Prolouge

8K 115 3
                                    





"I said I am pregnant!" Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ang isang babaeng baliw na hindi ko kilala. "Look Miss, bata pa ko okay? Hindi kita matutulungang sustentuhan yang anak mo. Isa pa, mas mabuting hanapin mo nalang yang tatay niyan. Tapos kunin mo nalang akong ninong." Nakangiting sabi ko sa kanya at tumalikod muli.

"Ikaw ang ama ng dinadala ko." Natigilan ako sa paglalakad. Hinarap ko ulit siya. Ang seryoso ng tingin niya. Pero yung itsura niya ay parang babaeng nambibiktima. Alam niyo ba yun? Yung basta nalang manghaharang ng kung sino tapos sasabihin na kaniya yung dinadala niya. "Miss kung ayaw mong sa kulungan manganak, mabuti pang tigilan mo na ko. Hindi lang ito ang unang beses na may lumapit saking babae tulad mo, okay?"

Matapos ang araw na yun ay hindi na ulit ako ginulo ng babae. Sabi sa inyo eh. Babaeng nambibiktima lang talaga yun. At isa pa, wala naman akong natatandaang nagawan ko ng ganun no. Maingat tong isang to.

Hanggang sa makalipas ang ilang buwan, nung umagang yun, dun na ata nagbago ang buhay ko.

"Ser! May padala ho kayo!" Sigaw ng katulong namin habang kumakatok sa pinto ko. Binuksan ko yun at nakita ko ang hawak niyang box. Kumunot naman ang noo ko. "Kanino daw galing?" Kinuha ko yung box. Wow, medyo mabigat. "Wala pong nakalagay eh. Nakita ko lang po sa labas ng pento." Mas lalong kumunot ang noo ko."Okay. Thanks."

Isasara ko na sana ang pinto pero nakita kong nakatayo pa din siya doon. "Um, may kailangan ka pa yaya mels?" Para naman siyang natauhan at umiling ng ilang beses. "No ser. Ales na po ako. Hehe." Tapos umalis na nga siya. Naiiling na pumasok nalang ako sa loob.

Ipinatong ko ang box sa kama ko. Kumuha ako ng gunting at tinusok ang gitna nung box para mabuksan ko.

P-pero..

"Uwaaa. Uwaaa!" Nanalaki agad ang mata ko at napalayo ako sa box. What the hell?! Ano yun?! "Uwaaa! Uwaaaa!" I-is that a baby's cry? Lumapit ulit ako sa box at dahan dahan kong inalis yung pinaka-tape.

"Please don't tell me there's a baby inside." Bulong ko habang nakapikit at unti unting binubuksan ang box. Kinakabahan ako. Baka prank lang to. O baka naman may baby talaga tapos natusok ko ng gunting. Shit. Hindi ko maaatim na nakapatay ako ng bata.

Nabuksan ko na ang box at ngayon ay kailangan ko nalang mumulat. "Kaya mo yan. Kahit anong mangyari, wag na wag kang sisigaw. Okay, hoo! Let's do this."

Humarap ako sa box at iminulat ang mata ko.

"AAAAAHHHH!"

SINGLE DAD

Single Dad (Kiefly Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon