2. Fever

4.6K 203 7
                                    

#imaginepamoreITALYA
Scene: After a long day of shooting in Milan

Elevator
Pagpasok ng elevator papuntang room nila sa Hotel Metropole Suisse, biglang nagHHWIF ang kamay ni M at ni R.

"Love, ok ka lang ba? Kanina pa ko nag-aalala. Kanija ka pa may lagnat." Sabi ni R sabay haplos sa forehead ni M. Medyo mainit ang salat ni R. Tumango si M at kumapit ng mahigpit sa braso ni R.

"Ok lang ako. Andyan ka naman sa tabi ko. In sickness and in health nga diba?" Sabay tawa ni M.

"Oo naman. In sickness and in health." Lumalim ang dimples ni R. Inakap palapit sa kanya si M para mas lalong mainitan.

"Love, naaalala mo sa Sofitel? Yung elevator dun?" Sabi ni M na nakatingin kay R, may naughty smirk. Tumingin si R kay M. Intense nanaman ang titigan nila.

Di na nagsalita si R. Hinalikan si M sa loob ng elevator while waiting na makaakyat sa floor nila. Intense. Fifty shades intense. Napaakap si M sa leeg ni R, si R nakaakap sa bewang ni M. Nakadikit sila sa left side ng elevator. Intense promise!

Nag sound off na ang elevator at dumating na sa floor nila. Bigla silang naghiwalay at umayos kahit na gulo gulo na mga damit at buhok ni R at ni M. Kabisado na nila. Pag may ginagawa sila, may biglang darating na tao.

Si Direk Mike ang bumungad sa harap ng elevator. Nakita nag dalawa at nakita ang ayos.

"Good evening po direk." Si M ang unang lumabas ng elev. Sumunod si R sa kanya.

"Good evening po direk." Ang sabi ni R. lumakad na ang dalawa pabalik ng rooms nila habang nakasilip si Direk at nagpipigil ng tawa. Pumasok na siya sa elevator at pagkasara ng pinto, nigla siyang tumawa ng very light.

"Naloko na. Day one."

Hallway
Inihatid ni R at M sa harap ng room ni M.

"Love, tawagan mo lang ako pag kailangan mo. Ilang rooms lang agwat natin." Ang sabi ni R.

"Ok lang ako. Kasama ko naman si Nanay. At tsaka kailangan mo din magpahinga. Worried ako sayo. Kakaiba yung weather dito. Baka magkasakit ka nanaman. Mas sakitin ka pa sakin." Ang sabi ni M. MagkaHHWIF yung dalawa.

"Ok lang ako. At mas ok ako kung alam kong okay ka. Uminom ka na ng gamot at magpahinga ka na." Hinwwakan ni R yung pisngi ni M at hinimas ng very light. "Mainit ka."

"Kasi nandito ka." Natawa sila pareho sa joke ni M.

"Good night. I love you." Sabi ni R. Pero ayaw pa rin bumitaw sa pagkaka HHWIF.

"I love you." Hinalikan ni M si R ng very soft sa lips tsaka kumatok. Pasahan ng virus ang peg ng dalawa.

Si ND ang nagbukas ng pinto. "O iho, tapos na kayo sa baba? Ang bilis ha." Ang bungad ni ND. Pumasok na si M sa loob ng room.

"Good evening po nay. Opo tapos na kami sa baba. Nagpapic lang naman ang ibang fans. Umakyatbna rin po kami kasi may lagnat pa rin si Maine." Sagot ni R na medyo worried after magmano kay ND.

"Ah ganun ba? Pasok ka muna." Sabi ni ND.

"Hindi na po nay, para makapagpahinga na rin si Maine." Sabi ni R.

"Ah ok sige. Pahinga ka na rin iho. Pero alam mo, satin lang to, mas makakapagpahinga yun pag ikaw katabi niya." Nagblush si R at tumawa si ND.

"Um..." di makapagsalita si R. Nagugulat siya kay ND. "Nakakahiya naman po sa inyo pati na rin kay Maine." Dito nakita ni ND ang respect ni R sa kanya at kay M.

"O sige iho. Pahinga ka na rin. Baka mamaya ikaw naman ang may sakit." Sabi ni ND.

"Sige po Nay. Good night po." Bumeso si R kay ND at lumakad na papuntang room niya.

Room
Nakahiga na si R papatulog na ng nakaboxers lang nang biglang may nagdoorbell sa room niya. Kinuha niya yung robe sa tabi niya, isinuot at pumunta so door. Pagsilip niya sa peephole, si M ang nakita niya. Nakapyjama at nakajacket. Dali daling binuksan ni R ang pinto.

"Love? Bakit?" Hinawakan niya si M at pinapasok sa room niya.

"Hindi ako makatulog. Nagpaalam ako kay nanay. Sabi ko pupunta ako sa room mo. Pumayag naman. Sabi niya may tiwala siya sayo, sakin lang wala." Biro ni M. Natawa sila pareho. "Natutulog ka na ba?"

"Hindi pa. Hinihintay ko mag offline yung viber mo sa phone para sure ako na tulog ka na." Sabi ni R.

"Ang sweet mo." Sabi ni M. Humiga si M sa bed ni R. "Oh ano? Matutulog lang tayo wag ka magisip ng kung ano ano." Tawa ni M.

"Parang wala kang lagnat." Tumawa si R. "At tsaka imposible na wala akong iisiping ganun pag katabi kita. Pipigilan ko lang sarili ko." Tawa sila pareho.

"Inaantok na ko dahil sa meds. Dali na tabihan mo na ko." sabi ni M. Tumabi na si R pero narealize niya na nakaboxers lang siya. "Parang di ka natulog sa condo ng nakaboxers lang. Ang arte mo." sabi ni M.

"Fine eto na." Tinaggal ni R yung robe. nakatalikod siya kay M kaya di niya nakitang napalipbite si M. Pagharap niya, kita niya nakatitig si M sa kanya. "Ano?" Nakasmirk si R.

"Dadbod." Ang sabi bigla ni M at biglang tumawa. "Pero I like it. Tulog na!" Tumawa na rin si R. Tumabi siya kay M. Nakaspoon sila.

"Ang init mo." Sabi ni R.

"Malamang. May lagnat ako." Tumawa sila pareho. MagkaHHWIF na nakalagay sa bewang ni M ang hands nila. Hinalikan ni R si M sa batok.

"Good night love."

"Goodnight. I love you." Humigpit yung pagkakahawak ni M kay R.

"I love you, too."

At yun ang first night nila sa Italy ng magkatabi.

#imaginepamore Italy EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon