Chapter 18

103 13 8
                                    

Sharmine's POV

"Shar, are you okay?" Napatingin ako bigla kay Bryll. Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, at huminga ng malalim. Parang tanga naman tong si Bryll, ang dami niyang pwedeng tanungin yan pa ang napiling niyang itanong sakin. Haayyy!

"Shar!!"

"Ha?"

" Halika nga, umupo ka muna dito. Eto tsinelas ko oh. Magpahinga ka muna." walang anong sumunod ako sa utos niya. Inayos ko ang mga paa ko para makapag pahinga ng husto.

"Ano kaya Bryll kung mauna ka na muna, susunod nalang ako sayo. Mas lalo pa tayong matatagalan kung hihintayin mo pa akong magpahinga." Kunot noo siyang humarap sakin.

"Ano yang pinagsasabi mo? Hindi kita pwedeng iwan nalang dito na nag iisa."

"Bryll, kaya ko ang sarili ko. Please hanapin mo na sila." Pagmamakaawa ko sakanya. Tila nagdalawang isip pa siya kung papayag siya sa sinabi ko o hindi.

"Tsk! O sige. Pero ipangako mo na dito ka lang. Huwag na huwag kang aalis dito, ha?!" Tumango ako na may mapait na ngiti. Hinalikan niya ako sa noo at nagsimula na siyang naglakad. Nakailang lingon din siya sakin hanggang sa mawala na siya.

Hindi ko mapigilang mapag-isip kung ano ba ang nangyayari sa islang ito. Pumunta kami dito knowing na maayos ang lahat at dapat nagsi-celebrate kami ng anniversary ng pagkakaibigan namin. Pero hindi ko alam na ang islang ito rin pala ang magdudulot ng takot at hinagpis na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na napigilan pang mapaluha habang naaalala ko ang mga nangyari sa isla. Makakauwi pa kaya kami?

Maya maya pa ay may narinig akong kaluskos ng mga dahon sa may likuran ko. Agad akong tumayo at humarap doon. Namulot ako ng isang malaking sanga para ipanghampas sa kung ano ang lalabas dito.

"Sino yan?" Sinubukan kong tigasan ang boses ko pero hindi ko mapigilan ang sarili na matakot sa kung anong pwedeng mangyari. Akmang hahampasin ko na sana siya ng iangat niya ang ulo niya.

"Shar! This is me Venus." Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Venus. Binitawan ko ang kahoy at lumapit sa kanya.

"Oh my gosh Ven! Anong nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang hitsura mo? " ang dumi ng damit nya at tila ba duguan ito. Inusisa ko siya pero tila wala naman siyang malaking sugat at halos galos lang ang meron sa kanya. Saan nanggaling tong mga dugo sa kanya?

"Shar. W-wala na s-sila... w-wala na.." Humahagulgol siya kaya niyakap ko siya at kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ni Venus nanghina pa rin ako sa mga sinabi niya.

"W-wala na si Jansed at Angelica, Shar. P-patay na sila." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung may maiiiyak pa ba ako o wala na. Hindi ko alam kung may sakit na ba ako sa puso dahil sa sobrang paninikip ng puso ko. Bakit hindi ko na siya naririnig na nagsasalita gayong patuloy pa rin ang pagbuka ng bibig niya? Ano ng nangyayari sa akin? Sa amin? Bakit to nangyayari sa amin? Bakit sa mga kaibigan ko pa?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nakatitig lang kay Venus na nagsasalita.

"Shar..... Bakit to nangyayari sa atin?" Gusto kong sumagot sa tanong ni Venus, pero kahit anong pilit ko walang salitang lumalabas sa bibig ko. Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"T-tara na. Hanapin na natin sila Bryll." Dahan dahan siyang tumango.

Hindi ako pwedeng maging mahina sa harapan ni Venus sa ngayon dahil alam ko na mas mahirap para sa kanya ang pangyayaring to. Ang makitang wala nang buhay ang dalawa pa sa kaibigan namin.

Dark SecretsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant