Introduction
Masarap magkaroon ng boyfriend. Masarap maranasan ang mahalin at ang magmahal. Masarap maramdaman na may nagmamahal sayo, may nag-aalaga, may nag-aalala, may sinasabihan ng problema, may nagsasabi ng I LOVE YOU.
Lahat yan naramdaman ko at oo, MASAYA, MASARAP SA PAKIRAMDAM.
Ang pinaka ayoko lang na maranasan ay ang MASAKTAN. Pero kakambal na ata yun ng pag-ibig. Na pag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka. Wala naman kaseng tumatagal na relasyon eh. Siguro dahil sa nagkakasawaan, palagi nalang nag-aaway, yung third party/third wheel o kaya SELOS?
Pero bakit ganon? Naranasan ko nga ang mahalin, alagaan, samahan sa problema at sabihan ng I Love You. Pero bakit panandalian lang? What I mean is, oo nga, walang tumatagal na relasyon, pero bakit sakin panandalian lang? Yung para bang SOBRANG IKLING panandalian? Na isang buwan pa lang or worst weeks pa lang iniiwanan agad ako?
Hindi naman ako mahirap mahalin eh. Hindi din naman ako tumitingin sa pisikal na kaanyuan nila. Hindi problema sakin ang taghiyawatin, ang pandak, ang maitim, ang jologs manamit. Pero bakit walang tumatagal sakin? Sabi naman ng mga taong nasa paligid ko, maganda ako. PERO BAKIT INIIWANAN PARIN KO?
Feeling ko yung lovestory ko ay hanggang Ending lang.. Walang HAPPY.
Hindi ba pwedeng magkaroon naman ako ng lovelife na pangmatagalan? Yung tipong aabot ng taon? Yun lang naman ang hiniling ko pero bakit hirap na hirap si tadhanang ipagkaloob sakin yun?
Buti pa yung iba nakahanap na ng pangmatagalang relasyon. Pero ako, habang buhay na atang stuck sa pagiging broken hearted.
Katulad din naman ako ng iba dyan na ang hangad lang eh makahanap ng true love. Yung hindi ako paiiyakin, hindi iiwanan at hindi sumisira ng pangako.
Tunghayan ang aking maikling kwento, at alamin kung hanggang sa Ending ng kwentong ito ay wala paring HAPPY.
Ako si Shaileen Sanchez, ang babaeng hindi sigurado kung happily ever after nga ba ang love story ko. Babaeng nastuck sa salitang ENDING. At babaeng kailanman ay hindi naranasan ang salitang HAPPY.
