PiII 63 Ngayo'y Naririto

Start from the beginning
                                    

Maaga akong pumasok dahil excited akong ibigay sa kanya yung gift ko. Nang makaharap ko siya ay tila natameme ako at hindi makapagsalita para bang umurong yung dila ko. Kaya naman in the end, nagkahiyaan lang kami ni Shana na mag-usap tapos na torpe lang ako kaya hindi ko nasabi sa kanya ang dapat kong sabihin.

★end of flashback★

Kaya nung malaman ni Kean at Krissa ang nangyari ay nabatukan nila akong dalawa. Bahala na daw ako kung ano gagawin ko.

Nanghihinayang talaga ako dahil nagprepared pa naman kami kaso pumalpak lang. Ano na gagawin ko?

Habang naglalakad ako sa may hallway ng Building namin ay may narinig ako nagchichismisan.

"Alam mo bang magkakaroon ng Dedication booth next week?"

"Talaga? Ade magpapadedicate ako sa Crush ko hehe."

"Kaso, ikaw mismo ang magsasalita at ikaw din mismo ang kakanta ng song na idededicate mo."

"Ganun? Paano kung hindi magaling kumanta ok lang?"

"Ok lang naman. Basta, hihintayin ko yung araw na iyon dahil broadcast daw sa buong University as in maririnig ng lahat yung kakanta doon."

"Can't wait!"

Napagalaman ko sa mga estudyanteng nagchichismisan sa may hallway na magkakaroon daw ng DEDICATION BOOTH next week kaya napag-isipan kong maghanda ng isang kanta na iaalay ko kay Shana para malaman niya kung ano nga ba ang nilalaman ng aking Puso. Oo tama kayo ng pagkakarinig, Puso nga ibig sabihin ay ihahayag ko na ang aking nararamdaman para sa kanya sa pamamagitan ng pag-awit kahit na mahiyain ako. This is my break! Wala ng hiya-hiya pakapalan na lang ng mukha.

One week din akong naghanda para doon. Mas pinili ko kasing maggitara kaysa magminus one kasi gusto kong mag-effort.

Nung dinala ko yung gitara ko sa school upang magpraktis ay hiniram naman ito ni Kean dahil sosorpresahin niya daw ang kanyang EYE na si Krissa. 2nd Monthsary daw nila kaya ang gift niya na lang dito ay kantahin ito. Buti pa si Kean ang lakas ng loob.

Nang dumating na yung time na pinakahihintay ng lahat ay hinanda ko ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari. Nagpaschedule ako roon sa DEDICATION BOOTH at ang number ko ay 275. Ang layo pa noh? Unexpected, marami palang gustong sumalang dito. Kaya no choice kundi maghintay.

Plug In II (A Musical Story)Where stories live. Discover now