CHAPTER 5

682 18 2
                                    


Pagkagising ko ay sunod-sunod ang pagvibrate ng phone ko kung kaya’t kinuha ko ito, 7 a.m palang naman. Binuksan ko ang messages ko at inbox sa facebook at marami ang bumati sa akin. Isa-isa ko naman itong binasa at nireplyan.

Venice Navas : HAPPY BIRTHDAY BESTFRIEND! ILOVEYOU AS ALWAYS! 😙❤ WISH KO LANG SAYO NA SANA MAGKATULUYAN KAYO NI TEN HEHEHE. THEN, BE STRONG AND JUST ALWAYS REMEMBER THAT ME AND ALI WILL ALWAYS BE RIGHT HERE FOR YOU! Sorry, we can't come there because we have some important things to do.

Aliyana Rafael : HEYY! HAPPY BIRTHDAY MY DEAR FRIEND! 🥰❤ I HOPE YOU WILL STAY WHAT YOU ARE AND ALWAYS REMEMBER THAT WE LOVE YOU AND WE'LL ALWAYS BE HERE TO SUPPORT YOU AND I WANT TO THANK YOU FOR SUPPORTING AND CHEERING FOR ME. ILOVEYOUALWAYS BESTFRIEND! ❤ NO MORE MMK, AGAIN, HAPPY BIRTHDAY!

And so on, so forth. But one message caught my attention.

Ten Vexien Lee : Hey, Lea. Happy Birthday! ❤ See you tomorrow, Baby.

Did he just call me, Baby?

Lea Natalie Arevalo : Did you just call me, Baby? BTW, thank you. And when did we became friends here?

Ten Vexien Lee : Yes, Is there something wrong with calling you, Baby?
Ten Vexien Lee : Because you accepted me?

Lea Natalie Arevalo : Oo dahil hindi naman ako si Baby! Dzuh! Pilosopo ka rin ano?

Ten Vexien Lee : Sige na, enjoy your day!

Hindi na ako nagreply, bumangon na ako, kahit wala akong gana na kumilos sa araw na'to ay pinilit ko pa rin. Naligo na ako at nagbihis. Brown na shorts at tie dye na t-shirt lang ang sinuot ko. Bumaba na ako at nakita ko naman sila na busy sa pagluluto, nandito ang ibang tita ko na sa side nila Tita at Mama, mga Tito ko na kasama ang mga jowa nila, at mga friends nila Mama. Kakaunti lang ang familiar sa akin.

"Hi nak," napahinto naman si Mama sa paglalakad, may hawak siya na isang malaking mangkok na may laman na sinigang, "Halika, tulungan mo ako dalhin 'to sa labas, sa may swimming pool."

Agad naman akong bumaba at kinuha ang dala-dala niya, nauna siyang maglakad at nakasunod lang ako, pagdating namin sa labas, sa swimming pool ay may mesa sa tabi nito na pabilog, may nakahain na iba't ibang uri ng pagkain. Inilapag ko na ang hawak ko at saka ako hinawakan ni Mama sa magkabilang balikat at tiningnan ako, "Happy Birthday nak! Parang kailan lang at ngayon 17 kana. Dalagang-dalaga na ang anak ko."

Ngumiti lang ako ng pilit, "Salamat, Ma," Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

Nang matapos sila sa pagluluto at sa pag-aayos ng pagkain ay nagsimula na kaming kumain, binati rin ako nila Tita, mga Tito ko, 'yung lalaki na kasama palagi ni Mama, mga friends nila ni Tita at nagpasalamat nalang ako.

Tinanong ko rin kanina si Mama kung bakit dito kami nagcelebrate sa swimming pool ng boss nila ay ayos lang naman daw kasi wala din naman sila at kakain din naman daw ito sa labas kasama ang mga apo niya. Gabi na at nandito pa rin kami, naglabas na ng maiinom sila Tita, umiinom na sila ngayon, ako naman ay nakaupo lang sa tabi ng pool habang nasa tubig ang mga paa ko at ka video call sila Ali at Venice.

"Hi, beshie! Sorry we can't make it, may importante lang talaga kaming ginawa pero Happy Birthday ulit! Sana magkajowa kana, HAHA!" Napatawa naman ako sa sinabi ni Ali, palibhasa kasi sila na ni Hiro, hayyy, when kaya? "Pero seryoso, kung ano man ang hiling mo ay sana matupad, basta palagi lang kaming nandito ni Venice para sa'yo."

"Ali's right, we're always here for you, to support you and to cheer you, basta masaya ka, Lea," napangiti naman ako sa kanilang dalawa, "Sige na, enjoy your birthday, magkikita naman tayo bukas, I love youuu, beshie!"

Somebody Out There Where stories live. Discover now