Nanlilisik ang mata ko habang nakatingin sa'kanya, ibinaling ko naman ang tingin ko kay Kai na mukhang takot na takot sa'kin.


"Kayong dalawa, kung hindi ko lang narinig ang pinag-uusapan ninyo---"


"Teka, narinig mo lahat?"


"Bakit? May itinatago pa ba kayo kaysa sa pagiging mag asawa ninyo?" Pareho silang napalunok sa sinabi ko. Hindi ako tanga para hindi mapansin na may iba pa silang itinatago, narinig ko pa nga yung pangalan ni Halei kanina pero kailangan ko munang malaman kung bakit nila 'to itinago sa'kin. Yung tanong sa utak ko padagdag na nang padagdag.


"W-wala Aaliyahbabes, uh paano ko ba 'to sisimulan?" Kumuha ako nang panibagong kutsara saka umupo. Gutom talaga ako.


"Go, I'm listening."


"Ah! Eto sa pinakasimula, nasa kama kami 'non tapos hubad at gumagawa ng milagro--"


*cough* *cough*


Walang akong tigil sa kakaubo, mukhang nabarado ang lalamunan ko. Dali dali naman lumapit sa'kin si Kai at tinapik-tapik ang likuran ko.


"Hala! Sorry! Hindi ko kasi alam kung saan magsisimula kaya sinimulan ko sa pinakasimula huhu." Sinamaan ko siya ng tingin saka uminom ng tubig para mahimasmasan. Siguro pulang pula na ang mukha ko sa sobrang kakaubo. Tinignan ko naman si Ark na nagpipigil nang tawa kaya ibinato ko na naman sa'kanya ang kutsara ko, sapol ulit sa ilong.


"Seryoso nga kasi." Sabi ko at inilayo na ang cereal sa harapan ko, delekado na baka may masabi na naman sila.


"Para umikli ang kwento ganito yon. Ipinagkasundo kami kaso ayaw niya sa'kin kaya tumakas siya habang dala-dala ang anak namin---teka ikukwento ko pa ba kung paano at kailan namin 'yon ginawa?"


I knew it! Buti nalang hindi ako kumain ng cereal at baka tuluyan ko yon maibuga. Sinamaan ko lang siya ng tingin.


"Wag na, proceed."


"Ilang buwan ko rin siya hinahanap at sakto nung mga oras na yon nasa grocery ako, may nahulog na napkin sa harapan ko kaya pinulot ko yon at ibinigay sa may ari at kung suswertehin ka nga naman, siya pala yung may ari nang napkin kaso matinding batok ang inabot ko nung mga oras na 'yon. Nang malapit na siya manganak doon na namin napagpasyahan pag usapan lahat ng masinsinan. Oh ano? Padala ko na ba kwento namin sa MMK?"


Agad naman siyang binatukan ni Kai.


"Gago bakit pati yung napkin ko nasali sa kwento mo?!"


"Bakit? Gusto mo bang isama ko pati yung panty liner?"


Hindi ko halos kayanin 'tong bunganga ng dalawang 'to.


Tumayo ako sa kinauupuan ko at sakto namang may mga braso na pumulupot sa bewang ko at mas idinikit ang katawan ko sa'kanya. Naamoy ko agad ang pamilyar niyang pabango at naramdaman ko ang ilong niya sa may bandang leeg ko, tila ba sinisinghot niya ang balat ko.

Carrying the Vampire's Heir (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now