One more.

343 5 2
                                    

Silver's POV.

Nagising ako sa pamilyar na amoy ng lugar kung nasaan ako unti unti akong bumangon at kinusot ko ang mga mata ko. Muli ko itong binuksan ng maayos. Napatingin ako sa paligid. Ang kwartong ito. Ang amoy. Ang mga litrato. At napagtanto kong tama nga ang iniisp ko kung nasaan ako ng makita ang napakalaking litrato namin ni Chase nung araw ng kasal namin. Anong ginagawa ko dito?? Ano ang ngyari?!! Namilog ang mata ko ng maalala ko ang kaganapan kanina. Taranta akong napatayo at patakbong tumakbo sa pintuan at nag madaling pumunta sa baba. Halos madapa dapa pa ko siguro nahulog na ko sa hagdan pero buti nalang nakakapit ako sa hawakan.

"Evan! Evan!" I shouted.

A worried Evan greeted me.
"Anong ngyari sis??!" Nag aalalang tanong ng kapatid ko saakin.

"Ang anak ko! Ang anak ko Evan!! Asan??? Si Kyle nasan na siya??! Ang mga bata ???!" Taranta na din ako ngayon. Ikaw ba naman mawalan ng anak ewan ko nalang!
Evan tapped me on the back and said "Ok na sis. Nag punta at inaayos na ni Chase ang lahat."

Nag tataka akong tumingin sakanya. Chase??? Bakit si Chase?? Anong kinalaman ni Chase sa pag kawala ng anak namin??! Nagagalit kong tanong sa sarili. At hindi ko namalayang nasabi ko pala yun ng malakas.

"Ganto kasi sis, kinuha ni Aleyah si Kyle at hinabol siya ni Chase." At tuluyan na kong naguluhan sa mga pangyayari.

-1 hour and 30 mins ago. In third person point of view.-

Agad tumakbo si Chase para maabutan ang papalayong si Ayesha. Mas binilisan niya ang pag habol dito. Kahit umuulan ay wala padin siyang tigil sa pag habol sa babae. Sumigaw siya ng. "STOP THAT GIRL! KIDNAPPER SIYA!" Napatingin ang mga tao sakanya at nag simulanh mag bulungan imbes kasi na tulungan siya ay inuna pa ang bulugan nila. sa di kalayuan napatingin naman ang batang nag hihintay tumila ang ulan sa isang waiting shed narinig niya ang sigaw at nakita ang tumatakbong babaeng may hawak ng batang umiiyak papalapit sakaniyang tinatayuan. Pinunit niya ang dating punit na damit at agad niya itong hinarang at buong lakas niyang niyakap ng mahigpit na mahigpit ang nag pupumiglas na babae para mapigilan ito sa pag takbo. Naabutan naman sila ni chase kaagad at agad niya ding kinuha sa babae ang anak na umiiyak na dahil sa takot at kaba at inalo ito. "Shhh. Daddy's here." Paulit ulit niyang sabi. Nagwagi naman siyang pakalmahin ang bata na ngayon ay nakatulog na pala. Itinali ng batang lalaki ang dalawang kamay ng babae sa likod ng makuha ni Chase ang batang babae gamit ang kapirasong damit na pinunit nito kanina. Nag sisigaw si Ayesha ng malakas at pinilit tumakas. Nag pumiglas ito ngunti nakatali na ang mga kamay niya sa likod. "Pakawalan niyo ako! Mag hihiganti pa ko sa pangalan kong sinira niyo!"

Tinignan niya ang babaeng nag tangkang kumuha sa anak niya at sinampal ito. Natigilan ang babae sa pag pupumiglas. Kelan man ay hindi pa siya nanakit ng babae pero ngayon gusto niya na itong patayin. Makalipas ang ilang minuto dumating ang mga pulis at hinuli ang dating modelo na ngayon ay naging desperada at laos na. Ang sira nitong pangalan ay mas lalo pang masisira sa kaniyang ginawa ngayon. "Ikaw ang sumira sa sarili mong pangalan! Matagal na sana kitang pinakulong!" Sambit ni chase ng mahuli na ang babae.

"Sir we need you po sa prisinto para sa statements at para maayos na ang warrant of arrest kay Miss Aleyah Santiago sa pag tatangkang pag kidnap sa anak niyo Mr. Henderson." Paalam ng isang pulis sakanya.

"Sige susunod ako." Sabi niya dito pabalik. Tumingin si Chase sa lalakeng tumulong sakanya.

"Thank you kid." Pasasalamat ni Chase sa bata. Madungis ito at mukhang nag iintay. Pero medyo maganda at desente naman ang pananamit nito kung hindi lang ito madumi at punit punit. Gwapo itong bata, moreno at makinis. Madungis nga lang ito. Kung nakaayos siguro ito ay mas gwapo ito. Nag tataka nga lang si Chase kung bakit ganun ang ayos ng bata.

My possessive ex-husband wants me back. (On hold.)Where stories live. Discover now