"Sige salamat ulit, gusto ko lang din malaman niyo na palagi rin akong nandito para sa inyo, basta magsabi lang kayo, okay?" Sabay naman silang tumango at ngumiti bago nagpaalam at pinatay ang tawag.

Nagpaalam na ako kila Mama na aakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil may pasok pa ako bukas. Pagkahiga ko sa higaan ko ay napag-isipan kong tawagan sila Papa. Sana nga at may signal sila, gusto ko silang makausap. Nakailang dial ako bago nila nasagot at bumungad sa akin ang boses ng bunso kong kapatid.

"Hello, Ate? Happy Birthday! " Awtomatikong napangiti ako dahil sa boses niya. "Ate? Kailan ka uuwi?" Pero agad din namang nawala.

"Ahm, hindi ko pa alam, Sofia," Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mapaiyak. "Kamusta na kayo diyan?"

"Okay lang po, Ate. Miss kana nga namin e tapos pinapasabi pala ni Lola at Lolo na Happy Birthday raw po! Ganoon din si Kuya, Papa, Mama King at Mama Mich basta lahat sila e dami-dami kaya nila bumati," Napatawa naman ako ng mahina dahil sa sobrang daldal niya.

Si Mama King ay ang kapatid ng Papa ko na babae, lesbian siya at may asawa siyang si Mama Mich. Halos 10 years na rin silang nagsasama. Mama ang tawag namin sa kanila dahil nakasanayan na namin mula ng ipanganak at lumaki kami.

"Pakisabi nalang na thank you, Sofia. Saan ka ba ngayon at sino ang kasama mo?" Tanong ko rito.

"Sa mayroon na signal Ate syempre, sa bahay nila ni Tito Danny, kasama ko si Ate Ysay tapos si Kuya. Paano kasi wala naman tayong signal sa bahay," Pagr'reklamo niya. "Buti nga at tumawag ka kasi excited na ako na umuwi ka,"

"Ako rin, gusto ko na umuwi,"" Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko, isa, dalawa at nagsunod-sunod na sa pagtulo.

"Sige na, Ate. Uwi na kami gabi na kasi, Ate baka pagalitan pa kami ni Papa," Narinig ko sa kabilang linya ang pagtayo at paglakad nila. "Bye, Ate. Mahal ka namin. Ingat ka po diyan ha,"

"Kayo rin, mag-ingat kayo palagi ha? Mahal ko kayo at miss na miss na."

Namatay na ang tawag at napatulala nalang ako sa kisame habang nag-uunahan pa rin sa pagtulo ang luha ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako umiyak dahil sa nakatulog ako. Pagkagising ko ay parang ayaw bumukas ng mga mata ko dahil sa pag-iyak. Bumaba naman ako kaagad at kumuha ng yelo sa ref at inilagay sa mata ko para mabawasan ang pamamaga.

Maaga akong umalis, pagdating ko sa school ay binati ako ni Tay Roger, " Hi, nak, Happy Birthday!"

"Salamat, tay," Ngumiti naman ako sa kaniya bago pumasok.

Siguro nga at maaga ako ngayon dahil wala pa sila ni Ali at Venice pagdating ko sa room, ako palang ang tao rito sa classroom namin.

Bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin dito, iniluwa nito sila Ali at Venice na may dalang panyo. Lumapit sila sa akin at saka piniringan ako, "Teka, ano bang meron, ha? Kidnap ba 'to?"

"Gaga, sa tingin mo kikidnapin ka namin, ha?" Kahit wala akong makita ay alam ko na umiiling si Ali, inalalayan nila ako na tumayo at maglakad, paakyat kami sa hagdan, hindi ko man alam kung saan kami pupunta ay sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Pagkatapos ng ilang minuto na paglalakad namin ay huminto kami, pumasok kami sa isang kwarto. "Pwede mo nang kunin ang tanggalin 'yong panyo sa mata mo," kahit nagtataka ay kinuha ko ang panyo na nakapiring sa akin, nakakasilaw, ilang beses muna akong kumurap bago nakita kung sino ang taong nasa harapan ko, at kung saan ako.


May hawak siya na cake, naglakad siya papalapit sa akin, may mga estudyante ang nasa likod niya at nakatalikod sa amin, awtomatiko akong napangiti, bakit parang ang gwapo niya ngayon? Kahit na gwapo siya hindi ko pa rin sasabihin sa kaniya dahil masyado na siyang mahangin, paano pa kaya kapag sinabihan ko siyang gwapo?

Humarap naman ang mga estudyante, sa gawi ko, ngayon ko lang nakilala na kasama pala namin sila sa Dance Club, except kay Hiro, Ali at Venice, may mga hawak silang letter bawat isa, itinaas nila ito ng sunod-sunod at binasa ko kung ano ang nakasulat dito, Happy Birthday, Lea! "Happy Birthday, Lea,"  Sabi niya, natuon naman ang pansin ko sa kaniya, tbh, kanina pa naman e, "Make a wish," pumikit naman ako bago ako humiling at inihipan ang candles.

"Yiiiee! Sana all!"

"When kaya?"

"Uyy, si Pres pumapag-ibig, sana all,"

Napailing nalang si Ten habang nakangiti dahil sa mga naririnig namin na iba't ibang sinasabi ng mga kasama namin ngayon dito sa Dance room. Uminit naman ang mukha ko. "Thank you, Ten,"

Kumain lang kami at nagkwentuhan bago bumalik sa kaniya-kaniya naming mga klase, nagcut class kami sa first period, paano ba naman kasi naisipan nila ang magsurprise e may mga pasok kami, ayun tuloy. Ilang ulit pa akong nagpasalamat sa kanila dahil sa hinanda nila at nagsorry na rin dahil nagcut class pa talaga sila, "Wala 'yun, nukaba, basta para kay Ten, gagawin namin," sagot ni Liz. "Tsaka para sayo na rin, Lea," tumango naman ang mga kasamahan namin.

Pagkatapos ng klase namin ay may usapan kami ni Ten na sasamahan ko siya na pumunta sa isang mall malapit sa school, pagdating namin doon ay dumiretso kaagad kami sa isang pet store.

"Parang dito na ako dati pumasok ah," Sabi ko sa isip ko, naalala ko kasi nong pumasyal kami nila Mama dito sa mall din na'to, may nakita akong cute na pusa kaya pumasok ako sa pet shop na'to.

Naghintay lang ako kay Ten, naglibot-libot lang ako at tiningnan ang mga pets na sobrang cute, may iba't ibang animals ang nandito, may aso, pusa, isda, ibon at kung ano-ano pa. Nag-enjoy lang akong tumingin sa bawat animals na nandito sa loob ng pet shop.


"Let's go?" Napalingon naman ako kay Ten na nasa likod ko na pala, "Are you hungry? Gusto mo bang kumain muna tayo?"

Umiling naman ako, nakuha naman ng atensyon ko ang hawak niyang isang kulungan, may dalawang pusa doon ang mahimbing na natutulog. "Hala, ang cute naman niyan," yumuko ako para tingnan sila. Parang familiar ang mga mukha nila.


"Yeah, I know," napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Do you want to take care of them?" Agad akong napailing, napakunot naman ang noo niya.

"Hindi kasi pwede ang mga animals sa bahay ng boss ng Mama ko e, pasensya, kahit anong gusto ko na alagaan sila mapapagalitan naman ako," nawala naman ang nakakunot na noo ni Ten at napalitan ito ng matamis na ngiti.

"It's okay, ako nalang ang mag-aalaga sa kanila, pwede mo naman silang bisitahin sa bahay," Sabi niya, hinawakan niya ang isang kamay ko at lumabas na kami sa pet shop.

Nakarating kami sa parking lot, agad kaming sumakay sa kotse at nagmaneho naman si Manong Fort.

"By the way, ano palang ipapangalan mo sa kanilang dalawa?" Tanong ko. "May naisip kana ba?"

"Hmm, wala pa naman. Ano bang gusto mo ipangalan sa kanilang dalawa?" Napaubo naman si Manong Fort kaya napatingin kami sa kaniya. "Ayos lang po ba kayo, Manong?" Tumango naman ito at nakangiti.

"Ano nga ulit 'yung tanong mo, Ten?" Tumingin ulit ako sa kaniya.

"Anong gusto mong ipangalan sa dalawang anak natin?" Tanong nito, kaya napahawak ako sa baba ko at nag-isip.

"Leon and Louis," suggest ko, pumasok lang naman 'yan sa isip ko at feeling ko naman ay maganda naman na pangalan para sa pusa, "Teka, anong anak natin?"

Napatango muna si Ten, "That's cool, Leon and Louis would be great," Ngumiti siya at tumingin sa dalawang pusa bago sa akin tumingin, "Yes, anak na natin sila, ayaw mo ba?"








Somebody Out There Where stories live. Discover now