Chapter 4- My first "broken <3"

234 2 0
                                    

Kinabukasan, pagpasok ko ulit sa school sinalubong agad ako ni bestie - si Alou.

Marilou Jasmine Joan Camille Co - yan ang pagke haba-habang namesung ng bestie ko. Alou na lang para di ka na mahirapan. Bffs na kami since grade school kaya motto in life namin "walang iwanan". Half- Chinese, half-Filipina.

Sa itsura di naman kami nagkakalayo ni bestie. Mejo mas matangkad lang sya sa akin at maputi, morena naman ako (Filipina beauty- opkors). Kaya mas pansinin sya kesa sa akin. 

Ayun kamustahan sa may corridor (may phobia na sa may pintuan wahaha) kung ano feeling ng may cast sa braso. Gusto daw nya eh sya din meron non (bestie nga eh- walang iwanan).

Nang nakita ko si (yiiieeeee!) mr. Prince charming. (Kilig much!). As in all smiles na talaga sya. Grabe titig na titig sya sa akin. Natutunaw naman ako. Si bestie nasa likod ko nakatingin na din kay u know who.

"Hi! Ok ka na?" tanong agad nya paglapit sa akin. 

"Oo ok na ako. Thank you nga pala ha kung hindi gawa mo baka di lang ito nangyari sa akin."

"Wala yon. Anything for you."

Nabasa mo yon? Nabasa mo yon?! Anything for me daw. (Superduper kilig much!)

"Pwede ka bang makausap mamaya? Sa uwian?" OMG! Ano kaya sasabihin nya sa akin? 

"Bakit? Ano meron?" Tanong ko.

"Basta mamaya ha. Kita tayo sa may gate." Tapos nagmamadali na syang bumalik sa classroom nya. Tapos lumingon ulit at ngumiti. (Pero parang sala ang tingin nya sa akin). Paglingon ko si bestie nakangiti rin.

Kami naman ni bestie pumasok na rin sa room namin kasi nag-ring na ang bell. For the mean time nalimutan ko muna ang sinabi ni mr prince charming. Syempre aral mode muna. Kaya lumipas ang maghapon ng hindi ko na namalayan (ang sipag ko mag-aral noh? Inspired eh).

"Rrrriiiinnnggg!" Uwian na. Bigla na akong na-excite 😜

. Inihatid ko na muna si bestie sa service nya bago ako nagpunta sa gate palabas ng school. At syempre dumaan muna sa CR para mag ayos (di ba?).

Doon sa may gate nakita ko sya. Nakatayo. All smiles. Di ko napansin na may kasama pala sya. 

"Sorry di ako nakababa agad. Sinamahan ko pa kasi si Alou sa service nya." Pag explain ko ( hiningi nya ba explanation mo? Haler!). Ok na yon nu ka ba. Buti na ung nag explain.

"Ah, Alou pala name ng kasama mo kanina."

"Oo. Best friend ko sya as in.."

"Sayang yun nga sana gusto ko sabihin syo eh."

Huh? Wait lang readers ha. Di ko nagets yata yon. Parang ....awkward?

"Ha? Bakit? Ano ba talaga sasabihin mo?" Mejo irritated kong tanong.

"Ah saglit lang hahaha. Ipakilala ko muna bro ko sa'yo. Pare, sya si Jay, 

Crisanta Juanita Dela Cruz." 

"Sya yung iningatan ko nung isang araw para syo."

e.e (what?!) ang status ko : confused.

"Jay, eto yung best friend ko. Tagal na nyang gusto makipagkilala syo. Kaso tyope."

"Hi Jay. Ako nga pala si Mark John Cordova. Di ba friend mo sa fb si 'ako lang'?"

"Yes...." Speechless.... (Awdeee)

"Ako yon. Di ba sabi ko sa'yo magpapakilala ako sa'yo ng personal? Kaya eto.... Sana di ka magalit." Mejo shy nyang sabi.

"Ah....... Ikaw pala. Akala ko kasi......"

"Ops, ops, tama na muna ang kwentuhan. Bro teka muna ako muna makikipag-usap kay Jay ha? Sinunod ko na gusto mo magpakilala." sabi ni mr.prince charming (eto na magtatapat na sya....kilig)

"Jay, pwede bang...."

"Ano yon? Oo pwede. Pwedeng pwede basta ikaw." Baka di pa ituloy ang sasabihin eh. Kung manliligaw naman sya naku grabehan na ituuuuu!

"Hahaha! O bro sabi ko syo papayag agad ai Jay eh. Papatulong sana ako syo. Gusto ko kasing makilala yung kasama mo kanina. Yung si Alou. Alam mo na, type ko kasing ligawan."

"Rrrrrriiiiiiippppp! 💔 Ang tunog ng napunit kong 

puso. Anak ng boogie oh! Bakit ba sinabi ko agad na pwede. (Aaarrrggggghhh! Mas masakit pa sa injury ko yun ah)

"Ha? Oo naman. Sige ipapakilala kita." Ito na lang naisagot ko sa kanya. (Life is so unfair)

"Wow! Thanks! Ang bait mo talaga. O sige ha iwan ko na kayong dalawa jan. Jay bukas ha? Ipakilala mo ako." At umalis na sya (far away from me).

Napatulala na lang ako. Gusto ko ng umiyak. 

Anu ba yan? Di pa man, naudlot na agad. Brokenhearted na agad ako. Badtrip!

"Jay....ok ka lang?" Naalala ko may kasama nga pala ako.

"Huh? Ha? Oo okay lang ako. Mejo makirot lang ung braso ko. Ok lang ba umuna na ako sa iyo pauwi? Gusto ko na kasi magrest." (Para maitago ko ang aking pagka brokenhearted </3)

"Sige Jay ingat ka ha. Chat ulit tayo mamaya. Nice to meet you." 

"Bye." Sa pagmamadali kong makauwi di ko napansin na nahulog pala ang ID ko.

Ito ang unang encounter namin ni Mark alyas 'ako lang'. At tingin ko last encounter na namin ni Mr. Prince Charming....

Jay's Life Where stories live. Discover now