Kabanata I

327 6 3
                                    

Pasensya na po. Panget po ito. Period. Kailangan lang po kasi para sa Filipino po namin. Maraming salamat po sa pang-unawa. ^______^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa isang baryo sa Mindoro ay may nakatirang pamilya. Ang pamilyang ito ay salat sa buhay. Sila ang pamilyang Ortigas. Sila ay nakatira sa maliit at masikip na bahay. Sa kabila nito, ang pamilyang Ortigas ay masaya pa rin.

Sa kanilang bahay:

Aling Rosa:  Maria! (Pasigaw)

Maria: Bakit po?

Rosa: Anak, tawagin mo na ang iyong mga kapatid at tayo’y kakain na. Malapit nang dumating ang iyong itay.

Maria: Opo, Inay.

(Habang nag-aayos ng hapag-kainan)

Crisanto: Mahal! Nandito na ako (Sabay yakap sa bewang ng asawa)

Rosa: Oh,kamusta mahal? Okay lang ba ang trabaho?

Crisanto: Maayos naman mahal. Sobrang nakakapagod. Kaya naman busugin mo ako. (Ngisi)

Rosa: Haha. Loko ka talaga. (Hagik-gik). Oh,siya magpahinga ka muna, habang hinihintay natin sila Maria.

Crisanto: Oh,sige. Maraming salamat, Mahal.

(Pagkatapos ng limang minuto)

Maria: Inay! Nandito na kami. Mano inay. Si tatay andyan na po ba?

Rosa: Oo, anak nandyan na ang iyong itay. Naliligo lang saglit, napagod sa kanyang trabaho.

Maria: Ganoon po ba?

Rosa: Oh, anak nasan na ang mga kapatid mo?

(Pagpasok nang mga magkakapatid)

Alfredo, Liza, Lucia, Bernando: Magandang tanghali Inay! Nandito na po kami. Mano po inay.

Rosa: Kawaan kayo ng Diyos mga anak. Mag-hugas na kayo ng mga kamay niyo, at tayo’y kakain na.

(Paalis na ang mga magkakapatid)

Rosa: Alfredo!

Alfredo: Bakit po inay? May problema po ba?

Rosa: Wala naman anak. Bago ka sana pumunta sa gripo ay iyo munang tawagin ang iyong itay, at tayo’y sabay-sabay nang kumain.

Alfredo: Ganun po ba? Asan po ba si itay?

Rosa: Tignan muna lamang sa aming silid.

Alfredo: Sige po inay.

ALFREDO’S P.O.V

(Katok sa pintuan ng silid ng kanyang inay at itay)

Tok.tok.tok

Crisanto: Sino yan?

Alfredo: Alfredo po itay.

(Pag-bukas nang may pintuan)

Crisanto: Bakit anak?

Alfredo: Pinapatawag po kayo nang inay at tayo’y sabay-sabay nang kumain daw po.

Crisanto: Ganoon ba anak?..

Alfredo: Opo, itay

Crisanto: Paki-sabi sa iyong inay na may kukunin lamang ako sandali kila Pareng Jose, pati na rin sa iyong mga kapatid. Hintayin niyo lamang ako saglit at sabay-sabay na tayong kumain.

Alfredo: Opo itay, sasabihin ko po kay inay at sa aking mga kapatid.

Crisanto: Oh, siya sige anak at ako’y pupunta na at tayo’y makakain na.

PAMILYAWhere stories live. Discover now