IHP 6

28.7K 1K 4
                                    

IHP 6


"Maddisson... Gumising ka muna... kaylangan mong kumain." 

Nagising ako sa marahang pag himas ni Austin sa pisngi ko. Hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako sa pag-aantay dito. Tinignan ko siya at mayroon siyang hawak hawak na tray na may lamang pagkain. Umupo siya sa gilid ng kama. 

Hinatak ko yung comforter at sumandal sa head board. Naiilang talaga ako sa kanya! Lalo na sa mga titig nitong nakaka lunod. Matiim lamang itong naka titig sa akin na parang tinitimbang ako.

Lumunok ako. "Pasensya na, hindi ko namalayang naka tulog pala ako..."

Umiling ito saka bumuntong hininga. "Ayos lang iyon, Maddisson. Kumain ka muna tapos ay ihahatid na kita pauwi sa inyo." malalim ang boses nitong sabi.

Kinagat ko ang labi ko saka tumango. "Sige..."

Pinatong niya iyung tray sa kandunga ko, may laman iyong pasta, chicken soup, tsaka banana juice. Sinimulan ko nang kainin iyon at hindi ko mapigilang hindi mamangha. Talagang masarap siyang mag luto at hindi ko iyon ipagkakaila. 

"Ikaw? Kumain ka na ba?"

Tanong ko para mabawasan ang pagkailang ko. Tumango siya at mas lalong lumapit saakin. Hinawakan niya yung pisngi ko at hinaplos iyon ng likod ng palad niya. Napayuko naman ako. Ano bang ginagawa niya?

"You really are beautiful, Maddisson..." he said nonchalantly.

Napakagat ako sa labi ko saka nahihiyang ngumiti. Bat ba niya ginagawa ito saakin? Naguguluhan ako. He held my chin and hastily stole a peck on my lips. Nagulat ako sa ginawa niya. Ngumiti lamang ito saka tumayo.

"Mag bihis ka na, I'll take you home..." napatango na lamang ako.

Bumuga ako ng hininga ng tuluyan na siyang lumabas. Napailing na lamang ako at pumunta sa walk in closet. Kumuha ako ng black silk high waisted shorts at white v-neck shirt. Tinali ko ang buhok ko at nag-suot na din ng tsinelas. Tinitigan ko ang mukha ko at parang may nag-iba dito hindi ko lang malaman kung ano. 

Napailing na lamang ako at bumaba na. Nanduon siya sa sala, nagaantay saakin. Nang nasa may kalahati pa lamang ako ng hagdan ay napatingin na ito sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya napayuko ako. 

I don't really understand myself. I'm usually a confident person pero sa harapan ni Austin ay tila nagiging isa akong maamong pusa na mahiyain. Napailing na lamang ako. Nagulat ako ng may dumausdos na kamay sa bewang ko. Hinapit ako ni Austin papalapit sa kanya.

"Let's go?" tanong nito sa akin.

Tumango ako. "Hmm..."

Nag lakad kame palabas at sumakay na kame sa kotse niya. Binuhay niya ang makina nito saka mabilis na pinaharurot ito. Nagulat nalang ako ng makarating na kame sa mansyon namin ng hindi niya manlang tinatanong ang direksyon kung saan papunta. Pinagbuksan kame ng gate ni manong guard at pinatakbo niya na ito sa may front gate.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumantay ito sa akin at inilagay niya ang isang braso niya sa likod ng upuan ko. Kitang kita ko ang pag igting ng matulis nitong panga, ang matangos niyang ilong at mahahabang pilikmata. My, he's just so downright gorgeous.

"Austin, paano mo nalaman na dito yung bahay namin?" tanong ko rito at napa tingin sa labi nito.

Tumingin lamang ito sa akin saka ngumiti. Ngumuso ako saka lumunok ng isang beses. "Gusto mo munang pumasok?"

Syempre ayoko namang maging bastos. Andito na lang din siya, ano man lang yung papasukin ko diba? Umiling siya tsaka seryoso akong tinignan. "Sa susunod na siguro, Maddi... May tatapusin pa akong trabaho. And don't go to work tomorrow, please. Mag pahinga ka muna."

I'M HIS POSSESSION (Nepumoceno Series #1)Where stories live. Discover now