8 Steps to Move on (One Shot)

2K 51 16
                                    

8 STEPS TO MOVE ON

"Let's break up."

Hindi ko makalimutan ang mga salitang iyan. Hanggang ngayon ramdam ko yung sakit nang marinig ko iyan mula sa'yo. Mahal kita eh. Mahal na mahal. Kaso ang sabi mo nasasakal ka na sa pagmamahal ko kaya gusto mong makalaya mula sa akin.Masakit. Oo. Sobrang sakit. Hindi ko akalain na ganun na pala yung nararamdaman mo. Siguro nga nasakal kita ng hindi ko napapansin. Siguro nga masyado na akong naging clingy sa'yo kaya nagkaganoon. Siguro nga masyado na akong naging demanding sa atensyon at oras mo. Siguro nga masyado na akong naging dependent sa'yo na pakiramdam mo ay tinalian na kita...Pero bakit ganun? Bakit kailangan hiwalay agad? Ganoon lang ba kadali iyon? Hindi ba pwedeng pag-usapan muna natin? Hindi ba pwedeng ayusin muna natin? Pero wala eh. Buo na ang desisyon mo. Kahit na ayaw ko, wala akong magawa. Mahal kita eh. At kung ang pakawalan ka ang makapagpapasaya sa'yo kahit na ang ibig sabihin nun ay kamatayan ng puso ko, sige lang. Hahayaan na kita.

Nang maghiwalay tayo, hindi ko akalain na mabilis kang makakapagmove on. Ni hindi mo nga nasunod ang three-month rule eh. Ang daya daya mo. Ang saya saya mo pa nung makita kita kasama ang bagong mong girlfriend. Nagawa mo pa nga akong ngitian at kamustahin. At ang nakakatawa pa, nagawa mo pang ipakilala sa akin ang babaeng pumalit sa pwesto ko diyan sa puso mo. Ang sakit sakit nun. Ang sakit sakit na makita kang masaya sa piling ng iba samantalang ako ay nahihirapang kalimutan ka.

Nang maisip kong wala ng pag-asa talaga, nakapagdesisyon na ako. Kakalimutan na kita. Magagawa ko rin ang ginawa mo. Makakapagmove on din ako. Magiging masaya din ako. Magagawa ko ring humarap sa’yo ng hindi na nasasaktan. Magagawa ko ring pagtawanan kapag maalala ko na minsan sa buhay ko ay umiyak ako ng dahil sa’yo. At magagawa ko ring kalimutang mahal kita.

Sabi ng mga kaibigan ko merong daw 8 steps ang pagmu-move on. Siguro ginawa mo yun no? Ang bilis mo kasing makapagmove forward samantalang ako ay nanatili kung saan mo ako iniwan. Siguro masyadong naging effective sa’yo yung steps na yun. Kaya nakapagdesisyon na ako. Susubukan kong gawin yun. Malay mo, umepekto din sa akin at tuluyan na kitang makalimutan.

UNANG HAKBANG: UMIWAS.

Umiwas. Yan ang sabi ng bestfriend ko. Kung gusto daw kitang kalimutan, kailangan iwasan kong makita ka...at ang girlfriend mo. Sabi ko sa kaibigan ko, hindi ba masyadong immature yun? Baka sabihin mo pa sa akin na hindi pa rin ako nakakaget over sa'yo kahit iyon ang totoo. Ang sagot niya? Isang malaking hindi. Sabi niya paraan daw yun na masanay ako na wala ka na sa tabi ko at tanggapin ang katotohanang hindi ka na babalik pa. At isa pa, kung patuloy daw kitang makikita, babalik at babalik lahat sa akin ang sakit na nararamdaman ko at baka makagawa daw ako ng isang bagay na pagsisihan ko rin sa bandang huli. Kaya mas mabuting iwasan ko daw muna kayo. Ginawa ko yun kahit sobrang hirap. Iisa pa naman tayo ng university na pinapasukan at course kaya madalas tayong magkikita sa school. Ang nakakaloko pa, malapit lang ang bahay niyo sa bahay namin at magbestfriend ang mga magulang natin. Ironic, right? Pero kahit ganun, pinilit kong iwasan kita. Sa tuwing makikita kong magkakasalubong ang landas natin ay gumagawa ako ng paraan para hindi tayo magtagpo. Sa tuwing kelangan nating magharap para sa school projects dahil pareho tayong may posisyon sa org, gumagawa ako ng paraan para hindi tayo magkalapit. Sa tuwing merong gatherings sa bahay niyo at invited ang pamilya ko, hindi ako pumupunta. Sa tuwing namimiss kita…pinipilit kong huwag kang makita. Ang galing galing ko nga eh. Biruin mo, nagawa ko yun? Nagawa kong umiwas kahit nakikita pa rin kita.

SECOND STEP: MAKIPAG-USAP SA MGA MATALIK NA KAIBIGAN.

Lahat ng hinanakit ko sa'yo inilabas ko sa mga matalik kong kaibigan. Sabi nila, kelangan ko daw ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko para daw kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Ikwinento ko sa kanila kung gaano kasakit na makita kang may kaakbay ng iba. Kung gaano kasakit na makita kang may kaholding hands ng iba. Kung gaano kasakit makita kang may kahalikan kang iba. Kung gaano kasakit na makita kang meron ka ng ibang hinahatid-sundo. Kung gaano kasakit makitang ibang tao na ang nagpapasaya sa'yo. In fairness, totoo nga. Medyo lumuwag nga ang pakiramdam ko. Yun nga lang, lumuwag lang, hindi nawala.

8 Steps to Move on (One Shot)Where stories live. Discover now