Chapter 4: Who is Nathaniel Jin? <3

44 2 1
                                    

A/n: 

    Haha >:)) Wala akong magawa naun ee.. gagawin ko nalang to para ndi na mawala sa isip ko ung mga nasa isip ko ,, haha >:)) ENJOY! 

 ------------------------------------- > JIN ♥,♥ haha!

================================

    Pumasok ako sa room ng nakayuko. MINALAS ako lalo TToTT ang daya talaga ni daddy. Nagtinginan sakin yung mga kaklase ko pagpasok ko.

"Oh? Ba't ganyan chura mo? Nu nangyare sayo?" tanong ni Rina sakin.

"Mas minalas pa ata ako nung pumunta ako kay daddy eh TToTT." sagot ko nalang sa kanya.

"Eh? ba't? nu nangyare sayo?" tanong ni Claide.

Tumingin nalang ako kay ma'am para sabihin yung pinapasabe ni daddy. Hays! Kahit labag sa kalooban ko. Pag hindi ko 'to sinabe.. may parusa ako kay daddy.. hays! Last time, nung may di ako sinabi sa teacher namin na pinapasabe niya.. grounded ako ng 2 weeks. Yun lang yun ah. Hays! 

"Ma'am.. ano, pinapasabe ni daddy.. TToTT makakapartner ko daw si Jin sa pagiging director ng play na yun .. Waaaa! Ang sabe ko ayoko eh! Bigyan daw ba ako ng partner na makakasama ko sa pag di-direct ng play na yan?! Eh diba dapat isa lang ang director?!" tapos tumakbo ako sa upuan ko at hiniga yung ulo ko sa upuan ko. Haha! O.A. lang ee :DD

"Uyyyyyyyyyyy! Hahaha! " -classmates

"Ok class! tama na yan! Settled na ang lahat. And directors natin ay sina Jin At Athena.. kayong dalawa na ang bahala sa lahat.. ok? Then---"

Di na natuloy ni Ma'am yung sasabihin niya kasi bumukas yung pinto at pumasok sa loob yung principal namin para kausapin si Ma'am. Psh =_____=

"Ok class.. bago ako umalis at nang makapag-meeting na kayo about sa play na yon, meron akong ipapakilalang bagong classmate sa inyo. " -ano na naman ba 'to? bagong classmate na naman? psh..

"Ma'am! Lalaki nanaman ba?"- Emma

Grabe naman nga talaga tong mga tao dito.. amp >,<

"Ma'am gwapo nanaman ba?" tanong naman ni Ziela.

Hahaha! adik man tong mga to.. kaya ang saya nilang kasama eh. Puro sila kalokohan. haha!

"Tsk! Tanggalan natin na mukha tol.. matatalo na naman tayo. Nawalan na nga tayo ng mukha dahil kay Jin eh. Tsk, Wag na sanang dagdagan pa. " haha! natawa naman ako kay Paulo. Sumang-ayon naman sa kanya yung mga kaibigan niya.. haha!

"Ok class, quiet down now. Iho, pasok na." Psh =___= lalake na naman .. 

"OMO! LALAKE!" lol! parang gutom talaga sa lalaki tong mga babaeng to! Kala mo naman wala silang classmate na lalaki. 

Pagpasok nung guy.. naka-earphones siya. Tss. *=_____=* yan expression niya.. amp.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" mga babae.

"Ughhhh." mga lalake.

"Ok, please introduce yourself to the class." sabi nung teacher namen.

"Jarell Park." eh? yun na yun?

"Jarell?!" napatingin naman kami kay Jin. Ba't parang gulat tong taong to?

"O_O J-Jin?" ano to? Ba't parang may mali? Diba dapat babae at lalaki yung nasa scene? Parang nagkita uli yung mag-ex? Ay! ewan.. haha! Siya na nga magpaliwanag.

Jin's POV

Hello everyone! I'm Nathaniel Jin Lopez, Jin nalang. Uh, 16. Anu pa ba? Galing States. Uh, bumalik dito para kay Athena? Yeah! remember? yung una naming pagkikita? may sinabi ako. haha! Tsaka yung dun sa.. umiiyak siya sa likod ng school..

Hays! nung time na yun, parang gusto kong PATAYIN yung lalaking yun eh! Ang kapal ng mukha para lokohin niya lang si Athena. Hindi niya alam kung gano kahalaga si Athena. Hays!

*flashback (8 years ago)*

Kaming dalawa talaga ni Athena ang laging magkasama.. tuwing umiiyak siya ako yung laging kasama niya, haha! Lagi siyag nakabuntot sakin.. CRYBABY talaga yan eh. hanggang ngayon >:DD

Para kaming childhood sweethearts ^^ haha!

Pero one day, sabi sakin ng dad ko.. aalis na kami papuntang states. Ayoko talagang sumama kasi ayokong maiwang mag-isa dito si Athena. Pero wala akong magagawa. Bata palang ako nun at kahit anong gawin ko, sila pa rin ang masusunod.

Gabi nun ng birthday ni Athena, sabi sakin ng dad ko ..sabihin ko na daw sa kanya. Nag-uusap kami nun ni Athena, nagkwe-kwentuhan at naglalaro.. naisip ko na kailangan ko ng sabihin.

Pagkasabi ko sa kanya, umiyak siya. Pinilit niya kong wag sumama kasi daw mawawalan na siya ng kaibigan. Hays! syempre pinaliwanag ko na sa kanya lahat. Haha! Yung mga sinabi lang sakin ni daddy yung sinabi ko. Kasi wala naman talaga akong alam nun eh. haha!

Sabi ko nalang kay Athena, punta nalang siya sa airport sa araw pagkatapos ng birthday niya.

Araw na ng alis namin.. hinihintay ko siya. Ang tagal niyang dumating.Ibibigay ko sa kanya tong kwintas na sabi sakin ni daddy ibigay ko daw sa kanya. Para daw hindi niya ko makalimutan. Nga pala, tawag sakin ni Athena noon ay Najin. Haha!

Ilang minuto nalang at aalis na kami, pero wala pa ring Athena na dumating. Siguro.. hindi na siya darating. Tinawag na ko nila mommy, saktong pagtawag nila sakin,, may tumawag saking isang pamilyar na boses. Napangiti naman daw ako nun kasi alam ko kung kaninong boses yun.

Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Pinunasan ko din yung mga luha niya sa mata. Haha! Crybaby talaga. Sinuot ko sa kanya yung kwintas na binigay sakin ni papa para ibigay sa kanya. At sabi ko sa kanya, hintayin niya ako at baballikan ko siya. Pinky Promise.. haha!

*end of flashback*

Oh ngayon.. kilala niyo na ba kung sino ako? Kung hindi pa din.. bahala na kayo. haha!

Ako pala makakasama ni Athena diyan sa play-play na yun. hays! Pero ayus lang. Ah oo nga pala.. Yung daddy niya, alam yung tungkol dito. Sinabi niya sakin lahat tungkol sa mga nangyayari kay Athena kaya updated ako. Ano kaya no? Kung Di ko nalang siya iniwan dito? Hays!

Hmm.. Dapat nga hindi pa ako uuwi dito sa Pinas eh. Eh pinilit ko si mommy. Pero may deal kame.

syempre nikwento ko sa kanya lahat. Alam niya rin na hindi ako maalala ni Athena. Maybe oo, naaalala niya ako.. pero bilang si Najin at hindi si Nathaniel Jin o Jin.

Sabe nia.. pag sa loob daw ng 1 year di pa daw ako maalala ni Athena, babalik daw ako ng states at dun na uli mag-aaral. Tutulungan ko rin daw sila sa business nila . Pero pag daw maalala niya ako sa loob ng 1 year,, I can stay here for as long as I want!

So Athena! You better remember me ASAP! Cause I wanna stay here with YOU :))

==========================

HAHA! Sorry lang sa UD na 'to. 

Nag-update kahit alang kwenta. SOWS!

haha!

IKSI LANG :))

-elli ♥

The One I Love &lt;3  [Continue or Delete?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon