Chapter 23

8.8K 208 12
                                    


Chapter 23

Like a Princess

Napadilat ako nang may magbuhos sa akin ng malamig na tubig... No. This isn't water. It's an alcohol. Agad na kumalat sa buong katawan ko ang malamig na alak. Nakadilat na ako pero wala pa rin akong makita. Puro dilim. Iyon pala ay may takip ang aking mga mata.

Ginalaw ko ang aking mga kamay at nalamang nakatali rin iyon. Nakaupo ako at nakasandal sa malamig na dingding at naririnig ko ang iba't ibang klase ng ingay ng mga babae sa paligid ko.

Bumaba ang malamig na alak mula sa aking ulo papunta sa aking bibig. Nalasahan ko iyon.

"Babae 'yan ni Jin Ichijo. Malaki ang magiging halaga niyan," sabi ng isang lalaki.

"Huli natin 'yang ipapakita sa auction..."

Auction? Fuck!

Sinubukan kong tumayo pero nahilo ako at bumagsak ulit sa aking kinauupuan. Siguro dahil sa pagpukpok sa aking ulo when they kidnapped me.

"Nasaan ako? Why did you kidnap me?!" I screamed.

Kasabay nang pagsigaw ko ay ang mga iyak at sigaw din ng mga babae sa paligid. What the hell?

Sinubukan ko ulit tumayo at kalasin ang pagkakatali sa mga kamay ko pero sobrang higpit noon. Gusto kong tanggalin ang pagkakapiring sa akin para makita ang nasa paligid ko dahil sobrang ingay ngunit hindi ko kaya. Nasa likod ko ang magkabilang kamay at mahirap iyon igalaw.

Hindi sila sumagot. I heard them heaved out a sigh.

"Turukan mo nga ng drugs ang lahat ng babae rito. Ang ingay. Para tumahimik sila. Malapit nang magsimula ang auction. Hindi natin sila pwedeng ibenta nang maingay at nagwawala."

I shivered because what I heard. Drugs. Ibebenta. Auction. Shit!

The cold alcohol was dripping on the floor from my body. I tried to ask them again why they kidnapped me but it's fucking obvious why I'm here! Babae ako ni Jin Ichijo at dahil doon, malaki ang halaga ko at ibebenta nila ako sa mga mayayamang tao! And I will be a slave for the rest of my life!

Naalala ko iyong pumunta kami ni Jin sa underground auction at kung anu-anong klaseng bagay ang mga binebenta nila. Iyong mga babaeng nakita kong walang awang binebenta... Hindi ko inakala na balang araw ay magagaya ako sakanila!

"Fuck! Can you take this blindfold away?!" sigaw ko at napansing humihina na ang ingay sa paligid.

Nakarinig ako ng iilang hiyaw at ungol sa mga babae. Lahat ng mga balahibo ko sa katawan ay tumayo. I don't know what's happening around me and it scaring the shit out of me!

I tried to get away from this scary place kahit na nakapiring ang mga mata ko at nakatali ang aking mga kamay. Tumakbo ako at natalisod bigla dahil may isang katawan akong natapakan. Napasinghap ako at kasabay ng pagkahiga ko ay ang paghiyaw ng babae sa sakit.

"Aray! Ang sakit!" sigaw niya.

Namilipit ako sa sakit dahil tumama ang braso ko nang mapahiga ako sa sahig.

"Turukan mo na rin ng drugs 'yang babae ni Jin."

"Hindi ako babae ni Jin!" sabi ko kahit wala akong alam kung nasaang banda sila.

"Tss... Paano mo nasabing hindi ka babae ng Ichijo na iyon?"

Hindi ako nakasagot. I was panting really hard but I still tried to get up on my feet.

"We did our research, miss. We know you are one of his women. Problema ang mga Ichijo na iyon dahil palagi na lang silang nanggugulo sa mga auctions. Palaging kumukuha ng mga items at walang pagdadalawang isip na pumatay ng tao. Marami na siyang napatay na kasamahan namin. Marami na ring ayaw pumunta sa business namin dahil sa kanila. Kapag hinarap ka namin ngayon sa mga mayayamang tao lalo na sa ibang mga mafias at sinabing babae ka ni Jin Ichijo, mag-uunahan silang bilhin ka. Kaya pag-iisipan naming mabuti kung magkano ang halaga mo."

Touch Me AnywhereOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz