My POV :
Haha. Sensha na po kung intersecting lines ang title, at puro scientific o mathematical terms ang mga chapters. Engineering kase eh. Haha. Pero may connect naman yun. Promise. Ge enjoy the story
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><<>><><><><<><><>
>>> 6 : 45 A.M
" Anak, gumising kna? Oy, malalate kana " sigaw ni Mama.
" Opo ma, saglit lang 5 mins babangon na "
" Anong 5 minutes ? Aba sinuswerte ka. Quarter to 7 na kaya. "
" Eh ma, saglit lang. 5 mins lang. Mabilis lang naman ako kumilos "
" Bahala ka jan. Alam mo naman na hindi tayo mayaman, at sayang binabayad natin sa tuition mo tapos mag papalate ka lang "
" Ma, naman eh. "
" Unang araw ng klase mo ngayon. Pasalamat ka at nakakuha ka ng scholarship dahil mataas ang entrance exam mo tska grades mo nung 3rd year. Kamuntikan ka ng lumaglag. Kundi nako. Kangkungan labas mo "
" Opo na mama, babangon na po. I love you na eh. Sorry na "
( Eto lagi ang conve namin ng nanay ko sa tuwing late ako nagigising. O diba masaya? Haha. Pero kahit ganyan yan. Mahal ko yan. Haha. Intro na pala. Ako nga pala si John Salreal. Pang mayaman ang apelyido. Mahirap naman. Pero proud to be dukha 'to. Kahit na mahirap ako, mabait ako, minsan, depende, pwede. Ako'y pala'y nag aaral Perspective Academy. School ng mayayaman na at matatalino. Nakakapag aral ako dito kase sa tulong ng mga kamag anak, at isa pa, nakakuha ako ng 50 % scholarship dito kase nung 3rd year ko, mataas grades ko, tska mataas ang nakuha sa entrance exam. Mejo matalino diba? Kaso ang mahirap transferee ako at senior year ko pa. Kung diba naman hindi na nag offer ng scholarship yung dati kong school. At gusto ni mama na hanggat maari private school ako kasi mas mapapariwara ako sa public. 4th year high school na ako. Unang araw ng klase. Marami na akong nasabe. Kilalanin nyo nalang sa buong storya )
" Pa i love you ka pa jan. Bolero, Mag dasal ka muna at mag ligpit ng hinigaan. "
" Opo Ma "
" Tapos mag ayos kana at maligo, kumain at umalis. Unang araw ng klase ba naman late ka "
" Hindi yan ma. Kaya to. "
" Sige "
( nagdasal ) " Lord, Salamat, unang araw ko late ako. Nawa'y hindi po sana, at start na po ng 4th year ko. Graduating na. New school. Nawa'y may mangyaring bago sa buhay Senior ko. di bale. Mag aaral naman po ako mabuti. Salamat sa lahat ng blessings. Amen "
( nagligpit, nag ayos , at naligo )
>> Habang nasa kainan.
" Mama, teka lang po. Db po first day ng klase? Ibg sabihin. Orientation palang po namin. Edi ang pasok po is 8 diba po "
" Ay. Oo nga pala. Sorry anak. ginising kita ng maaga. Diko nabasa sa announcement na ibinigay "
" Okay lang yun Mama "
( Kumain lang kame ni mama. dahil hindi kame sanay ng nag uusap habang kumakain ng biglang )
* beep * *beep *
" Mama, si tatay nanjan. Bakit kaya ? "
( ang tatay ko ay isang driver ng van. Lagi siyang naalis ng umaga at nauwi ay mag hahatinggabi na sa kakanda kayod sa trabaho. Hindi na nga siya nauwe upang mamahinga ng onti, kumain at iba pa. Kaya proud to be na may ganito akong tatay. Ngunit, bakit kaya napabalik siya ? " )
" O itay, bakit po kayo napabalik ? "
" Ah eh kase anak. Gusto kitang ihatid sa bago mong school "
" Tay. Nagjojoke ka po ba ? "
" Hindi anak, Seryoso ako. Bakit ? "
" Tay. 4th year na po ako. Haha, Hindi na po ako elementary na pag lumipat ng school, ihahatid nyo po ako kase takot po kayong maligaw kayo "
" Joke lang anak. Alam ko naman yun eh. "
" Hay. Kala ko naman totoo eh. Haha. Nga po pala tay, bakit ka po napauwe ? "
" Ah. Eh kase, yung pasahero ko kagabe. yung naiwan sa van ko yung cellphone niya. Binalik ko kaninang umaga . Iuuwi ko sana tong mga prutas na bngay nya bilang pasasalamat. Tas alam mo ba ang good news. "
" Sus. tay. Pabitin pa. "
" Teka teka , Javier, John, sali naman ako, Parang wala ako dito ah. tong mag amang to, Mag ama talaga, pag buhulin ko kayo jan eh "
" Sorry naman. di lang kita nakiss eh nagtatampo "
" Nako naman tay, nay, ngayon pa po ba tayo magtatalo "
" eto naman anak. Parang di ka nasanay samin ng tatay nyo "
" O sya sya sge sge. Ano na pong balita itay ? "
" Naalala mo yung kagabe. Dun sa nakaiwan ng cellphone ? "
" Opo. Tay. Bakit? "
" Nagpasalamat siya, tapos, yung cellphone niya, bngay ba naman sakin? nakabili na kase siya ng cellphone nung akala niya nawala at nadukot. "
" nako tay. Napaka yaman naman nun tay. Dpat, nanghingi ka pa ng kapalit "
" Nak. Marangal ang tatay mo. Di naman ako mapagsamantala sa ganun. Magpasalamat ka sa Diyos at kahit hirap tayo eh nabubuhay tayong maayos dahil marangal tayo "
" Opo naman itay. Manenermon pa. Joke lang po. "
" Puro ka joke eh. tapos eto pa, nag offer sakin ung pasahero. Gusto niya maging personal driver ko siya actually family driver. Malaki sweldo na inoffer niya. "
" Talaga tay? Weh? Di nga ? "
" Oo nga nak. At pinagpapahinga nya na ako ngayon kase sabe niya may lakad daw siya bukas. Appointment ba yun? Oo tama. Businessman siya eh. May meeting siya bukas, at ihahatid ko raw sya "
" Naku naman tay. Eto naba ang simula ng bagong buhay "
" Naman nak. Siyempre, lahat ng suweldo ko, hahatiin natin ang iba sa pag aaral mo para makapag kolehiyo ka "
" Salamat Tay " ( Lord, salamat po , ang bilis ng prayer ko mangyari ah. thanks po talaga )
" O sya tay. Una nako. At may pasok pa ako "
" sige anak, magpapahinga lang ako dito. Mejo kailangan ko rin ng pahinga ngayon "
" Sige po Tay. Ma. Alis na po ako "
" Sige anak "
( Yun. May maganda ng trabaho si itay. Hay. Ang bait talaga ni Lord, tska nung pasahero niya. Buti nalang at 7 30 palang, walking distance lang ang school, edi mejo ndi hassle. Kya eto, bumili lang ng tinapay, at 5 pesos na hot chocolate na parang vendo machine sa may bakery at nag aalmusal habang kumakain. Nakatingin sa cellphone ng mga messages ng dati kong classmate ng may nangyaring di inaasahan )
* BOOM *
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Ano kaya nangyari sa kanya? Boom? May sumabog? Abangan ang susunod na chapter. Comment pag may ndi naintindhan. At feel free po sa criticisms at tska comments
" KNOW THE COORDINATES AND LINES : LINE 2 "
ČTEŠ
Intersecting Lines ( Ongoing )
TeenfikceAno to Math? Lesson ? Haha. Ano nga ba yung intersecting lines? Lines that meet at exactly one point. Pero kung hindi to tungkol Math ? Para san to. ? Sa kwento ng isang tao. Ako rin sumagot ng tanung ko. Lines that meet at exactly one point.? Sa k...
