Part One

2.1K 47 4
                                    

Eunice'

Paglabas na paglabas ko palang ng condo ko nakita ko agad ang batang babae na nakatayo sa gilid ng pintuan ko. Siya ay 6 years old pa lamang at nakauniform siya.

"Good morning, Tita Eunice!" Agad nitong bati at binigyan ako ng isang lollipop na strawberry flavor.

Siya si Szyrina. Anak siya ng katapat kong condo. Tuwing umaga bago siya pumasok ay hinihintay nya ako para bigyan ng isang lollipop na strawberry flavor.

Niyakap ko siya't hinalikan naman ako sa pisnge. "Oh, anong oras na bakit di ka pa pumapasok sa school?" Tanong ko rito.

"I waited for you." Masaya namang sabi ni Szyrina. Ningitian ko siya at akmang magtatanong pa sana nang bigla siyang magtanong.

"By the way Tita Eunice, who is that handsome guy na umalis kanina dito sa condo mo? What happened?" Tuloy-tuloy nitong tanong. Napatingin nalamang ako sakanya nang biglang nagbukas ang pinto ng condo nila.

"Szy, dont ask your Tita Eunice that way. Ke bata-bata, chismosa na." Maagang sermon sakanya ni Bianca, ang kanyang ina.

"Haynako Eunice, pasensya kana sa anak ko ah." Pagpapaumanhin ni Bianca matapos ilock ang pintuan nila saka ako bineso.

"No its okay, bata pa naman siya e." Saad ko rito. Mabait sila Bianca saakin lalo na't sila lang ang naging kaibigan ko na kapitbahay sa loob ng dalawang taon.

"No im not bata! I have a crush na! His name is Angelo!" Bigla akong napatingin kay Szyrina.

Angelo.

"Aynako bata ka pa!" Sermong muli ng mama nya. "Osya Eunice, mauuna na kami't late na siya."

Tumango nalamang ako't nagkiss kay Szyrina. Maglalakad na rin sana ako nang biglang nagbeep ang phone ko.

Agad akong kinabahan sa nabasa ko.

{Where are you? Look at the time! It's almost 10 am! You're late and you'll pay for this!}

Pasado 10 am na simula nang dumating ako dito sa office ko. Mejo traffic at aaminin ko kinakabahan ako kaya mabagal ako.

Andito ako sa elevator at tinitignan ko ang sarili ko sa salamin dito. Im wearing red bodycon dress na mejo kita ang cleavage ko at nahahalata dito sa dress ko ang hubog ng aking katawan.

Kaya mo yan, Eunice! Kahit ngayon lang, maging malakas ka please!!!

Nagbukas ang elevator at mabibigat na hakbang ang ginawa ko hanggang sa makapunta ako sa desk ko. Nilapag ko ang bag ko at huminga ng malalim.

"Main, bakit ngayon ka lang?! Galit na galit na si baby ko." Biglang bungad sakin ng bestfriend ko. Dito kami nagtatrabahong pareho at magkatabi lang kami ng desk pero may mejo maliit na harang pagitan saming dalawa.

"Ano ba, Cameron! Kinakabahan na ako dito." Sabi ko sakanya.

"Pinainit mo nanaman ba ang ulo niya? Kanina pa nya sinisigaw pangalan mo. "Where the fuck is Eunice!" Yan sigaw nya kanina pa main natatakot na nga ako e tapos alam mo pa—" Napatigil sa kwento si Cameron ng biglang magring ang telepono nya.

"Hello sir...Yes sir andito na po, kadadating lang... Ok sir." Sabi nito saka binaba ang telepono. "Main, go kana daw."

Huminga ako ng malalim at nag-sign of the cross. Wala akong mukhang maihaharap sakanya. Una, dahil late ako at pangalawa dahil...

Tumayo na ako habang hawak-hawak ang folder ko. Huminga nanaman ako ng malalim at tumingin kay Cameron na parang humihingi ako ng tulong. Tumango lamang siya at ngumiti na para bang sinasabe niya na kaya ko. Well, HINDI KO TO KAYA!

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko papunta sa office ng boss ko. Nasa pinakadulo ang office nya, malayo sa mga desks namin.

Andito na ako sa tapat ng pintuan nya at kumatok ako ng dalawang beses. Kapag dalawang beses ang katok, alam nya nang ako. Dahil kadalasan, tatlo o mahigit pa ang katok ng ibang officemates ko.

Kinakabahan ako, ang bilis ng tibok ng puso ko parang gusto ko nang malusaw.

Binuksan ko iyon at nakita ko yang nakapikit habang hawak-hawak ang sintido nya.

"S-sir." Saad ko saka ko sinara ang pintuan.

"Lock the door." Mahinahon nyang sabi pero natatakot parin ako. Agad ko namang ginawa ang sinabe nya at umupo sa upuan na nasa tapat ng desk nya.

Nabigla ako nang madali nyang nahawakan ang kamay ko nang ilapag ko ang folder sa desk nya. Mas lalong bumilis ang tibok ng walangyang puso ko.

Tinignan nya ako sa mata habang hawak parin ang kamay ko. "S-sir." Saad kong muli at hinila ang kamay ko. Umiwas naman ko ng tingin sakanya.

"Why are you late?" Tanong nito. Napaka-manly talaga ng boses nya kahit anong gawin niya.

"I-I'm sorry sir." Paghingi ko ng tawad.

"I'm asking you the reason for being late." Parang galit siya pero mahinanong nyan sinabe.

"Late nagising sir." Saad ko. Tumayo naman siya at magsasalita pa sana ngunit napatigil siya nang makita nya ang hinaharap ko. Katulad ng sinabe ko kanina. Mejo kita cleavage ko.

Napasmirk naman siya. Agad ko naman itong tinakpan.

"A-alis na ako sir." Saad ko sabay yuko. Tatayo na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Coffee." Sabi nito. Tumango nalamang ako pero nagsalita nanaman siya.

"In my kitchen." Dito kasi sa office nya may kitchen siya. Maliit lang yung kitchen nya. Meron rin kitchen sa labas para sa aming mga empleyado.

Napalunok ako at agad pumunta sa kitchen niya.

Habang ako'y nagtitimpla bigla akong nagulat nang may humawak sa bewang ko at hinalikan ang batok ko.

"S-sir, please." Nanginginig kong saad. Ngunit di siya natitinag. Hinarap niya ako at agad hinalikan ang labi ko.

"Hmm." Pag-iiling ko at pilit na umiiwas sa labi niya ngunit hindi siya natitinag.

Mas lalo nya akong hinapit sa bewang ko at may kung ano akong naramdaman sa baba na parang tumutusok nang ako'y mapalapit sa katawan nya.

"Hmm, Eunice." A soft moan came out from his mouth. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, napasabay ako sa halik niya.

Agad naman niya akong inupo malapit sa sink. Nakalock ang pinto kaya walang nakakarinig saamin at sabi ko nga, malayo ang kwarto niya sa mga empleyado.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko at may naramdaman akong kuryente sa katawan ko.

Nagugustuhan ko ito... Pero mali tong ginagawa namin.

Sa hindi ko inaasahag pagkakataon, biglang tumulo ang luha ko't humikbi ng mahina.

Napatigil siya nang nagsalita ako...






"Di pa ba sapat ang nangyare kagabi?"


He Took His Leave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon