Mickey and China.
Away-bati.
Magkapatid "daw". Pero alam nilang hindi. Not-by-blood, definitely.
Anak ni Sienna si Mickey habang anak ni Matthew si China.
Nang maging mag-asawa sina Matthew at Sienna, without any choice, naging magkapatid si...
Pinitik ni Mickey ang daliri sa tapat ng mukha nito.
"Hey!" angal ni China.
"Ang sungit mo. Ang layo ng tingin mo, Chin. What are you thinking?"
"Do you really want to know?" hamon niya dito.
"I'm asking you."
"Hindi kita sasagutin. Hindi ka naman maniniwala."
"Come on, China. Try me."
"Ask me again."
Nahampas ni Mickey ang mesa. "Niloloko mo ba ako?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "In the first place, nanahimik ako. Ikaw itong lumapit sa akin. Bakit curious ka kung ano ang nasa isip ko?"
"I'm not curious," defensive na sagot nito sa kanya. "I'm just asking. Okay, as you wish uulitin ko ang tanong. What are you thinking?"
Seryosong tumingin siya kay Mickey. "Sex."
"Sex?!"
Umismid siya. "Ang OA mo, Mickey. Mukha kang nakalulon ng isang buong langka."
Dumukwang ito na para bang gustong basahin sa lahat ng skin pores niya ang katotohanan sa sinabi niya. "So, tama ang narinig ko? You're thinking about sex?"
"I'm past minor, Mickey. What's wrong about that? Yes, I'm thinking about sex. S-E-X. Sex!" she said with emphasis.
Napalunok si Mickey. Bumalik ito sa kinauupuan. "May I ask why?"
"But why?"
"Now, I am curious," seryosong sabi nito.
"Nakaka-curious ba iyon? Babae man o lalaki, nag-iisip ng ganoong bagay. You read FHM and Playboy. I read Cosmopolitan. Patas lang."
"I see. So, dahil sa kababasa mo ng Cosmo, nag-iisip ka na rin ng tungkol sa sex." Tila na-relax ang tensyonadong itsura ni Mickey.
"Maybe yes, maybe no. But reading it lately makes me think about sex even more."
Tumayo si Mickey at kumuha ng tubig sa ref. "Gusto mo ng tubig?" alok nito sa kanya.
"Nakakauhaw ba ang usapan?" natatawang tanong niya. "But yes, please. Iyong lemon-water ang gusto ko."
Kinuha nito ang isang partikular na water bottle. Ipinagsalin pa siya nito sa baso at ibinaba iyon sa harap niya.
"Thanks. This is so sweet of you," aniya. Napangalahati niya ang laman ng baso bago iyon binitiwan.
"Kahit naman paminsan-minsan, sweet ako sa iyo, ah."
"Mas madalas tayong magkaaway, Mickey."
"May boyfriend ka na ba, Chin?" sa halip ay tanong nito.
"Alam mong wala. Kahit kailan, hindi pa nagkaroon."
"But you are thinking about sex," tila nagugulumihanan na sabi nito.
Umarko ang kilay niya. "Pag walang boyfriend, hindi puwedeng mag-isip ng tungkol sa sex? Nasaan ang hustisya doon?"
"So, you are really thinking about sex?"
"Yes! Masama ba?"
Peke ang ubong lumabas sa lalamunan n Mickey. "Bakit?"
"Neknek mo. Anong bakit ka riyan? Sa pinag-iisipan ko siya. Ikaw nga, alam kong iyan ang laman ng isip mo."
"At paano mo naman nalaman?"
"Ganyan kayong mga lalaki. Always."
"Normal lang sa amin iyon," kaswal na sagot nito.
"You mean to say, kapag babae ang nag-iisip ng tungkol sa sex, hindi normal?"
"For a no-boyfriend-since-birth like you, nakakapanibago."
"Grabe ka, Mickey. Lately, I've been thinking about it. A lot, mind you."
"Diyan sa "a lot" na sinasabi mo na iyan, alin ang partikular na iniisip mo?" Nagsalin ito ng tubig sa sariling baso at uminom.
"The action itself, Mickey. Please tell me honestly. Masarap bang makipag-sex?"
Literal na naibuga ni Mickey ang tubig na nasa bibig nito.
********
This story is long overdue. Hopefully maisulat na ito sa lalong madaling panahon.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.