Lahat ba ng pangako dapat napapako?
Lahat ba ng plano kailangang maging drawing na lang?
Lahat ba ng mga pangarap dapat winawasak?
Lahat ba ng ng nagmamahal ng totoo sa huli kailangang luhaan?
Bakit di na lang magtagpo at magmahal ang mga loyal at ang mga manloloko ang magsama't maglokohan?
Bakit di na lang na lang nagpapaasa't nagbibigay pa ng motibo kung di kayang mahalin ang isang tao?
Hayy buhay kagulo.
Parang siyang math problem ilang beses ko man isolve di ko talaga makuha ang sagot.
Parang love lang yan ilang bese mo pang kalimutan ang nararamdaman mo sa isang tao kung di mo talaga siya kayang bitawan mananatili pa rin yan.
Bakit nga ba ako nasasaktan?
Kasi hindi pa ako nabitaw.
Bakit di pa ako nabitaw?
Kasi may pangako siya.
Pangakong hinihintay kong matupad na kahit imposible pinapaniwalaan ko pa rin.
Hayyy.
"Oh Jeni okay ka lang ba? Nandito na tayo. Tara na."
Napatingin ako sa kumulbit sa akin. Si Leah lang pala. Masaya ang mukha. Maliwalas at walang problema. Blomming ang bruha! Siya na ang may lovelife! Hmp!
Hinid ko napansing nakatigil na ang bus na sinasakyan namin. Masyadong malalim ata ang aking pag-iisip habang nakatingin kanina sa may bintana. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng bus. Isa-isa ng bumababa ang mga kaklase't guro namin.
"Ahh. Sige. Mauna ka na." tumayo na ako't kinuha ang bag ko. Medyo may kabigatan rin kasi ito. Mag kacamping kasi kami.
"Sigurado ka?" hinding makapaniwalang tanong nya sa akin habang nakataas pa ang kilay. Mabuti pa ang isang ito may taga bitbit.
"Oo. Okay lang ako susunod ako sayo. Baka naghihintay si Raymel sayo sa baba." pagpupumilit ko sa kanya. Hindi na po kasi ako bata para ganyanin nya. Arghh. Bakit kasi andaming nilagay na gamit ni papa? Dapat ako na lang ang nag impake. Tss.
"Hihintayin na lang kita. Isa ka pa namang tang*'t pagong. Dalian mo na jan! Baka maiwan pa tayo." sabay upo sa tapat na upuan ko sa kanan.
Naiiling na lang ako habang pinipilit kong isakbit ang backbag. Di talaga ako maiwan ng babaeng ito. Hayy. Sa tuwing magkaka boyfriend di nya ako nalilimutang isama at samahan sa kung saan man. Pag may date sila ng boyfriend nya parang ako pa ang ka date nya dahil laging nasa likuran ang boyfriend nitong bruha. Minsan nakakahiya't nakakailang na rin.
Pagtumatanggi ako lagi nyang sinasabi na "Isa't kalahating T*nga ka pa naman." "Isa kang lampa"t kalahati." "Isa kang bobo't kalahati." Mga ganyan. Sawang sawa na ako sa kanyang mga panlalait na dahilan sa akin. Pero thankful pa rin ako jan sa babaeng yan at laging anjan at hindi nakakalimot.
Hindi nya katulad. Binasura lang nya ako na parang papel. Wala ng kwenta. Wala ng papel sa buhay nya.
Pababa na kami ng bus ng biglang may nakalimutan akong kuhanin napahiwalay kasi ang gamit kong yun dahil tinago ng mga kaklase kong baliw kanina. Yun lang kasi ang bagay na hawak-hawak ko kanina hindi ko pwedeng iwan yun sa bahay at papakalman ng mga kuya ko. Alam kasi nila ang tungkol sa bagay na iyon.
"Mauna ka ng bumaba. May kukunin lang ako." sabay akyat muli. Binigyan nya ako ng masamang tingin nasa baba na kasi siya at kaming dalawa na lang ang laman ng bus kanina.
"Hayy naku! Isang kalahati't makakalimutin ka talaga! Ay sya! Sige! Kuhanin mo na at sasabihin ko kay ma'am na nanjan ka pa!" naiinis na pumunta siya sa kumpulan ng aming mga kaklase sa may shed.
Binaba ko muna ang bag ko't nagsimula ng maghanap. Tae! Di ko alam kung saan nakalagay yun. Nakakainis sila. Yung diary ko pa talaga ang napagtripan mabuti na lang at naka lock yun sa loob kaya di nila nakita ang laman.
Hanap dito. Hanap doon. Kanina pa akong naghahanap pero wala pa rin. Huhu. Gusto ko ng makita yun baka mainip mga yun kakahintay.
Naghahanap na ako dito sa may dulong part ng seats sa likod. Last na ito pag hindi ko nahanap goodbye diary na talaga. Siguro sign na yun para kalimutan ko na sya.
Malapit na akong mawalan ng pag-asa ng biglang may pumatak na bagay sa ulunan ko. Huhu. Bakit ang malas ko? Ano po bang nagawa ko?
Ipagpapatuloy ko sana ang paghahanap ng makapa akong bagay. Medyo madilim kasi gawa ng kurtina atska mahirap mag-adjust lalo na kapag naka salamin.
Kapa. Kapa. Kapa.
Hmm. Isa syang parisukat na may nakacrave sa taas makapal at may plastic. Tekaaa~
Dali-dali ko syang kinuha't tiningnan.
Ang diary ko!
Haha. Yes! Nakita ko na sya!
Sa sobrang tuwa nagtatalon ako dito't nag-iirit habang nakayakap dito. Hahaha. Yes! Mabuti nakita ko na ito.
Aalis na sana ako ng may makita akong litrato sa paanan ko.
Pinulot ko ito't tiningnan.
Litrato siya ng isang babae't lalaki. Magkayakap silang dalawa't magkatitigan. Makikita mong parehas silang masaya't puno ng pagmamahalan. Nasa may tabing dagat silang dalawa. Tila walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila na nakasama sa litrato.
Unti-unting napawi ang ngiti sa aking mukha.
Bakit ang sakit?
Nararamdaman ko ang mga luhang pumapatak sa may pisnge ko pero wala akong paki.
Masakit masyado para pigilan.
Unting-unti nawawala na ang imahe ng litatro dahil sa mga luha ko.
Parang siya lang. Unting-unti nawawala sa buhay ko.
Di ko napansin na may nakayakap na sa akin.
"Jeni! Ayos ka lang?!"
Ang boses na yun.
Ang yakap na ito.
Lalo akong napaiyak.
Sana ganito na lang.
Sana walang SIYA.
Sana TAYO nalang muli.
Pero malabong mangyari yun kagaya ng mga SANA na hinihiling ko.
Lahat ba ng masasayang bagay dapat sundan ng malungkot?
Lahat ba ng magagandang bagay dapat mawasak?
Dapat ba lahat ng panaginip kailangang ibalik ka sa realidad?
Realidad na wala ng TAYO.
Realidad na SAKIT lang ang meron.
Realidad na HINDI ka na sa akin at MASAYA ka na sa bago mo?
"Tama na Thunder. Masakit na masado."
Muli umiyak na naman ako gawa niya.
Sa tabi niya habang yakap-yakap niya ako.
Siguro tama nga si Leah.
Isa't kalahating T*NGA.
YOU ARE READING
Bilanggo
Non-FictionKahit matagal na tayong wala. Kahit ilang taon na tayong naghiwalay. Hindi pa rin kita kayang bitawan. Hindi pa rin kitang kayang limutin. Sana maibalik ang dating pagsasama. Sana maibalik ang dating pagmamahalan. Pero hanggang sana na lang ang laha...
