Pinasok ko na ang phone ko sa bulsa at napatingin sa mga barkada ko which is also nakatingin rin sa akin. Anong problema ng mga 'to?





"What?" napatingin ako sa kanila at sabay silang napailing. The hell?





Agad akong tumayo at naglagay ng bayad sa table. "Bahala kayo. Uuwi na ako." At tuloyan na akong lumabas ng bar. Kailangan ko ring ipahinga ang leeg ko, bwesit masakit parin. Kailangan nasa kondisyon ako bukas. Napatawa ako sa term ko, "kondisyon" raw. Magkikita lang naman kami ni Angel bukas para sa scrapbook, wala namang big deal yun, right? Tss.







*









Kanina pa tumutunog ang alarm clock ko at pabaling-baling lang ako sa kama. Darn! Inabot ko ito ng hindi man lang bumabangon, ang sakit parin talaga ng katawan ko. Pahamak talaga ang witch na yun! Pasalamat siya wala akong date ngayon kun----date? DATE? FVCK!





Napatingin agad ako sa orasan sa side table ko, dammit! 10 am ang usapan namin pero anong oras na?! 12 noon!





Dali dali akong bumangon at naligo. Shete! Patay ako kay Angel nito! Halos takbohin ko na ang parking lot at dali-daling nag-drive. Way to go Damon! Chineck ko ang ngipin at pang-amoy ko, mahirap na, bawas pogi points! Pogi points? Napailing nalang ako. Ano bang nangyayari sa akin?!







*







Angel's POV

Bwesit! BWESIT talaga ang adik na yun! Imagine? Dalawang oras na akong naghihintay! Ang gwapo noh? Alam kong gwapo siya pero hindi nya ako kailangan paghintayin ng ganito ka tagal! Humanda talaga siya sa akin! Papatayin ko siya!





Bahagya kong kinuha ang salamin ko at tiningnan ang repleksyon ko, hays. Kanina ang bango at ang fresh ko pa pero ngayon? Haggard na! nakakainis! Amoy pawis na rin ako. Masakit na rin ang paa ko sa kakalakad. Nasa labas ng mall lang naman ako! Ni hindi na ako pumasok sa loob dahil baka biglang dumating ang mahal na hari na iyon! Bwesit!





After 30 minutes, dumating na ang mahal na hari. Pagbaba nya ng kotse, ngumiti agad ito sa akin na parang walang nangyari. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil parang wala lang yun sa kanya!





"Mabuti naman at dumating ka na!" bulyaw ko dito. Alam kong ayaw na ayaw nya akong sumisigaw pero wala akong pakialam! Ghad! Sa tanang buhay ko ngayon lang ako pinaghintay ng ganito!





"Pasensya na, napasarap kasi ang tulog ko." Sabay kamot nya sa ulo nya na parang batang pinapagalitan ng nanay. Tss.





Nahagip ng mata ko ang isang pasa sa leeg nya, "Anong nangyari dyan?" sundot ko dun sa medyong sariwa pa na pasa.





"Aray naman!" reklamo nya. Hmp! "W-wala to! Masyado kasing nasarapan ang babaeng kasama ko kagabi kaya ayan." Halos mapanga-nga ako sa sinabi nya! Seryoso ba siya?! Maawa na sana ako eh pero langhiya! Ang manyak talaga!





Tumalikod na ako sa kanya at pumasok na ng mall. Ang manyak! Imbis tumigil na sa kasasalita, mukhang nag-eenjoy pa siya! Ang sarap balatan ng buhay!





"Pwede ba tumigil ka na!"

Hindi parin siya nakinig at tumawa lang ito, "Bakit Angel, mas lalo na naman ba akong gumwapo?" biglang uminit ang mukha ko ng ipa-alala na naman nya ang nangyari sa caf nung nakaraang araw! Shet. Hindi ba nya ako titigilan? Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil halos wala na akong masabi. Oo na! siya na!





Tinaas nya ang dalawang kamay na pataas, "Okay! Titigil na ako." Ngumiti na lamang ito, dun ko lang napansin ang dimple nya. Mas lalong nagdagdag charm sa mukha nya. Nakaka-insecure naman ang lalaking 'to. Ako walang dimple pero siya meron! Nagpout ako.





"Hwag ka ngang magpout! Halikan kita dyan eh." Nagpoker face na lamang ako.





Everything went well, naglakad-lakad lang kami. Basta yun na yun! Pero in fairness nag-enjoy ako, ang kulit ng taong to. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya. Pero ang hindi ko halos paniwalaan ay yung time na na-in love na raw siya pero iniwan daw siya ng babae. Kunsabagay, sa ugali nya, sino ba naman ang tatagal? Tss.





Lumaki daw siya na wala masyado ang parents nya. See? Another cliché for young, rich kids. May twin sister daw siya which is nalaman ko na dun sa airport nung nakita ko siya at yung "mangkukulam" raw ang may kagagawan ng pasa nya sa leeg. Ang bayolente naman ng sister nya pero malay natin baka gawa-gawa lang nya yun. Tss. Anyways, yung girl daw na minahal nya is same school na pinasokan ni ate Princess noon. Matanong ko nga si ate mamaya pa-uwi.





At least nawala yung pagod ko kanina kakahintay sa kanya kasi busog ako. Hahaha. Halos mapanga-nga siya sa mga inorder ko, eh sa gutom na ako eh! Bahala siya. Sabi nya treat daw nya ako, eh di sulitin ko na!





"Adik, ano ba ang sa tingin mo ang pinakamabigat na kasalanang nagawa mo sa ngayon?" tanong ko sa kanya habang ninanam-nam ang milo blast ko.





Napatingin siya sakin at napa-isip. "Bakit? Gano ba kadami ang kasalanan mo?" I teased. Eh sa nakakatuwa siyang paglaroan eh. Napakunot ang noo nya at kumain ulit. Akala ko hindi na siya sasagot, "Siguro yung pinaghintay ka." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet.





"Ha-ha-ha! N-nakakatuwa!" teka? Ba't ba ako nauutal?!





ISANG MALAKING KATAHIMIKAN.





Narinig ko nalang siyang tumikhim kaya napatingin narin ako sa kanya. Ang awkward naman, "I-ikaw Angel, anong pinakamalaking kasalanan na nagawa mo?"

Bigla na naman akong nakadama ng lungkot. Matagal nang nangyari yun pero pakiramdam ko, napaka-sariwa pa ng ginawa ko. I committed a crime hindi dahil sa ginusto ko ito, hindi rin dahil sa hindi ko yun sinasadya pero dahil sa wala akong choice.





To make the story short, ako ang naging dahilan kung bakit nawala ang isang napaka-gandang love story ng kapatid ko.







================================================================================

Hey! Heto na ang promise ko! Sorry for the late post. Sorry for the typographical errors also. ;)

PM or proceed to my MB for dedications.

Ano nga ba ang kasalanan ni Angel noon? Hmm.

Votes. Comments. Fan. Please.

- Bellalona.

My Hopeless Romantic Playboy [COMPLETED]Where stories live. Discover now