isa isang pinakilala ni kuyang pogi yung mga kasama niya at grabe dudugo ata ang ilong ko dahil lahat sila gwapo ako lang ang panget dito gusto ko ng lumabas kaya lang hindi ko masabi kay kuyang pogi , hindi naman sa nao-o.p ako kasi kinakausap nila ako napa friendly nila actually kaya lang the fact na ako lang ang babae dito at lahat sila gwapo hindi ko kinakaya, masaya silang kasama ang gulo nila
at nalaman ko din na ako lang talaga ang babaeng nakasama nila ng ganito kasi daw ayaw nila sa mga babae sa totoo lang pero they make an exemption sakin kasi daw sabi ni kuyang pogi eh iba daw ako at hindi ko alam panong iba? kasi bago pa matuloy ni Kelvin ba ang name neto ay kuya tisoy nalang ang puti eh , yung sasabihin niya binato siya ng book ni kuyang pogi haha ang kulet :))
kaya daw ayaw nila sa mga girls kasi , usually daw yung mga babae na lumalapit sa kanila is gusto lang nila na sumikat sikat kasi sina kuyang pogi sa school diba sabi ko na sa inyo? , yung iba daw kasi gwapo sila, nagtawanan pa nga sila nung sinabi yon sabi nung kuyang badboy ang dating Reed o Reid ang name basta " wow pre gwapo ba kayo ako lang ata?!" ang yabang pero may ipagyayabang haha gwapo lahat sila actually , inshort lahat sila may mga naexpirience na ginamit lang sila ....
after naming magkwentuhan eh napag-isipan nanaming lumabas at dahil lahat sila lalaki at matanda sakin sibi nila kuya daw ang tawag ko sa kanila or pwede ding by name kung saan ako komportable at nagpustahan pa sila kung sino ang unang makaalam ng name ko diba nga hindi ko sinasabi ang name ko ? haha in the mean time ang tawag nila sakin sue (~^.^~) naalala ko si sunako nakahara kasi puro gwapo kasama niya kaya sabi ko sue nalang muna tawag nila sakin ang kulet haha ayoko ng mga naisip nila eh, gusto nila baby kasi ako daw ang pinaka bata , yung isa sis o kaya sissy kaya lang lahat sila nag disagree nakakabakla daw at kung ano ano pa ang naisip nila.
nung nasa baggage counter na kami lahat sila tinitignan yung crush ko hindi ko alam bakit?!
" asan yung crush ni sue , bilang kuya dapat makilala namin " si kuya tisoy
hala bat alam nila?!
tinignan ko agad si kuyang pogi ayon siya naka smile lang naku nakaka hiya :(
nagtago lang ako sa likod nilang lahat tapos si kuyang badboy binitbit ba naman ako sa harap at sinabing
" mas gwapo pa kami sa kanya eh" hala ang yabang talaga niya pero nakakahiya hayyy , yung librarian poker face padin!
nanahimik nalang ko kasi ang kulet nila at hindi ako mananalo for sure si kuyang pogi makikita niya mamaya uupakan ko siya!
nagelevator kami buti nga kasya kami eh pero nakakatuwa lang kasi sila siksikan ako may maluwang na pwesto hindi daw sa ayaw nila akong katabi kaya lang babae padin daw ako kaya dapat igalang haha
maaga pa kaya nag aya silang kumain muna sa labas sa totoo lang gusto kong sumama kaya lang wala nga akong pera diba?!
at mukhang naalala ni kuyang pogi na wala akong pera kaya sinabi niya libre daw niya ko pero next time ako naman ang manlilibre ayoko na sana kasi sobrang nakakahiya na pero mapipilit sila :))
at ang kinaloka ko is lahat sila may sasakyan si kuyang pogi meron din anim sila lahat pang pito si kuyang pogi ang name nila
Ivan Dale Soriano aka kuyang tahimik
Ezikiel Niev Chua aka kuyang singkit
Paul Justin Rivera aka kuya nate haha ang kulet ng name no kasi ka boses niya si nate ruess ng Fun
Reid Christopher Smith aka kuyang badboy
Kelvin Pier Reyes aka kuya tisoy
Odylonne Jeriel Garcia aka kuyang masungit!
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 14
Start from the beginning
