"Sharah, parang lagi ka atang wala sa bahay ngayon ah. San ka ba nagpupunta?"
Hay, ang sarap talaga ng tulog ko. Ang saya lang syempre. Ikaw na makasama si crush. ^_^
"Sharah...", ulit na naman ni Rei sa pagtawag sakin.
"H-Ha? Lolo, anu yun?"
"Wala ka sa sarili mo. Ano bang iniisip mo ha?", tanong ni Rei habang tinitiklop ang binabasa niyang dyaryo. Nagaalmusal kami non at halos di ko na magalaw ang kinakain ko sa sobrang kahibangan.
"Ha? Wala po. K-kain na po kayo.",tsaka ako kumagat sa isang sandwich.
"Sige, babaguhin ko ang tanong ko. Sino ba ang iniisip mo?", tanong na naman ni Rei tsaka siya uminom sa kape niya.
"Lolo naman, kailangan pa ba talagang tanungin yan?"
"Well, if you will just answer the question eh di natatapos na tayo."
"Lolo, daig niyo pa reporter sa pagtatanong. Aalis na po muna ako.", pagpapaalam ko sabay halik sa pisngi ng aking lolo.
"Okay, take care of yourself Sharah."
"I will."
Tsaka ako tumakbo palabas ng bahay. Excited na naman po ako. It's a Monday morning, at heto ako papunta kina Ezekiel for the third move. Next step?
Go to the extra mile.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"You're here finally! Kanina pa kita hinihintay. Ambagal mo naman."
"Teka wala ka bang pasok Erin?"
"Meron.", isang matipid na sagot lang ang binigay niya saken. Hindi na ko nagtanong pa. Dumiretso na siya sa loob ng bahay nila at sumunod naman ako.
"Erin, what are we gonna do next?"
Nasa sala kami non at nakaupo.
"Well, go to the extra mile."
"What's that? Anong dapat kong gawin?"
"Well, think of something that will make him happy. Uhm, a gift maybe? But make sure that you will give a lot of effort to it."
Sabi ni Erin habang nagtatype sa laptop niya.
"I don't understand. How-"
"Sharah, take your time. Wag kang magmadali. Mag isip kang mabuti kung ano talagang gusto mong ibigay sa kanya. Well, I gotta go now."
"Wait Erin! Saan ka pupunta?"
"Papasok. Want to come?"
"Well, I'm just thinking, mahilig ba siya sa chocolates?"
"You bet! Parang langgam yun eh. Bakit mo natanong?"
"I think I know now what to give him."
Pagkagaling kina Erin, tumuloy na ko sa isang Chocolate House. Namili ako ng lahat ng kakailanganin ko sa paggawa ng chocolate. Then, I went back home.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I started my stuff. FYI, wala talaga kong kaalam alam sa ganitong bagay. Okay, inaamin ko. Wala din akong tiwala sa sarili ko kung magagawa ko ba talaga toh. Bahala na, effort lang pala kailangan eh. Marami ako non. ^_^
After 3 hours...
Nakakaanim pa lang akong chocolate pero ilang oras na kong nandito. Tinikman ko yung isa at PROMISE, hindi titikman ni Ezekiel toh. Ang panget ng lasa!
YOU ARE READING
You Belong With Me
RomanceWho will you choose? The one that you love or the one that you're destined to love?
