III : Rise of the body snatchers

Start from the beginning
                                    


"M-may gustong ipahabilin si Papa sa'yo. May gusto rin siyang ipatangong tungkol sa resulta ibang bangkay na nandiyan." Aligagang sambit ni Raze dahilan para mas lalo pang maguluhan ang pulis.


"Sinong bangkay? Yun bang sa 404 case o domestic case?" Tanong pa ng medical examiner kaya naman lalo maging sina Harper at Raze ay naguluhan at nagsisimula naring mataranta lalo pa't hindi na nila alam anong isasagot.


"Just get your ass out of there and let's talk about the results sa parking lot! My boss wants the result pronto and below the table so if you have any respect on the chief of police, you would comply with no questions asked and bring the damn folders to the car!" Biglang pagwawala ni Harper dahilan para mapapitlag ang medical examiner dahil sa gulat.


"P-pasensya na po, siya kasi ang secretary ni Papa kaya nasasalo niya ang lahat ng galit." Sabi na lamang ni Raze, "S-si papa, tama! Nasa labas po si Papa at hinihintay kayo." Dagdag pa ni Raze sabay tango-tango nang makaisip ng isa pang palusot.


"Teka? Nasa labas si Chief Razon? Tara na, nakakahiyang paghintayin yon!" Tarantang bulalas ng doktor at dali-daling bumalik sa loob ng morgue papunta sa kanyang maliit na opisina. Dali-dali niyang kinuha ang isang kahon na puno ng mga folder at nagtungo sa parking lot kasama ang dalawa. Nang akmang ila-lock na ng doktor ang pinto ay dali-dali siyang pinigilan ni Harper.


"Please po bilisan na natin! Wala sa mood ngayon si Chief Razon!" Giit ni Harper at sapilitan itong hinila palayo.


"Uto-uto much?" Mahinang sambit ni Mira nang tuluyang makaalis ang tatlo at silang dalawa na lamang ang matira sa pasilyo.


"Nagpapalakas yon kasi gustong magpolitiko." Giit ni Churchill at siya na mismo ang naunang pumasok sa morgue. Agad na tumambad sa kanilang dalawa ni Mira ang mahigit sa sampung mga mesang metal kung saan nakapatong ang iba't-ibang mga bangkay na natatakpan pa ng tela.


"Shit! Where's Dana?!" Bulalas na lamang ni Churchill sa sobrang dismaya.


"For a smart jejemon, you're pretty stupid! Malamang kailangan nating tingnan isa-isa! Bilis bago pa man sila makabalik!" Tarantang sambit ni Mira at siya na mismo ang naunang sumilip sa mukha ng mga bangkay.


Makaraan ang ilang sandali ay nahanap ni Churchill ang bangkay ng isang babaeng may hawig kay Dana. Upang makasigurado, dali-dali niyang tinanggal ang telang nakatakip rito at nang makita ang suot nitong pink pajama na may disensyo ng Mortal Kombat, laking tuwa niya dahil sigurado na siyang ito nga ang kaibigan.


"Nahanap ko na siya!" Bulalas ni Churchill at dali-daling sinubukang kargahin ang bangkay ni Dana.


"Churchill sandali—" Walang magawa si Mira kundi mapasigaw nang matumba si Churchill sa sahig at mabitawan ang bangkay ni Dana dahilan para bumagsak ito sa sahig habang una ang mukha. Nagsisigawaan man, pilit nilang hinihinaan ang kanilang mga boses.


"You idiot! Rigor Mortis kicked in! She's a lot heavier than before!" Tarantang sigaw ni Mira at dali-daling napatakbo patungo sa direksyon ng bangkay ni Dana.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now