THRP 9: Thoughts

24.3K 262 8
                                    

Damon's POV

"Oh Damon, anong nangyari dyan?" tawa-tawang tanong ni Alex sa kin. Aba, kanino pa ba galing ang mga sugat na 'to? Sa halimaw kong kambal lang naman!





"The last time you had heavy bruises like that was when Athena came back from Australia." dugtong ni Alex sa sinabi nya.

Sinamaan ko lang silang lahat ng tingin na para bang sinang-ayonan ko ang sinabi ni Alex sa akin.





Sync straighten up at pati na rin si Liam. Yeah right, kaming lahat takot sa halimaw na yun.





"No way?!" napailing nalang ako sa reaksyon ni Paul. Yan, yan ang pinaka-daga pagdating kay Athena. The last time na nagawa ni Athena sa kanya, halos ma-ospital na ito. Napaka-bayolente ng taong yun. Anak ata ni Lucifer yun eh. Tss.





"Kelan pa siya dumating?! Kelan siya aalis?!" napahalakhak nalang si Sync si reaksyon ni Paul.





"Hindi ko alam. Damn! Ang sakit parin ng leeg ko dahil sa kanya."

Halos mapangiwi ako dahil sa sakit. Fvck that witch! Parang bumaon yung kuko nya sa leeg at katawan ko. Minsan naiisip ko nga, pano siya natatagalan ni Luke?



Napasandal uli ako sa couch at mariin na pumikit. Nasa bar kasi kami ngayon at nagpapa-unwind. Medyo matagal-tagal narin kasi akong hindi nakakasama sa kanila kaya eto, nag-eenjoy muna.





"Dame, kumusta yung scrapbook nyo ni Angel? May bed scene na ba?" birong tanong ni Liam. Kahit kelan talaga napaka-manyak ng taong 'to. Minsan nga sinasaway ko yan kasi panay ang dikit sa bestfriend ni Angel! Amoy palang ng lalaking 'to, alam na alam ko na!



May pagka mataray kasi yung bestfriend ni Angel kaya ayan, parating nabobonga-ngaan si Liam. Sinita ko na nga pero ayaw naman. Napailing nalang ako, kahit kelan hindi ako namimilit ng babae.





"Ulol." sabi ko sa kanya. Napatawa na lamang silang lahat. Ininom ko agad ang alak at tsaka sumandal sa upoan. Mabuti nalang at walang masyadong tao dito, at least hindi masyadong maingay.





Bzztt. Bzzztt. Bzzztt.

From Flatchested:

Hoy! Tapusin na natin ang scrapbook!

Kahit sa text napaka-ingay ng babaeng 'to. Maloko nga.



To Flatchested:

Ang sabihin mo miss mo lang ako.

Halos hindi ko na namalayan na tatlong oras na kaming magka-text ni Angel. Ni hindi ko nga mapansin na andito pala ang mga barkada ko. Kung hindi lang siya nagpaalam na matutulog na, hindi ko mapapansin ang pagka-abala ko sa cellphone ko.





My Hopeless Romantic Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon