga kita inalis sa utak at puso ko. Kaya eto ako ngayon, nasasaktan muli.

"Mahal pa rin kita, Rui!" Sigaw ko sa’yo pero alam kong hindi mo na ako narinig dahil malayong malayo ka na sa akin. At kahit narinig mo man iyon ay sigurado akong hindi mo ako lilingunin.

Nakakainis ka. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat? Tatanggapin ko naman ng maluwag sa puso ko eh. Mas okay sa akin na nasa tabi mo ako sa tuwing manghihina ka. Gusto ko, ako ang maging lakas mo sa tuwing pakiramdam mo na wala ka ng lakas. Sabay tayong lalaban. At kung saka-sakali man na iiwan mo nga ako, wala akong pakialam. Ang mahalaga, nagkaroon ako ng pagkakataon na maipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. Pero wala eh. Nagdesisyon ka. Naiintindihan ko naman kung bakit ginawa mo yun. Pero bakit di mo man lang isinaalang-alang yung mararamdaman ko? Nagsisisi tuloy ako na hindi ko man lang inalam ang totoo.

Hindi ka na muling nagpakita sa akin mula noon. Umalis kayo ng bansa at tumigil ka ng pag-aaral. Pinilit kong kontakin ka pero hindi mo sinasagot lahat ng tawag at email ko sa’yo. Nalaman ko na lang na namatay ka na matapos ang isang buwan at tatong araw nung huli tayong magkita. Umiyak na naman ako ng umiyak. Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa’yo. Magpasalamat sa lahat ng masasayang alaalang binuo natin. Sa mga panahong nasa tabi kita sa tuwing nalulungkot ako. Sa palaging pagpapasaya sa akin. Sa pagmamahal mo…

Matapos kong makapagbabang luksa sa’yo, nakapagdesisyon na ako. Alam kong gusto mo akong maging masaya kaya sige, para sa’yo gagawin ko. Kung kailangan ko ulit mag-umpisa sa unang hakbang sa pagmu-move on, gagawin ko. Pero hindi ibig sabihin noon ay kakalimutan na kita. Mananatili kang may puwang dito sa puso ko. Kailangan ko lang umusad dahil alam kong gusto mo akong maging masaya at iyon din ang gusto ko. Salamat…salamat sa pagmamahal…

***

8 Steps to Move on (One Shot)Where stories live. Discover now