I'm Sorry ^^

398 6 2
                                        

Dinala ko ni Ezekiel sa isang mall. Buti na lang, hindi mukhang pambahay yung suot ko.

"Gusto mong kumaen? Come on, libre kita.", hindi na naman ako nakahindi kasi hinila niya na lang ako bigla sa isang restaurant. Tapos habang naglalakad kami, nakakita ako ng isang cotton candy stall. 

"Wait! Gusto ko yun!", this time, ako naman yung humila sa kanya.

"Ayokong kumain. Etho gusto ko. Please!"

Aba, nilibre niya nga ako. Syempre dapat lang kasi wala akong dalang pera ee. :))

Tapos non, kung saan saan na kami nagpunta. Halos lahat ng stall pinasukan namin kahit wala naman kaming bibilin. Hindi ko alam, parang bigla na lang naging close kami. Alam mu yun?  Tapos kung anu anung kinain namin. HAHAHA! Ang saya talaga. Hay, kahit nakakapagod, masaya padin ako. :)) DATE ba tawag dito? HAHAAHAH!

Umupo kami sa isang bench sa loob ng mall. Kumakain naman ako nun ng ice cream ng mapansin kong nakatitig siya saken. Syempre, nahiya naman ako. 

"Bakit?", then he brushed something away from my face.

"May ice cream ka o."

Wuu! Nagblush ata ako, basta ang alam ko, nag init yung pisngi ko. XD hahaha!

"Thanks."

"Wait here."

"T-teka!"

Pipigilan ko sana siya kaso sinenyasan niya na lang ako na maghintay sa kinauupuan ko.

5 minutes... 10 minutres.... I looked at my watch, it's almost 5pm. Asan na ba si Ezekiel? Napatayo na ko kasi natatakot na talaga ko. Wala akong dalang pera. Pano ako makakauwi?

"Ezekiel where are you?", bulong ko sa sarili ko.

"Sharah."

Lumingon ako sa lugar kung saan nanggaling yung boses. I know that voice... 

"Ezekiel...", I saw him standing a few meters away from me... and he is holding a stuffy toy, kasing laki nung aken sa bahay, at may nakadesign pa na 'I'm sorry'.

Naglakad siya palapit saken and this time, hindi na ko makaatras pa o makagalaw. And when he was right there in front of me,...

"I'm sorry for what I did last night Sharah. Peace na tayo?"

Oh God, is this the man that I'm going to love for the rest of my life? If he is, then I would love to!

Wala sa isip ko, bigla ko siyang nayakap. Tapos ilang seconds lang, bigla ko din siyang pinakawalan. I heard him laughing and without saying any word, alam kong napatawad ko na siya. Ay mali, alam ko naman talagang hindi ako nagalit sa kanya. kasi.... hindi ko kaya.... <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nasa labas kami ng gate namen at nagpapaalam sa isa't isa ng magring ang cell phone niya. Napansin kong biglang nagbago ang expression niya at alam kong may problema.

"May problema ba?"

"Hmm.. Wala naman masyado. I need to go. Babalik pa kong school."

"School? Sama ko!"

"Ha?"

Nagulat din ako nung magprisinta pa kong sumama sa kanya sa school Ayoko pa kasing humiwalay sa kanya ee. Pero di din siya nakapalag. Hay, ambaet talaga ni Ezekiel. :)).

You Belong With MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant