III : Rise of the body snatchers

Start from the beginning
                                    


Napatingin si Cielo sa guwardya at maging ito'y gulat na gulat din.


Napabuntong hininga si Axel nang ilang sandaling nanahimik ang guwardya, "Manong hindi kami masasamang tao at mas lalong hindi ka masamang tao kung tutulungan mo kami. 'Tong kikitain mo, pandagdag narin to sa pang araw-araw."


"Gawin mong sampung libo. Iipit mo lang ang bayad sa ilalim ng lalagyan ng donut na nasa mesa at 'wag na wag kang magpapahalata." Pasimpleng sambit ng guardyang nakatayo lamang ng normal habang hawak parin ang kanyang baso ng kape. Pasimpleng napatingin ang guwardya sa direksyon ng CCTV Camera na nakatitig sa direksyon nila bagay na agad namang naintindihan nina Axel at Cielo.


"Grabe ka manong..." Mahinang sambit ni Cielo na hindi halos makapaniwala rito.


"Ayokong mawalan ng trabaho kaya suntukin mo ako, magpapanggap akong walang malay. Lapitan mo yung control panel at ibaba mo yung maliit na planka. Hindi tayo nagkita, hindi tayo nag-usap. Pero oras na wala ang labin-limang libo, magsasalita ako." Ma-otoridad na sambit nito kaya hindi na nag-atubili pa si Axel at agad niya itong sinuntok sa mukha dahilan para matumba ang guwardya sa sahig at matapon ang kanyang kape.


"What the...." Napasinghap si Cielo lalo na nang makitang nagtutulog-tulugan na ang guwardya sa sahig.


"Tawagan mo na sila." Sambit ni Axel at dali-daling nilapitan ang control panel.


****


Nang makatanggap ng senyales mula kay Cielo, pasimpleng napatayo sina Axel at Harper mula sa kinauupuan dahilan para maiwan rito sina Mira at Churchill na halatang labis ang kaba.


"Hide your faces." Utos ni Raze dahilan para magkatinginan sina Mira at Churchill. Naguguluhan man, napatakip na lamang si Churchill sa kanyang mukha samantalang si Mira naman ay napaharap sa dingding.


"Be subtle! 'Wag yung mukha kayong tanga!" Giit ni Harper dahilan para agad na mapatingin sa kanya ang nanlilisik na mga mata ng dalawa.


"Guys sige na, para kay Dana." Maotoridad na sambit ni Raze kaya naiinis man, napahiga na lamang si Mira sa mga nakalinyang upuan habang nakaharap sa dingding, samantalang si Churchill naman ay isinuot na lamang ang kanyang hoodie at nagtulog-tulugan rin gaya ni Mira.


"Okay na ba 'to?!" Sarkastikong tanong ng dalawa habang pikit-mata.


"Just hide your faces when the M.E passes by." Sambit na lamang ni Harper at kapwa na sila nagtungo ni Raze sa pintong patungo sa morgue.


Matapos kumatok ay agad silang pinagbuksan ng isang medical examiner na nakasuot na ng kanyang face mask at hawak na ang isang scalpel na may bahid ng dugo bagay na labis ikinatakot nina Raze at Harper.


"S-sinimulan mo na ba ang autopsy kay Diana Flavier?" Tila ba wala sa sariling sambit ni Harper kasabay ng pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.


Kunot-noong ibinaba ng doktor ang takip sa kanyang bibig, "Sa kanya na ang susunod. Bakit?" Naguguluhang sambit ng medical examiner at agad na napatingin kay Raze na nakikila niya bilang ang anak ng respetadong hepe ng kapulisan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now