Prologue

34 1 3
                                    

Alexea

Lahat talaga ng bagay nawawala, nangiiwan, temporary lang. Wala kang magagawa kundi sanayin ang sarili mo na wala to. Kasi, wala ka nang magagawa eh. Kahit na ipaglaban mo, wala lang mapapala. Kasi desidido na to. Gaya ng bahay namin.

Masyado ba kong madrama? Kung oo, shut up na lang kayo. Di kayo ang lilipat ng bahay, kundi ako. Well, gaya ng sabi ko wala namang mapapala ang pagdadrama ko. Tumayo na ko at naglakad papunta sa sala. Tinulungan ko na lang si mama magbitbit ng gamit.

"Ma? Tingin mo magiging mabait mga kaibigan ko don?" eh pag Manila iniisip kasi kaagad, magara, mayaman kaya ano iisipin sa tao? Maarte, mayabang, yun ang tingin naming mga taga-probinsya. O siguro para sakin lang. Oh well, sanay naman akong ako lang lagi.

"Oo naman anak, bakit naman hindi?" Sabagay. Hay nako overthink pa kasi eh puro kadramaham. Buti last na tong binibitbit namin. Pumunta na ko sa labas at nilagay yung gamit sa van.

"Oh asan na si Austin?" Yung batang yon talaga! Walang nagawa kundi painitin ulo ni mama at pahirapan ako sa paghanap sa kanya. Dapat talaga masanay na ko dito. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita siyang nagta-tablet. Walang ginawa kundi mag-minecraft.

"Ate naman eh! Survival yon! Pano pag nakain ako ng mga gagamba o di kaya nung Zombie? Edi patay! Nawala lahat ng pinaghirapan ko"

"Austin, kahit anong gawin mong pagtingin sa nakaraan, wala ka nang magagawa. May mga bagay na kahit gano mo pa ito pinaghirapan, alagaan, bigyan ng oras, mawawala din sayo. Kaya bumaba ka na hinahanap ka ni mama" padabog na umalis si Austin at pakamot kamot pa sa ulo, wala namang dandruff!

"Mamimiss ko talaga tong bahay na to mahal" paluha luha pa si mama kay papa. Nako baka chuma-chansing lang to kay papa. Ay, ano ba naman yan alexea! Mag-asawa na nancha-chansing pa?! Natural normal na sa kanila magyakapan! Masanay ka na lang yakapin sarili mo since wala namang nandyan para sayo.

"Ma. Pa. Sige na po, alis na tayo, gagabihin na po tayo mahaba pa naman po byahe" mabait naman akong anak no! Clap clap!

"Oo nga, gagabihin tayo pag di pa tayo umalis ngayon. Tara na?" ayan! Kaya love na love ko si papa eh! Hindi siya madrama, parang ako!

Pumasok na ko sa kotse naming masikip dahil sa mga gamit, may van naman pero may mga importanteng gamit din kasi kami na di pwede sa van kasi baka mawala. Kaya kung ayaw mong may importanteng tao na mawala sayo, alagaan mo.

-

May inedit lang ako haha tysm LittleMissSleuth

Feel free to tell me your opinions, suggestions and advices. My first book (dinelete kasi lahat, minsan talaga may mga kailangan kang tanggalin sa buhay mo) so please bear with me.

xo ayso

HugoteraWhere stories live. Discover now