"Hindi ba niya nasabi sa 'yo kung ano ang mga negosyo namin?" umiling siya. Dismayadong napabuntong-hininga ang matanda.

"WHERE is your wife?" tanong ni Ezra kay Rostov. Pinsan niya ito na siyang namamahala sa kanilang resort - Esquivel Resort. Naisipan niyang bisitahin uli ang resort. Oras na siguro para gampanan niya ang kanyang tungkulin. He was sitting on the beach table across from Ezra.

"Nasa bahay," sagot niya.

Paggising niya kanina ay nagtungo siya sa kanilang winery - ELWM (Esquivel Lambanog Wine Manufacturer). ELWM is the largest lambanog manufacturer in the province of Quezon. Mayroon din silang coconut plantation. Itong mga negosyong hindi niya talaga gustong pamahalaan. May sarili naman siyang negosyo. Isang bar kung saan kasosyo niya ang kanyang mga kaibigan - The Rock Bar. Pero syempre hindi niya naman gustong mapunta ang ari-arian ng kanyang lolo't lola sa iba lalo na sa kapatid niyang si Rogue. Magkamatayan na pero hinding-hindi niya iyon mapapayagan.

"Oh! Si Dara 'yon 'di ba? Sino ang kasama niya? Guest?" sabi ni Ezra habang nakatingin sa may likuran niya. Nilingon niya ito. His eyes were squinting. Nakita niya nga si Dara na naglalakad sa dalampasigan kasama si Red. Isang white floral maxi dress ang suot nito. Dilaw na bulaklak ang disenyo sa damit nito. Tinatangay ng hangin ang mahabang buhok nito. Malapad itong nakangiti habang binubusog ang mata sa tanawin.

"She's fucking gorgeous, bro. I think I should to meet her." Kunot-noong binalingan ni Rostov si Ezra.

"She's my wife." Pinagdiinan pa nito ang salitang "wife". Nagulat si Ezra sa sinabi niya.

"Your wife?" untag nito at muling tiningnan ang kinaroroonan ni Red. Tumayo si Ezra.

"I wanna meet her." Anito at iniwan na siya. Patakbo pa itong lumapit papunta kay Red. Agad siyang tumayo at sumunod sa pinsan. Tumingin si Red sa direksiyon niya nang ituro siya ni Ezra. Nakita niyang nagkamay ang dalawa.

"Bakit nandito ka?" tanong niya hustong makalapit siya. Hindi siya nito pinansin o tapunan man lang ng sulyap. Kay Ezra lang ito nakatingin at ang lapad ng ngiti.

"So, are you really my cousin's wife huh?" untag ni Ezra.

"Sad to say, yes. No choice eh." Tumawa si Ezra. Marahang napabuga ng hangin si Rostov. Mukhang galit sa kanya si Red dahil hindi talaga siya magawang sulyapan.

"Hey, Rostov, baby." Noon naman may lumapit na dalawang babae. Naka-two-piece ang mga ito. Kumapit pa sa magkabilang braso niya ang dalawa. Mga guest ito ng resort at pawang mga banyaga.

"We're glad that you are here again. We had really enjoyed your company lastnight," said the woman with a fair hair.

"Halika na nga, Dara. Ang init masyado, nakakapang-init ng ulo!" Red walked out. Halos kaladkarin nito palayo si Dara. This time ay mas marahas ang pagbuga niya ng hangin mula sa bibig.

"You're dead, bro! Mukhang LQ kayo ah at nadagdagan pa," komento ni Ezra.

"Excuse me, ladies, I'm very sorry but I think you have to keep your distance from me. That gorgeous woman is my lovely wife, and you wouldn't want her to get mad."

Inalis niya ang kamay ng dalawa na nakakapit sa braso niya saka hinila palayo si Ezra. Nakilala niya ang dalawang babae kagabi nang magtungo siya rito para magpalipas ng oras. Lumapit sa kanya habang nakahiga siya sa beach chair kagabi at umiinom mag-isa. Nang magpakilala ang dalawa ay agad rin siyang nagpaalam. Hindi siya interesado at hindi niya mawari kung bakit. Parang dati naman kasi sa tuwing may lalapit sa kanya ay talagang pinapatulan niya at mauuwi sila sa kama.

"Sa lahat ng babae mong nakilala ko si Red na yata ang masasabi kong high quality." Komento ni Ezra habang naglalakad sila.

"Hindi ko siya babae, asawa ko." Pagtatama niya.

Dealing with My Ex's Twin (Published under RedRoon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon