Chapter 20 | Try-out Disaster

Start from the beginning
                                    

   Well, we just confessed and kissed. Pero wala na kaming napag-usapan tungkol sa relationship namin. I don't have the rights to call myself his girlfriend dahil wala namang kami.

   "No, he's just my bestfriend." 

   "See? Sabi sayo, Camyl eh!" Bigla namang nabuhayan ng loob si Camyl sa sinabi ni Glenda sakanya.

   "A-ano, Vivien, pwede ba ako m-magpa... magpatulong?" kinakabahang tanong ni Camyl.

   "Tungkol saan?" 

   "K-kay And-"

   "Hoy, Vivien! Ang tapang na naman ng amoy niyang pabango mo. Sinabi ko na sayo na yung dati ang gamitin mo eh!" Nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko si Ken at binatukan ako. Out of instinct ay sinapak ko rin siya pabalik.

   "Ano bang pakialam mo? Tsaka bakit ka nambabatok?!" inis na tanong ko sakanya.

   "Tss. Nood ka mamaya ha," sabi niya sakin.

   "Oo ba. May laro Ateneo mamaya, live sa Channel 23." 

   "Hindi! Huwag yun panoorin mo. Yung try-out ko, okay?" Natulala naman ako sa sinabi niya.

   "At bakit naman ako manonood?"  tanong ko sakanya kahit na manonood naman talaga ako.

   'Para may inspirasyon ako,' sabi ni Ken sabay kindat saakin at tumayo na.

   "Syempre. Kailangan nandoon ka," pahabol niya pa bago umalis.

   Shit. I hope hindi ako namumula.


***


   "Tara na, Vivien!" sigaw saakin ni Camyl sabay hatak. Buti na lang at naka-P.E. uniform kami at hindi ako nahirapang tumakbo. Hindi naman daw manonood si Glenda dahil siya ang magjujudge sa mga magta-try out sa cheering squad nila kaya kaming dalawa lang ni Camyl. Sila Akemi naman, hindi ko na alam kung nasaan.

   Nakarating kami sa gymnasium slash indoor basketball court ng St. Joseph. Nakita naman namin agad yung mga magta-try out na naka-pila. Maraming mga tao ang manonood ngayon, at karamihan ay babae. At halos lahat ay nakatingin sa kanya. Kay Ken, or should I say, Andre. 

   "Omg, this can't be!" Napatingin naman ako bigla sa kasama ko. Ano na naman ba ang problema nito? "Tignan mo Viv, halos lahat ng babae ay nakatitig sa future husband ko!" sabi niya sabay turo sa mga babae at kay Ken.

   Umamin siya saakin kanina. Gusto niya raw si Ken at sana raw ay matulungan ko siyang mapalapit dito. Gusto ko sanang tumanggi, because of personal reasons, pero parang ang sama ko namang tignan. Wala naman kasing ka-ayaw ayaw kay Camyl. She's perfect, for a humdrum. At besides, alam niyang bestfriend ko lang si Ken. Kapag hindi ako pumayag, magsususpect siya sa feelings ko at sa kung anong meron saamin na wala naman talaga.

   "Hay nako, Camyl. Possessive ha?" Asar ko sakanya at sinimangutan naman niya ako.

   "Ha! Ganon talaga, kapag na-inlove ka!" 

   Tss. In love? Corny naman niyan.

   Nagsimula nang mag-warm up ang mga players at kalaunan ay nagsimula na. Sigaw ng sigaw itong katabi ko ng pangalan ni Ken dahil lahat ng shoots ni Ken ay laging pasok, wala pang palya. Tumagal ito ng two hours and thirty minutes hanggang sa nagkaroon ng chance ang sampung natira na makipag one on one sa kahit na sino. At kasama si Ken sa sampung 'yon.

   "Andre Rafael, perfect scorer. Pumili ka na ng makaka-duel mo," sabi nung parang emcee kay Ken habang nakangiti. Nilibot naman ni Ken ang tingin niya. Tumayo ang captain ng basketball club nang mapatingin si Ken sa kanya dahil akala niya yata siya ang gustong makalaban nito. Pero nilagpasan lang siya ng tingin ni Ken at inilibot ulit ang paningin niya. 

   Nagkatinginan kami at biglang umingay sa stadium kasabay ng pagngiti niya.

   "I want to duel that red-head over there," sabay turo niya saakin.

   W-what?

   "I bet the captain is a better match pero sige, red-head girl, baba na. Gusto kang makalaban ni Andre!" sigaw saakin ng emcee. Napatingin naman lahat ng tao sakin at wala na akong nagawa kundi ang bumaba.

   Nang nasa court na ako ay nag-warm up lang ako saglit bago lumapit sa nakangising Ken. 

   "Damn you, Rafael."

   "Tsk. Stop cussing, Jacinto. Besides, you're better than their captain." Napasinghap lahat sa sinabi ni Ken. Harap-harapan ba namang insultohin yung captain nila? Baka hindi siya ipasok niyan eh.

   "Whatever. Let's start this game." Inirapan ko siya at pumwesto na para makuha ang ihahagis na bola. 

   After the whistle ay hinagis na ito at nakuha naman agad ito ni Ken. Hinabol ko siya at cinonceal ko ang presence ko bago ko kinuha yung bola sa kanya. Nagulat siya nang nasa kabilang court na ako at nag-shoot ako from the three-point line.

   "Damn, that was nice!" he exclaimed from the other side of the court. Hinagis ko sakanya yung bola at nagsimula na ulit kaming maglaro. Nagulat ako nang hindi niya i-shoot sa ring niya yung bola kundi doon sa ring ko. Pero ang nagpasigaw sa lahat, ay ang pagdudunk niya. 

   "Show off." 

   Nagsalitan lang kami ng points at hingal na hingal na ako. Pinakinggan ko ang pulso ko at nagbe-beat ito ng 115 bps, which is not normal anymore. Ipapasa ko na dapat kay Ken yung bola pero nahagip ng mata ko ang masamang tingin ng captain ng basketball team kay Ken. 

   Hindi ako makagalaw. Hindi dahil masama ang tingin niya kundi dahil narinig kong sinabi niya na papatayin niya si Ken habang naka-hawak sa isang thread. Tinignan ko ang pattern ng thread at papunta ito sa itaas, kung saan may baril at kapag hinila niya pa lalo ang thread, magpupull ang trigger at tatamaan nito si Ken. 

   Nabitawan ko ang bola na hawak ko kaya nagtaka si Ken lalapit sana siya sakin pero inunahan ko na siya. Tumakbo ako at niyakap ko siya bago ko hinarang ang sarili ko sa paparating na bala. 

   That's right. That freak captain pulled the thread at balak niya talagang patayin si Ken. Hinintay ko ang impact ng bala sa likod ko. Nagulat na lang si Ken nang na-out of balance ako at nakita niyang dumudugo ang likod ko. 

   It's normal para sa mga kagaya namin ang matamaan ng bala ng mga humdrums. Masakit pero naiinda pa namin. But this bullet, it's so different. It's as if it was made especially to kill. Wala nang kung ano-ano, patay na kaagad. Since I'm a Senshin, maybe yun na lang ang dahilan kaya hindi pa ako bumabagsak. Pero anytime soon,  can feel na mahihimatay na ako. 

   And just like I said, everything went black.


(CHAPTER EDITED)

TANTEI HIGH [FAN FICTION]Where stories live. Discover now