Chapter 20 | Try-out Disaster

3.4K 130 22
                                    

| Akane ~ Vivien Jacinto | 


   "Ikaw si Vivien, 'di ba?" Nagulat ako nang may lumapit saaking magandang babae na may mahabang blue na buhok. Nagpakulay ang babaeng 'to, base sa roots ng hairs niya.

   "Yeah. Bakit?" tanong ko sa kanya.

   "Hi! I'm Camyl Tan. Close ba kayo noong lalaking brownish ang buhok at matangkad? Yung isa pa ring tranferee, I mean," nakangiti niyang sabi.

   Napa-isip naman ako. So isa sa tatlong lalaki since kaming anim lang naman ang transferees. Pwedeng si Reiji or si Ken. Si Hiro kasi itim naman ang buhok ng yelong 'yun. 

   "I'm not sure kung si Gerard or Andre ang tinutukoy mo. Why?" I'm still not used to it. Calling Ken by his true name, Andre.

   "Sino ba sa kanila yung magta-try out sa basketball? Ang gwapo niya kasi," ngiting-ngiti namang sabi nitong si Camyl.

   "Ah, you mean si Andre. Saan mo siya nakita?" tanong ko.

   "Captain kasi ako ng cheerleading squad. Tapos nakita ko siyang nagsign-up kahapon doon sa gym," sabi niya na parang kinikilig pa. Eh kung patayin ko kaya siya? 

   "Yeah. Close kami ng lalaking 'yun." Sobrang close. Kaya back off.

   "Talaga? Omg! Gusto mo sumabay saaming mag-lunch?" tanong niya saakin at nag-nod na lang ako para tigilan na niya ako. Bumalik na siya sa chair niya dahil magsisimula na ang class.


***


   Lunch break na ngayon at kasabay ko ang grupo nitong si Camyl. Nagsabi na ako kina Akemi na hindi muna ako sasabay at um-okay naman sila. 

   "You're so pretty talaga, Viv! Try mo kayang sumali saamin?" tanong ng vice captain ni Camyl na si Glenda Espinosa. 

   "Hm. Pwede naman kaso parang ang boring eh," I said with a sorry smile at napa-aww naman sila.

   "Para kang yung mga babaeng volleyball players. 'Yan din ang sinabi nila saamin noon eh," sabi ni Camyl.

   "Oh." Umupo kami at natanaw ko kung saan naka-upo sina Akemi at nakita kong magkakahiwalay din sila. Si Riye may kasamang isang babae. Si Reiji naman may kasamang dalawa pang lalaki at nakikipag-arm wrestling siya sa kanilang dalawa. Si Akemi at Hiro nasa iisang table kasama si Emma at isang Ivan-named guy. Si Ken naman kasama yung ibang basketball players.

   "Manonood ka ba ng try-out mamaya?" tanong sakin ni Glenda. 

   "Yeah." 

   "Mukhang close talaga kayo ni Andre ah," medyo malungkot na sabi ni Camyl kaya nginitian ko lang siya habang sinapak naman siya ni Glenda.

   "Gaga. Selos ka na kay Vivien niyan? Hindi naman siya girlfriend ni Andre eh, diba Viv?" tanong sa akin ni Glenda. 

TANTEI HIGH [FAN FICTION]Where stories live. Discover now